Chapter 11

218 5 0
                                        

Joline's POV

"Dark naman , kumain ka sabi ng marami! Diba sabi ni Doc susunod ka daw sakin?!!"sigaw ko sa kanya

"Ugh! I'm so full and i wanna sleep more!!"iritang sabi nya.

"O sige , kain ka na lang netong banana dali.."sabi ko at binigay sa kanya yung saging.

3 days after nung matamaan sya. Ang daming nawalang dugo sa kanya pero malakas daw sya sabi ng doktor. Limang oras lang syang tulog nun , tapos ako yung una nyang hinanap. Ewan ko, siguro.. Narealize nya na ang ganda ko. Cherret!

Kahapon naman nilagnat si Dark hanggang ngayon, bad mood sya simula ng magising sya , buti nalang at maganda ako. Ok humahangin na. Sorry naman minsan lang mangarap eh.

Magtatanghali na at ayaw parin bumangon ni Dark! Gusto pa raw nyang matulog!

Lumabas muna ako ng kwarto at pumunta sa sala.

"Asan sila Fey?"tanong ko kay Vannessa.

"Ahh.. Nag-uusap sila ni Renz hihihi."sabi ni Vannessa na mukhang kinikilig kilig pa.

"Ahh , sabi ko na eh , magkakagustuhan din yun eh."sabi ko at tumango tango naman sya. Umupo ako sa tabi nya at nakikain narin ng popcorn.

"Sino ba kasi si Hanna?"iritang tanong ko.

"Sya yung fiancee ni Dark."biglang sabi ni Vannessa. And I think this is the time para malaman ko na kung sino si Hanna.

"Eh bat ako pinakasalan ni Dark kung may fiancee naman pala sya?!"

"Dapat hiwalay na sila Joline. Pero sa tingin ko hindi dapat ako ang magsabi ng lahat sayo dahil.. Mas lalala lang ang sitwasyon, dati pa namin iniisip na mangyayari to eh."paliwanag nya.

"Ibig sabihin , alam nyo na ako ang magiging asawa ni Dark? Ibig sabihin ba.. Alam nyo na.. Mangyayari na ang mga bagay na to?"takhang tanong ko. Nanlaki naman ang nga mata nya at natataranta. Curiousity skills. Lalo na't may connect ako dito!

"Vannessa."tinig sa hagdan na pagmamay-ari ni Dark.

"D-Dark , I-Im sorry."sabi ni Vannessa at umalis.

Humarap ako kay Dark at tinignan nya lang ako tsaka sya humakbang muli paakyat.

"DARK! ANO BA?! WALA KA BANG BALAK MAGKWENTO SAKIN?!"galit na sigaw ko.

"The more you know too much , the more danger comes to you."seryosong wika nya.

"Pero konektado ako dito! At hindi ko alam kung pati pamilya ko kasali dito?! Gusto kong malaman lahat Dark! Pwede ba?!  Wag mo na kong pahirapan?!!"inis na sabi ko at sinundan sya sa pagakyat.

"DELIKADO ANG BUHAY MO! ALAM NA NG LAHAT NA ASAWA KITA KAYA MAS MABUTING MANAHIMIK KA NA LANG JOLINE! PWEDE BA?!"sigaw nya.

Eto ang unang beses na tinawag nya ko sa pangalan ko , at ang unang beses na nakita ko syang pigil na pigil ang galit nya pero nakakatakot parin talaga. Nagpipigil sya pero nakakatakot na panu pa kaya kung galit na galit na sya?!

"Mananahimik ako kapag nalaman ko na ang totoo?!"sigaw ko.

"Wag mo kong simulan , babae."

Tumigil na ko at pumunta sa dating kwarto ko.

Ayoko rin namang mag-away na naman kami ni Dark. Kaya dito na muna ako.

Kinalkal ko uli yung bagay na nakita namin dati.

Nandito parin yung frame pero yung letter di ko na alam kung nasan.

Kamukhang kamukha ko sya. Maganda sya.

He Is The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon