VI. This is where I excel.

114 1 0
                                    

                After that dinner, di ako tinigilan ni Dad sa kakasabi ng thank you and I love you. Nako! Kiss pa sya ng kiss saken. Eew!

                Pero may mga rules akong sinabi kay Dad.

RULE#1: Dapat walang asawa.

RULE#2: Matino.

RULE#3: Maganda (katulad ko! Hehehe)

RULE#4: Dapat hindi weird.

At higit sa lahat..

RULE#5: Dapat tatratuhin ako ng maayos.

“DEAL!” Dad agreed.

                The next morning, Dad drove me in my Grandma’s house. Mamaya pa namang 2pm ang class ko.

                Grandma’s House is just a small one story house, half of their lot is garden. Mahilig talaga sa garden ang mga babae diba?! Kahit ako gusto ko ding maggarden minsan. White and green ang color theme ng house nila. Most of the house is made of wood. Para daw maaliwalas.

                Bumaba na ako ng sasakyan at nagpaalam na kay Dad. Pumasok ako sa hanggang bewang na white wood gate. Sumalubong saken ang mga naggagandahang bulaklak ni Grandma, daisies, yellow bells, gumamela, orchids at madami pang iba. Ang bango ng paligid.

“Grandma!!” I called. Lumabas sya sa pintuan suot ang kanyang  sweater and pants. Her smile is as sweet as my mother’s smile in one of her picture in my Dad’s room. Tapos suot ko naman yung bigay ni Grandma na sweater sabi nya kay Mom daw ‘to dati, and jeans. Tanong nyo kung bakit kami nakasweater?!? We’re going ice skating.

                When I was seven, tinuruan nila akong magice skating dahil figure skater daw si Mom dati. Syempre, gustong gusto kong tularan si Mom no?! Grandma drove us to the ice skating rink.

                This is where I excel much. Kalahati ng mga araw ko sa isang linggo, napupunta lang sa pagaice skating ako. I enjoy ice skating so much. Tsaka di naman addiction ang tawag dahil pag nagaice skating ako, naalala ko si Mom, nararamdaman ko sya.

                Never pa akong sumali sa isang figure skating competition kasi ayoko. I’m doing this just for fun and for Mom, kahit sinasabi na nila sa sundan ko ang yapak nya, ayoko parin. Magaling ako, oo pero yung tipong pang competition na, hindi ko masasabi. Napapanuod ko minsan yung mga video ni Mom everytime na may competition sya. Sobrang galing nya, hindi ko naman keri yun. Di ko kaya yung mga ganun. Baka matalo ako hindi pa ako nagsisimula. Kung mga intermission number lang pwede pa. Hello? May nakita ka na bang program na may intermission number na ganun. Walang ganun kaya.

“Hello Khione.” Paglingon ko, nakita ko si ate Cindy.

                Si ate Cindy ay katulong ni Grandma sa patuturo saken. Bali kasabayan sya ni Mom nung nabubuhay pa sya. Her hair is long and brown tied up like a bun, bright eyes, sweet smile at she smells like strawberry cheese cake. She’s a little taller than me.

“Hi ate Cindy.” I waved at her. Lumapit sya saken.

"Tulungan na kitang isuot yung blades mo.” Alok nya. Nilabas ko yung blades ko. “Oh?” Nagulat sya sa nakita nya.

"It was Mom’s blades.” Sabi ko. She smiled.

"Buti kumasya na sayo.”

"Malaki na ako eh. Hinintay ko talaga ang time na kumasya saken ‘to.”

"Sana hindi na lumaki yang paa mo. Para lagi mo nang magagamit.”

"Sana nga ate.” While she’s tying the lace, her nose started to turn red. Pinipigilan nyang umiyak. “Ate.. I know you miss my Mom.”

"So much.. You remind me so much of her.” Tumulo na yung luha nya. “Ikaw kasi! Pinapaiyak mo pa ako.” She laughed, "Tara na! May ituturo ako sayong bago.”

Snow in SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon