Ceddy and I run as FASSSSSST as we can. Biglang nalaglag yung paper bag kung saan nakalagay yung brownies na ibibigay ko sana kay Teacher Paul.
“Yung brownies!” I shouted.
“Bayaan mo na Khione!” Sigaw ni Ceddy at hinigit ako palayo. Habang natakbo kami nakatingin ako sa mga brownies. Nakakainis naman! “Igagawa na lang kita ng bago! Bilisan mo na!” Habol ni Ceddy.
Inisip ko pa naman ang mga lines na sasabihin ko mamaya kay Teacher Paul tapos biglang ganun. Malalaglag lang basta basta?!?! Pag nga naman minamalas ka ng matindi eh! Matinding matindi! Feeling ko hinahabol parin nila kami kaya nabubunggo na namin ang mga nakakasalubong namin. Paano pag naabutan nila kami?! Baka abangan kami ng mga ‘to sa labas ng school tapos baka dalhin kami sa isang nakakatakot na lugar tapos igagapos nila kami tapos.. OMG!!!! Not my letter V!!!!!!!!
“Pagod na ako Ceddy!” Sigaw ko.
“Malapit na tayong makalayo. Konting takbo pa.” Sabi ni Ceddy.
Binilisan pa namin ang takbo. Sumasakit na nga ang appendix ko eh. Naman! Wag ngayon.
“HOY! TUMIGIL KAYO!” Takte! Sumusunod pa sila. Namukhaan kaya nila kami? Feeling ko patay kami nito pag naabutan kami. Baka paabangan kami ng mga ‘to sa labas ng school at.. AHH! Bata pa ako para maharass. Wag naman.
Umabot na kami sa parking lot. Paikot ikot kami sa mga kotse, rinig na rinig ko ang mga yabag ng takbo ng mga malalaking lalaki na humahabol samin.
“KHIONE!” Somebody shouted. Thank God! My guardian angel is here.
“Ceddy! Dun tayo!” Turo ko. Sumunod na lang si Ceddy. Lumapit kami sa kanya.
“Oh? Why are you two beautiful young ladies running?” Tanong ni Teresa.
“I’ll tell you later, can we please get outta here.” I said.
“Okay. Get in the car!” Pumasok na kami ng kotse at mabilis na umalis. Tinanaw namin yung mga lalaki pero hindi nila kami nakita na sumakay sa kotse.
Napahinga kami ni Ceddy ng malalim. Nakita kong tagaktak ang pawis ni Ceddy at mukhang..
PATAY!!!
“Teresa! We need to bring Ceddy to the Hospital. Asthma attack!” I shouted, panicking.
“Oh no no no! Do you know first aid for that? The hospital is far from here!”
"Just keep driving.” I said to Teresa, I faced Ceddy and held her hands.”Ceddy.. dear, follow my lead, okay?” I said. She nodded. “Inhale… exhale… “ Habang ginagawa namin ang routine na yun, hinanap ko yung gamot ni Ceddy at binigay ko sa kanya. Hagod sa inhaler si Ceddy. Parang gusto na nyang lunukin pati yung inhaler nya.
“I think I’m okay na.” Ceddy said.
"Are you sure?” Tanong ni Teresa.
"Yeah. No need to go to the hospital.” She coughed.
“Ceddy, what’s this?” I askdd at hinawakan ko yung finger ko.
“Index finger.”
"Okay. You’re good. Wag na tayong tumuloy sa hospital.” I said.
Habang nasa sasakyan kami, kinuwento namin yung nangyari samen kanina. Para kaming nasa action movie ni Ceddy sa nangyari samen. Grabe! Attentive si Teresa na nakikinig samin, nagbibigay ng opinion nya habang nagkukwento kami. Dinadagdagan ni Ceddy yung ibang part na nakalimutan ko.
"Bakit naman nila kayo hinabol? Ano bang nakita nyo na ginagawa nila?” Naghesitate akong sabihin yung nakita kong ginawa ni Primo para pagalawin yung mga halaman.