Joline's POV
"Happy birthday Dark!"bati ko kagad pagkagising nya. Nandito parin kami sa kama. At halos sabay lang kami gumising.
"Goodmorning wife, goodmorning baby Sheryn."sabi nya at hinaplos pa ang tyan ko.
Tumayo na sya at inalalayan nya rin akong tumayo dahil alam nyo na.. tumbok na ang tyan ng lola nyo.
Todo alalay sya! Pati yung hinahakbangan ko ichecheck pa!
"Magluluto na ako. Dyan ka nalang."sabi nya sakin.
Pati sa kusina ayaw nya na kong papuntahin! Malapit daw kasi sa lababo at siguradong basa basa ng konti. Baka daw madulas ako! Ang OA diba?
Nagluto sya at kinuha ko naman yung phone ko.
Eh?
May message?
From :+63******
Whinslet here, Joline. Can we talk?
The heck? Talk? Waaaa! Hindi ako papayagan ni Dark!
"Sinong nagtext sayo wife?!"biglang sigaw ni Dark dun sa kusina.
"A-Ah.. mamaya sabihin ko."
Hindi na ko naglilihim kay Dark eh! Kinwento kasi sakin ni Renz na kaya daw hulaan ni Dark kung nagsisinungaling ang tao o hinde.
'May pagkamanghuhula si Dark.'
Ang creepy noh? Pero mas maganda na yung sinasabi ko yung totoo kesa naman sa malaman nyang nagsisinungaling ako! Ehh di nawalan sya ng tiwala sakin?
"Kain ka na wife."
Inalalayan uli ako ni Dark na bumalik sa table at dun kami kumain ng sabay.
"Ah hubby, nagtext kasi si Whinslet."umpisa ko.
"Then?"
"A-Ano.. Mag-usap daw kami."sabi ko.
Tumango tango sya at tinignan akong maigi. "Pwede kayong magusap pero kasama ako."
>___<
"Bat kailangan kasama ka?"tanong ko.
"Malay ko bang plano nun?"sabi nya at kumain ulit.
"Okay itetext ko na--"
"Ako na magtetext, kumain ka na lang dyan. Kukunin ko muna yung vitamins mo."sabi nya at tumayo.
Ako lang ba nakapansin?...
Bat hindi nageenglish si Dark? Bwahahaha! Mas maganda yon noh! Minsan kaya hirap akong intindihin ang sinasabi nya! Bibisita pa ko sa Merriam Webster! Wahahaha
"Punta tayo mansion mamaya Dark please?"sabi ko.
"Why?"tss. Nag-i-english na naman.
"Birthday mo naman eh."sabi ko. Tumango nalang sya at kumuha ng kutsara at pinainom ako ng vitamins.
"Pwedeng ako naman maghugas ng plato? Konti lang naman eh."sabi ko.
"No."sabi nya with iling iling pa.
"Please? Pwede naman diba? Aalayan mo naman ako eh? Please hubby, please?"nagbuntong hininga lang sya at sinabing.. "tss, fine."
Sabi sayo eh!
Pinunasan nya yung floor at tsaka ako inalalayang maglakad. Kaya ayun naghugas na ko.
"Ang dami naman nating baso Dark. Di na kasya oh."reklamo ko.

BINABASA MO ANG
He Is The Mafia Boss
Action"AYON! SYA! SYA YUNG ASAWA KO! ASAWA KO TULUNGAN MO KO!" That 11 words who change my life. That 11 words that change me to a married person. That 11 words that bring me to hell. But that 11 words is the reason why I already know what love really is...