Masaya kasama si Teresa. She’s incredible! She is just that woman I like for my Dad.
“Khione, what do you think of Teresa?” Dad asked.
“She is not like Mom, like what you always telling me..” I said na malungkot para naman kabahan ng onti ang Dad ko no?! “But she’s PERFECT! I like her.” I said.
“Really?”
“Really Dad, kaya kung ako sa’yo wag mo nang pakawalan yan ha. Sige Dad! Goodnight!” Tumakbo na ako papasok ng room ko at agad na tinawagan si Ceddy.
*****
“Gurl! Ano ba?!” Hinampas ako ni Ceddy.
“Ano ba Ced?! Ang sakit nun ah.”
“Eh kanina ka pa bulong ng bulong dyan na sana matapos na.. sana matapos na.. its boring!”
“Eh kasi naman, excited nako.”
“Alam ko! Kahit ako excited eh! Sasama ako ha?!”
“Neknek mo! KAMI nga lang daw eh.”
“Sabi nya?!?!”
“Ah- eh.. hindi! Pero yun din naman yun.”
Siniringan kami nung prof namin dahil sa kadaldalan namin ni Ceddy kaya tumigil na kami parehas. Narinig siguro netong prof na'to na si Teacher Paul pinaguusapan namin, may crush siguro 'to sa Prince Charming ko.
JUSKO po! Eto na. Nasesense ko na talaga! Maguumpisa kami dito! AAHH! I can’t imagine me holding his hands! AAAHHHH! Ayokong mabaliw ng maaga. Lord! Masyado naman ata akong malakas sa’yoooo.
"Go Gurl! Kaya mo yan. Basta subukan mo lang wag hihimatayin ah.” Bulong ni Ceddy. Nasa tapat na kami ng Faculty Room.
“WHOO! Inhale.. exhale.. kaya ko ‘to!” Bubuksan ko na ang pinto.
“MS. ROXAS!” Mapatingin kami parehas ni Ceddy. OMG! My Prince Charming! My ever so love Prince. Tumakbo sya papalapit samen. “Ms. Roxas, sa library na lang siguro tayo. Marami kasing ginagawa ang mga teachers dyan sa loob eh.” Sabi ni Teacher Paul.
Sinenyasan ko si Ceddy na umalis na, madali namang kausap. Bigla na lang nawala sa eksena. “Sure!” Sagot ko. Pinaghintay nya ako sa labas kasi kukunin nya pa yung mga gamit nya loob. Syempre ako ‘tong si paganda. Nagayos ako ng buhok at nagpabango. Kailangan eh! Gipit na gipit na kasi ako. Nu daw?! Basta!
“Let’s go Ms. Roxas.” Sabi ni Teacher Paul, “After you..” Shoots! Ang gentleman nya! I really love you na Teacher Paul. Umakyat na kami ng hagdan. Di ko alam sasabihin ko! Wala man lang taong dumadaan. Lord! Eto ba talaga ang plano?! Dapat kami lang dalawa talaga! Sige! Ipagpatuloy Nyo po.
Pagdating namin ng Library, GRABE! Ang daming tao! Paano ko masosolo si Teacher Paul nito?!?!?!
“Maybe sa Quadrangle na lang tayo..” Sabi ni Teacher Paul. WAAAH! Gusto nya talaga akong masolo!
“Okay! Anywhere basta ikaw ang kasama ko.” Bulong ko.
"Huh?! Are you saying something Ms. Roxas?”
"Ang sabi ko ang gwapo mo pero bingi ka.” I smiled. He laughed.
Ttumatanda na ata talaga ako.”
“Hindi naman siguro.” We started walking. “Mahina lang siguro yung pagkakasabi ko.”
"Baka nga di lang ako nagpepay attention Ms. Roxas.”
“Khione..”
“Uh?” He said confused. Ang cute nyaaaaa!
“Ang bingi mo naman, I said, call me Khione, I’m not comfortable calling me by my surname.”
“Ooh? Why is that so?”
"Wala lang..” Malapit na kami sa Quadrangle, “Hindi lang ako sanay eh. Khione na lang Teacher Paul.”
"Okay! Pero maganda talaga yung pangalan mo ah.” Puri nya.
"Sa tingin mo?!”
"Oo naman. Goddess of snow, right?”
“Right! Paano mo nalaman?"
"I did some research.. long time ago." Lalo naman akong kinilig sa sinabi nya. "Uhm.. err. Khione. Padala naman nito tapos mauna ka nang maghanap ng mauupuan naten.” ABA! Hindi pa nga ako nililigawan pero kung utusan nya ako parang asawa ah. Hehehe! Ayos lang kung mapupunta naman kami dun eh. WEE! Kinuha ko yung dala nyang mga folders and envelope tapos umalis na sya. Ako naman ‘tong si hanap ng upuan. Hay salamat at walang tao masyado.
Umupo na ako at inayos yung gamit nya sa tabi ko. Mas sweet kaya pag tabi, than yung magkatapat.
Tss! Bakit ang tagal nya?!?! Saan ba sya pumunta? Baka naman nagrecrute pa sya ng kasama? NAMAN! wag naman sana. Gusto ko syang masolo!
“Khione..” Nakita ko syang natakbo na may dalang bote ng kung ano and sandwich. “Pasensya na natagalan ako.” Ang ganda naman ng pagkakapronounce nya ng name ko. MY GAHD! Ayoko ng matapos ‘tong araw nato!
"Hindi naman masyado.”
"Do pa kasi ako naglalunch, ngayon lang ako makakakain.”
"Kawawa ka naman. sige! Kain ka muna.” Nako, Teacher Paul! Pag ako napangasawa mo, hinding hindi kita hahayaang magutom.
"Sa’yo ‘tong isa oh.” Sabay abot saken ng food at umupo sa tabi ko. AY! Ang sweeeet naman. Naisip pa talaga nya ako. Hindi na ako makahinga! I need air!!!! Bigyan mo nga ako ng air Teacher Paul, mouth to mouth. EEEIII! Hindi ko na talaga matake ‘to!
"h- eh- ah.. I ne- need to go to- to CR.. we- wait here!” Kakagat pa lang sya ng sandwich at hindi na nakasagot pa nang tumayo na ako at tumakbo. Nakakailang step pa lang ako napatigil ako..
Si Primo.
Nakatayo lang sya at nakatingin saken. Napatingin ako sa likod at nakatingin saken si Teacher Paul.. ano ‘to?!
"E- excuse me.” Tumakbo na ulit ako papunta sa CR. Patingin ko ule sa likod, parang may nakita akong spark sa kamay ni Primo. Uh? What’s that?!?! I was so stunned to think deeper.
Nung nahihimasmasan na ako. Bumalik na ako kay Teacher Paul my love. Nagulat ako dahil may mga chips na sa table namin.
"Bumili ako nung wala ka.” Biglang sabi ni Teacher. I just smiled. Wala na naman akong masabi.
Habang iniisa isa ni Teacher Paul yung exam namen, nakita ko yung paper ni Primo.
“WHAT THE?!?!”
"Why?” Tanong ni Teacher Paul.
"Can I see Primo’s exam paper?”
"Oh eto.” Inabot nya sakin. Hindi ‘to pwede! Bakit nakakuha sya ng perfect score??? Eh nung araw ng exam, sya yung katabi ko AT kitang kita ko na wala syang sagot. Miskimo pen wala syang hawak!!
"Bakit? May problema ba?” Tanong ni Teacher Paul.
"Ha- huh? Wa- wala naman. Ma- matalino pa- pala si Primo.” He just smiled. Then nagstart na kaming ireview yung exam paper.
"Oh? Alam mo naman pala yung mga sagot. Bakit ang baba ng score mo sa exam?” Sabi ni Teacher Paul.
"Eh kasi.. hindi ko din alam kung bakit.”
"Hahaha! Nakakatawa ka ah.” He said, “Gusto mong kumain?” Alok nya. I nodded.
![](https://img.wattpad.com/cover/800245-288-k833378.jpg)