Bumalik na kami agad sa bahay para makalayo na sa gulo. Nagising nadin naman si Ceddy and everything is fine. Buti nung a minute after mawala na lang yung lalaki, nagising si Ceddy at lahat kami ay nakahinga ng maluwag.
Nung mga oras na wala akong magawa para maligtas si Ceddy, hiniling ko na maligtas lang sya, lalayo na ako. Ayoko ng may madamay pa na kahit sino sa kaguluhang ito. Naisip ko na, kung kasama nila lagi ako, parang katulad ko nadin sila, ang kalahati ng katawan ay nasa hukay, I can’t afford to loose anyone of them. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili kung mangyari yun. Maybe this is the best thing to do.
"Hey!” pumasok bigla si Paul sa kwarto. Sorry Paul, hindi na kita makakasama pa, sorry kasi nasira ang pangarap ko na makapiling ka habang buhay. “Anong iniisip mo?” tanong ni Paul.
"Uhm.. naiisip ko lang, kung lumayo na kaya ako dito.”
"Hindi mo kailangan umalis Khione, nandito kami. Kami ang magpoproktekta sa’yo.”
"Yun nga eh. Dahil nandito kayo kaya ako aalis, ayoko ng may masakatan pa uli dahil lang sakin.”
"Ginusto namin ‘to Khione. Kung nasaan ka, nandun kami. Ganun ka kaimportante samin. Hindi namin pababayaan na may mangyari masama sa’yo.” Sabi ni Paul.
"Hindi ko din kaya na may mangyaring masama sa inyo.” He just stared at me. Disidido na ako Paul. Hinding hindi ko na makikita yang napakagandang mukha mo na reason ko para ipagpatuloy pa ang buhay. “Iwan mo muna ako. Gusto kong mapagisa.” Sabi ko. He kissed me on my forehead then fades.
Kailangan ko munang makasiguro na ligtas si Dad tsaka ako lalayo para maligtas naman ang mga taong mahal ko.
♪♪.. Girls! Who run this Mother Earth.. Girls! Who run this Mother Earth.. Who run the world.. GIRLS! ♪♪ Dad Calling..
“Hello? DAD?” Nung una, wala akong marinig sa kabilang linya. Kinabahan ako, baka si Teresa ‘to at hinostage na nya si Dad.
“Hello sweetheart?” I heard Dad’s voice kaya nakahinga ako ng maluwag.
“Dad? Is that really you?”
"Oo naman. Sino pa ba sa tingin mo?”
"DAD!!! ARE YOU OKAY THERE??? WALA BANG NANGYAYARING MASAMA SA’YO DYAN???”
"Wag ka namang sumigaw at baka mabingi ako. I’m going home.” Sabi ni Dad.
"What?!”
“I’m going home Khione. Teresa left me.” Malungkot nyang sabi.
“Dad, you should know something..”
"What is it?”
"It's about Teresa..”
“Khione? Still there? I can’t hear you.. th- s- a- sig- al- bre- out-“ putol putol yung narinig ko tapos biglang namatay yung phone ko. NO! My Dad!!
"Wag kang magalala..” Napatingin ako sa may direction ng nagsalita at nakita ko syang nakaupo sa may bintana. “Ligtas ang Daddy mo. Hindi sya sinaktan ni Señora.” Sabi ni Mysterious guy.
"Pero sabi ni Dad, iniwan daw sya.”
"Hindi ko alam kung nasaan na si Señora, pero isa lang ang nakakasiguro ako, ligtas ang Daddy mo at hindi sya sinaktan ni Teresa. Kaya wag kang magalala.” Tumayo sya at mukhang aalis na.
"Teka! Wag ka munang umalis.” Sigaw ko. Tumayo ako at nilapitan sya. “Gusto ko sana..” Kinabahan ako bigla nung malapit na ako sa kanya, “Magpasalamat sa pagligtas mo sakin at kay Ceddy.” Hindi sya nagsalita at nakatingin lang sa mga mata ko. The way he looked at me, its different. “Yung kanina, alam kong nanghina ka. Ayos ka na ba?”