Snow in Summer

507 6 0
                                    

I. Paul- ing for you

Papasok na naman ako sa school. Excited nakong makita sya. Professor daw namin sya sabi ni Ceddy.

Si Ceddy, ang loka loka kong bestfriend. Meron syang 6 pang kapatid. Nakatira siya ng mga kapatid nya sa isang bahay sa gitna ng gubat. Hindi naman bahay kubo. Mansion nga yung bahay nila e. Ulila na sila sa magulang. Namatay sa plane crash. So tragic no?! Mas maliit sya ng onti kesa saken. Maitim, malapad ang noo. Hahaha, lagi ko nga yung tinutuksong landingan ng airplane eh. Singkit ng onti. Maliit at matangos ang nose. At isip bata pa sa edad nya.

Ako? Khione Arianne Roxas at your service. Only child ako, kasi namatay yung mother ko nung pinanganak ako. Sabi ni Daddy, kaya daw Khione yung pangalan ko, mahilig daw sa mythological creatures si Mommy. Tapos sing puti ko daw ang snow, kasing dark ng gabi ang buhok ko at kasing pula ng dugo ang labi ko. Khione is the goddess of snow sa Greek myth. Kaya yun. Nung bata ako, gustong gusto kong palitan yung pangalan ko kasi tinutukso ako lagi ng mga ibang bata. Gusto kong ipalit Sabrina, yung nasa Winx. Yung palabas ng mga fairy. Basta gandang ganda ako sa pangalang Sabrina. Pero ngayong malaki nako, astig pala! Madami na kasing nagsasabi eh.

Ako at si Ceddy, parehas na kaming College student. As our daily routine pag may pasok kami, sa ganitong oras nagkikita kami ni Ceddy sa terminal ng jeep para sabay kaming pumasok. Grabe kami magkwetuhan sa jeep ni Ceddy. Yung parang kakakita nyo palang kahapon ang dami na agad nangyari. Ganun sa buhay namin. Masyadong maraming nangyayari sa paligid. Baka sa buhay nyo din ganun, di nyo lang napapansin.

As for dun sa Professor na nabanggit ko kanina, si Teacher Paul. Prof namen sya sa dalawa naming subject. Ang swerte namin na prof naman sya dahil sobrang gwapo nya. Bata pa sya, 26 pa lang. 19 na naman ako. Konti lang difference. Naniniwala ako sa kasabihang “Age doesn’t matter”. Pangarap ko talaga simula nung 1st year college pa ako na maging prof sya. Matagal ko na syang crush eh. Lahat ginawa ko para mapalipat sa class nya. At successful naman ang lahat! YES! Makakascore nadin ako sa wakas. Sana magkadevelopan kami. Wala namang impossible diba?

Snow in SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon