Chapter 12

228 5 2
                                    

Joline's POV

"Don't do that again!"sabi ko kay Dark habang nandito kami sa kotse at sya ang nagda-drive tapos nasa likod naman si Fey. As usual , may mga goons parin na sumusunod samin. Buti nga at may sasakyan din sila eh!

"Why? Aren't you proud that you have a handsome husband?"tanong nya sakin ng nakangisi. Smirking evil.

"Pinapahiya mo ko Dark eh!"sabi ko.

"I'm sorry , sweetie."sambit nya

Bwisit na dark to. Kanina kasi ilang beses nya akong pinahiya. Tapos nung break sinubuan nya pa ko! Hayy! Dapat ako ang gumagawa nun kasi nilalagnat parin sya hanggang ngayon! Ang kulit nya kasi eh.

"Besh , bat ba ang ingay nyong dalawa jan?!"reklamo ni Fey na mukhang naalimpungatan.

"Sorry na!"sabi ko nalang

Bumaba na kami at sinalubong naman kami ni Renz at Vannessa.

"Asan si Fey?"bungad ni Renz.

"Ayon , tulog. Buhatin mo nalang."sabi ko.

"Hello Joline! Tara , may binake ako dun!"

Pumunta na kami nila Dark sa kusina at kumain.

"Marunong ka pala magbake ng cake!!"sabi ko kay Vannessa.

"Yeah. Tinuruan lang ako ni Dark nyan dati nung bata pa kami."sabi nya.

Marunong pala mag bake tong si hubby? Nakakatampo sya. Bat HINDI NYA KO PINAGBE-BAKE?!

Natapos na kaming kumain at pumunta na kagad kami sa kwarto ni Dark.

"Dark , nilalagnat ka pa ba?"tanong ko kay Dark.

"Nah."simpleng sagot nya.

Lumapit pa ko sa kanya dahil nasa couch kami at nagpapahinga lang. Hinawakan ko ang leeg nya at.. May sinat pa sya.

"Hubby , uminom ka ba ng gamot mo?"tanong ko.

"Do I need to take that?"

WAAAA! KAYA NAMAN PALA HINDI PA NAWAWALA ANG SAKIT NYA EH!

"Dark naman oh , ang tigas ng ulo mo! Diba sabi ko kanina, uminom ka nun pagkatapos mong kumain?"sabi ko.

"I hate the taste."sabi nya. Mapait kasi yung gamot. Ang arte ng baliw na to.

"Waaa! Wag mong sabihing di ka iinom ng gamot?! Waaaa! Baka lumala ang sakit mo! Andali nga.."sabi ko at nagtungo sa CR at kumuha ng bimpo at tubig na maligamgam para punasan sya.

Pinatong ko muna yun sa mesang maliit at tsaka binuksan ang pinto , bawat hallway naman kasi may mga maids kaya may nakita kagad ako.

"Ateng maid, pakuha naman po ng gamot ni Dark pati na rin po tubig."

"Masusunod po."sabi nung maid at nagsimula ng bumaba.

Binalikan ko si Dark na ngayon ay nakahiga na sa kama.

"D-Dark , p-pupunasan k-kita."nabubulol na sabi ko.

"Go ahead."sabi lang nya ng nakapikit.

Napalunok ako ng ilang beses habang tinatanggal ang damit nya.

"D-Dark k-kung ikaw n-na l-lang kaya m-magpunas sa s-sarili m-mo?"putol putol na sabi ko.

"Fvck!! My head!"sabi nya. At mukhang masakit nga ang ulo nya.

"Waaa! Nakakataranta ka Dark!"sabi ko kaya pinunasan ko..na sya.

Oh my gosh. Walong pandesal na nakakabit sa tiyan ni DARK?!

He Is The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon