II. Attendance

189 3 2
                                    

This is it! Pancit! Pusit! Talagang inagahan namin ni Ceddy ang pasok para sa unahan kami nakaupo. Sa tapat mismo ng teacher's table. Excited nako talaga! Eeeiiii! Onti onti ng nagsisidatingan ang mga students.

“Khione! Ano ayos pa ba yung mukha ko? Dapat ba naglagay ako ng eye shadow?” Sabi ni Ceddy.

“Tungek! Dapat simple lang tayo. Mas tinitingnan ng mga lalaki yung simple lang.”

“Talaga? Saan mo nalaman yan?”

"Sa sarili ko lang.”

“Alam ko na pinaparating mo, madami kasing nagkakagusto sa’yo, kahit wala kang gawin sa sarili mo na pampaganda. Ikaw na teh! Ikaw na ikaw na.” Nakasimangot na sabi ni Ceddy.

“Eto naman. Hindi yun ang ibig sabihin ko.” Niyugyog lo si Ceddy at baka nababaliw na naman.

“Ganun din yun, kahit balibaliktarin mo ang mundo, maganda ka pa rin..”

“Madami ngang nagkakagusto, yung gusto ko naman walang gusto saken, parang wala din.” Malungkot kong sabi.

“Ahhhh.. wag ka na sumimangot dyan. Sige ka baka lumitaw na ang mga wrinkles mo.”

Napabaling sa pinto yung tingin ko. May grupo ng mga lalaki ang papasok ng classroom. Ngayon ko lang sila nakita sa tanangbuhay ko dito sa school na’to. Mukha pang mga adik. Pumuwesto sila sa likod ng room. Nagkatinginan kami ni Ceddy, tapos ngumiti sya. She wiggled her eyebrows. Napatingin ule ako sa may pintuan, yung pinakahuling lalaki yung tinitingnan ni Ceddy. Aba! Pogi ‘to ah. Pinakapwede na ang mukha sa mga naunang pumasok.

"Type mo?” Tanong ko kay Ceddy.

“Duh.. ang pogi kaya. Pero ayoko, mukhang suplado.” Napatingin sya saken na malaki ang mata, “Diba mga suplado ang mga gusto mo?” Tanong ni Ceddy.

“Ced.. ano ba? Dati yun. Suplado ba si Teacher Paul?”

“Hindi.”

“Edi hindi. Ayoko na sa suplado.”

"Pero maganda din ang suplado, iwas selos." Sabi bigla ni Ceddy na nakahawak sa baba nya.

"Ikaw na lang sa mga suplado, nagsawa nadin ako."

"Okay lang sakin. At least, kakaiba. Malimit na ang suplado ngayon ah. Name it, yung crush  ko na lang ata ang tumatandang pasuplado lalo."

"Eh sino bang may sabing mga supladuhing lalaki ang i- crush mo?"

"Unique nga kasi. Wag ka ngang pahinadora."

"Basta ako, jolly guy na ang gusto ko. Kagaya na lamang ng kaisa isang lalaking sobrang perfect para sakin."

"Khione, sobra na yan. Hindi ka kaya mahirapan nun?" Kinunutan ko ng noo ni Ceddy. “Oh! Oh! Relax. Yung wrinkles. Sigi ka!”

*****

Maya maya, pumasok nadin ang Prince Charming ko. Haay.. ang gwapo talaga.

“Goodmorning.. I’m Paul Ortega, I preferred to be called as Teacher Paul. I will be your professor for this subject.” Heaven ang boses nya. Ang gwapo din. Kung ganyan ang lahat ng lalaki sa mundo, edi masaya. Binuksan ko palihim ang phone ko, tapos in open ang recorder.

Nagsimula syang magattendance, paano nya kaya babanggitin yung pangalan ko?! Excited nako. Naunang tawagin si Ceddy kesa saken, alphabetical kasi. Down to letter O..

“Ortega, Primo.” Tawag ni Teacher Paul. Walang sumagot pero nakita nya. Yun yung lalaking type ni Ceddy, yung mukha daw suplado. Nako nako! Di nya ginagalang si my beloved Teacher Paul. Purkit mukhang bata pa si Teacher Paul, hindi pwedeng ganun ganunin nya na. Superior padin si Teacher Paul pag nasa loob ng classroom.

“Roxas..” Ako na! “Khione Arianne? Khione?" Confused nyang tanong. "Tama ba?"

“Here!” Nagtaas ako ng kamay. Haay.. ang ganda ng pagkakatawag nya sa name ko.

“Nice name huh..” Sabi ni Teacher Paul ng nakangiti saken.

"Thanks..” Eeeeiiii! Nice name daw! Nagsisikuhan kami ni Ceddy, di kami makapagreact ng todo eh. Kimkim ang kilig na nadarama namen.       

Paulit ulit bumabalik sa pandinig ko ang pagkakabanggit nya sa name ko, pwede kong gawing alarm clock sa umaga, para umagang umaga boses nya na agad ang maririnig ko. Masasanay nadin ako pag katabi ko na sya sa pagtulog at paggising.

Masama bang maging optimistic?? Hindi naman diba?! Kasi pinaplano ko na lahat ng gagawin namin ni Teacher Paul pag naging asawa ko na sya. Pinagalitan pa nga ako ni Daddy nung sinabi ko na magaasawa na ako pag reach ko ng age na 21. Matanda na kaya yun para sakin, para matagal tagal din kaming magkakasama ni Paul my love.

Snow in SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon