XVIII. Who knows?

67 0 0
                                    

NAKAKAINIS!!!! Absent si Teacher Paul!! Parang kaninang umaga lang nakita ko sya na naglalakad tapos biglang ganun!!! ANAK NG TUPA!!! Ano pa bang kamalasan ang mangyayari saken ngayon araw!!! Baka naman mamaya makita kong may kasamang babae si Teacher Paul, ABA! Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masakal ko yung babae.

"Hindi na maipinta yang mukha mo.” Dad said. I ignored him at lalo pang sumimangot. “Khione, I’m talking to you.”

"Let’s go. Take me to ate Cindy.” I said. At naglakad na ako papunta sa car.

"Alam mo ba sinugod daw sa Hospital si Primo kanina.” Sabi sakin nung nakasalubong ko. Ang chismosa! Ano namang pakialam ko dun sa Primo na yun. Si Teacher Paul ang kailangan ko!!!! “Kaya nga wala si Teacher Paul kanina kasi sya yung nagsugod.” Tuloy pa nya.

"Huh?”

"Hindi ka ba nakikinig sakin Khione. Ang sabi ko sinugod si Primo kanina sa Hospital..”

"Not that.. yung isa mo pang sinabi!”

“KHIONE!!!”  I turned to my back and I saw Ceddy running. “Gurl, alam ko na kung bakit wala si  Teacher Paul kanina..” Sabi nya na hingal na hingal.

"Yun nga yung sinasabi ko kay Khione eh, ayaw namang makinig.” Sabi nung babae, “Dyan na nga kayo. Ikaw na magulit ng sinabi ko Ceddy ha.” At umalis na sya.

"Problema nun teh?!” Sabi ni Ceddy.

"Ewan ko. Crazy ata yun.”

Ang bogling!!!” Biglang lumapit samin ni Ceddy si Dad, “Hi Tito!” Bati ni Ceddy.

“Dad, hindi na ako sasabay. May pupuntahan pa kami ni Ceddy.” I said.

"Tinawagan ko na si ate Cindy mo na pupunta ka sa kanila.”

"Ako na pong bahala magsabi kay ate Cindy.” Tinulak ko sya papasok ng car, “Magingat ka Dad magdrive ha? I’ll text you later. BYE! I love you.” Sinara ko na yung pinto at hinatak ko na si Ceddy sa malayong malayong malayong lugar! ANG OA KO!!

           Nasa pathway kami ni Ceddy habang sinasabi nya sakin yung chismis. Yun nga daw, sinugod daw si Primo sa hospital sa di malamang kadahilanan nung mga 11 sharp ata. Yun yung time na hinahabol kami ng mga lalaki. Tapos to the rescue ang aking Prince Charming at agad na dinala si Primo sa Hospital.

          Iniimagine ko ang eksena, nakasakay si Teacher Paul my love sa kabayo tapos nakasuot ng prince costume at may kapa pa tapos binuhat nya si Primo at sinakay sa likod ng kabayo nya tapos mabilis yang pinatakbo ang kabayo para dalhin si Primo sa manggagamot. OMG! Ang gwapo na, ang cool pa!

"Huuy Khione!” Tinapik ako ni Ceddy, “What’s the plan?”

"Saang Hospital ba daw?”

"Dyan sa St. James, DUH GURL! Kung magsusugod ka sa hospital dun na sa pinakamalapit. Use your coconut naman.”

"Ikaw na matalino. Ang bogling mo!! Halika! Puntahan natin.”

"Sure ka dyan? Paano pala pag wala na sila dun?” Tanong ni Ceddy.

"Edi itext natin. That’s not a problem.”

"Ang tanong, may number ka ba ni Teacher Paul?”

"Oo naman! Tinatanong pa ba yan?!” Lagmamayabang ko. Kinuha ko yung phone ko at naghalungkat sa phonebook ko..

Hanap..

Hanap..

Hanap..

"Ano na teh! 10 years bago mo makita!! Meron ka ba talaga???” Tanong ni Ceddy.

"Meron ako nun alam ko!”

Snow in SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon