XXI. Knights of mine.

75 0 0
                                    

Nagising na lang ako na nasa sala na ako sa loob ng bahay nila Ceddy. Paano ako napunta dito? Napahawak ako bigla sa labi ko. Ramdam ko pa ang mga labi nya. His..

“AAHHHHH!!!” Tili ko. OMG! Nireserve ko pa naman yung labi ko for Prince Paul. Hindi pwedeng makuha na lang nya ng ganun ganun lang. “AAAHHHHHH!”

“Khione!” Nakita ko si Ceddy pa pababa ng hagdan na may dalang mga damit at towel. “Khione! Ayos ka lang?” Hinawakan nya ang balikat ko.

“Ceddy!!!!!”

“Naaalala mo ko?!?” Tanong ni Ceddy.

"Oo naman! Ceddy. Nakakainis yung lalaki!!!! Yung kiss!!!!” Natahimik ako nung nakita ko ang aking Prince Charming na nakatayo sa may pintuan. At dun ako parang nakalimot sa nangyari. His black eyes, his face, his lips.. ang aking pinakamamahal na Prince Charming.

        Kinuwento nila ang nangyari. Narecieve daw nila yung SOS message ko at agad akong hinanap. Nagkandaugaga daw sila. Nagpanic at hindi alam ang gagawin. Yung mga kapatid ni Ceddy na may mga kakilala na pwedeng tumulong maghanap, tumulong din. Kaya daw nila ako nakita ay dahil sa tracker ng phone ko. Buti na lang nakaautomatic yun. Nakita daw nila ako na nakahiga sa lupa malapit na sa bahay nila Ceddy. Naalala ko pa na dun pa kami huling nagusap nung lalaking.. AAAHHH! Ayoko ng maalala.

"Ano bang nangyari?” Tanong ni Prince Paul my love.

        Dahil dun kinuwento ko ang adventure na nangyari sakin. Nagtaka si Ceddy kung bakit may mga ganung tao dito kasi Private Property nga ‘to!

"One more thing..” I said.

"Ano yun?” Tanong ni Prince Paul.

"Yung taong gustong magpapatay..” Dahan dahan kong sinabi, lumunok ako.

"Sino?” Tanong ni Ceddy. Lahat sila nakatingin sakin at hinihintay ang sasabihin ko. Hindi ako naniniwala pero parang may nagpupush sakin na sabihin kahit wala naman akong ebidensya.

"Ate Khione, sino po?” Tanong ni Emie, kapatid ni Ceddy.

"Si Teresa!” Sigaw ni Mario na kakabangon lang sa pagkakatulog nya sa sahig.

“Mario! Wag ka ngang makialam!” sigaw ni Lily, another sister ni Ceddy.

“*yaaaawn* Tama ako Khione *yawn* diba?” Sabi ni Mario. Naramdaman kong kinabahan ang lahat. “Ate Ceddy, naalala mo yung *yawn* panaginip ko. *yaaaawn* yung may gustong magpapatay kay Khione.” Habol pa ni Mario. Tumingin ako kay Ceddy at bigla na lang syang umiyak.

"Ceddy! Bakit?!” Nilapitan ko sya agad.

“Gurl.. *sniff* yung sa panaginip ni Mario..” Niyakap nya ako.

“Ceddy, anong meron?!” Tanong ko. Nagpapanic na ako.

"Yung sa panaginip ni kuya Mario, makikita ka namin na nakahiga..” Tuloy ni Light, kapatid na lalaki ni Ceddy. Napatingin kami sa kanya at lalong humagulgol si Ceddy sa pagiyak. “Dun mismo sa eksaktong lugar kung saan ka namin nakitang nakahiga kanina.”

        Tumindig bigla ang mga balahibo ko at natakot. Hindi ako makapaniwala na magkakatotoo ang lahat. Hindi ko naisip na mangayayri sakin yun. Oo. Sinawalang bahala ko ang mga panaginip ni Mario tungkol sakin, pero kasi panaginip lang yun. Mahirap ng maloko.

“Khione..” Hinawakan ni Paul ang kamay ko, it was a relief. I felt secured because of him. “Totoo bang si mommy Teresa mo ang gustong..” Tumigil sya. Ayaw nya sigurong banggitin ang salita. I nodded at natahimik silang lahat.

“Sa- sabi sakin nung lalaki, gusto nga daw ako ipapatay ni mommy Teresa dahil..” Malapit ng bumagsak ang luha ko. Hindi ko mapigilan dahil sobrang takot na takot na ako.

Snow in SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon