VIII. Take it slow.

112 1 0
                                    

Sinimulan agad namin ni Ceddy yung plan. Mahirap nga lang sa side ko kasi sobrang dali ng nung tunuturo nya. Mahirap na, baka mahalata pa kami.

"Galingan mo nga ang pag-arte.” Bulong saken ni Ceddy.

“I’m trying..” I said.

“Class, naiintindihan ba?” Tanong ni Teacher Paul.

“Teacher, si Khione po hindi magets.” Sabi bigla ni Ceddy.

“Ms. Roxas? Is that true?” Tanong ni Teacher Paul.

“Ah- eh.. yes po. Mabilis kasi masyado. Hindi ako makasabay.” I said.

“Slow ka kasi!!” Sigaw ng mga lalaki sa likod. Tiningnan ko nga ng masama. “SLOWPOKE! SLOWPOKE! SLOWPOKE!” Kilala nyo ba si Slowpoke? Yun yung nasa Pokemon na mabagal kumilos at laging tulog.

“Guys at the back. Tigilan nyo yan.” Sigaw ni Teacher Paul. Wee! Pinagtanggol nya ako.  Tumawa lang sila pero tumigil nadin naman. “Uulitin ko na lang sa umpisa. Okay lang ba yun sa iba?” Tanong ni Teacher Paul.

"Okay lang. Hindi ko rin naman naintindihan ang tinuturo mo.” Sabi ng nasa likod. Ang bait talaga ni Teacher Paul, talagang uulitin nya pa para saken. Mukhang gumagana nga ah.

“Uy, Gurl!“

“Yes, my dear?” Nakatingin si Ceddy sa likod.

"Tingnan mo yun oh.” Ngumuso sya sa kung saan. Ako naman ‘tong si tingin.

“Sino?”

"Yung lalaking mukhang suplado.”

"Oh? Anong meron sakanya?”

"Wala lang. Parang may kahawig kasi sya. Hindi ko lang masabi kung sino.”

"Tss. Wag mo na ngang pag- aksayahan ng oras nyang mga yan.”

"Meron talaga eh.”

"Ah ewan ko sayo!” Tumingin na uli kay Prince Paul my love.

"Ms. Roxas, should I begin?” Tanong ni Teacher Paul. I nodded.

                Sinimulan nya ung lesson nya. Tapos pagkakatapos nyang magexplain tumitingin sya saken ng bonggang bongga tapos minsan tinatanong nya pa ako kung nagets ko na. Bigla namang sisigaw yung mga lalaki sa likod ng “SLOWPOKE!” nako! Pag talaga ako hindi nakapagpigil.

“Ced.. mukhang gumagana ang plan mo ah.” Bulong ko.

"Ako pa! tuloy tuloy mo lang yan. At mapapasayo na sya.”

"Ang kailangan na lang ay turuan nya ako. Yung kaming dalawa lang.”

"Tama ka dyan, Gurl. Go fight! Hahaha.”

*KRINGGGG!*

                Ayy! Tapos na agad? Ang bilis naman. Nagayos na kami ng gamit. “Ms. Roxas, naintindihan mo na ba?” Tanong ni Teacher Paul. Napatingin ako kay Ceddy na umiiling.

“Slight?”

"Slight lang?! Oh sige. Sa susunod hindi ko na bibilisan para magets mo agad."

"Thank you!” Ngumiti ako.

"Trabaho ko yun eh.” Ngumiti din sya.

***

                “AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHH!” Tili ko. "Sampalin mo ko! Sabihin mong hindi ako nananaginip!"

"Ang galing mo, Gurl!"

“OMG! Grabe. Muntik na akong himatayin habang kinakausap nya ako.”

"Kahit nga ako eh. Parang nararamdaman ko yung nararamdaman mo.”

"Dahil gumagana yang plano mo Ceddy. DQ [Dairy Queen]?”

"Libre mo?!"

"Syempre! Para sa matagumpay nateng plano."

Snow in SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon