XVI. Dreams.

74 0 0
                                    

          Hindi na ako nahatid ni Teacher Paul. Kainis kasi ‘tong si Dad. Ang aga ako daanan sa school. Pero ang balak talaga namen ni Teacher Paul ay ihahatid nya ako. Kahit sa motorcycle lang kami, ayos na ayos lang. Maganda nga yun eh. Mayayakap ko sya! KAINIS TALAGA SI DAD!

Ang sarap mo palang kasama Khione. Hindi ako nabored. See you tomorrow, tuturuan ulit kita.

          Sinabi yan ni Teacher Paul! Grabe na’to. Mukhang araw araw ko na syang makikita. Mukhang magpapakasal na kami! AAAHHH!!! Ang bata ko pa pero AYOS NA AYOS LANG!!

“Hello ate Cindy..” Bati ko.

“Hi Khione. Nasaan Lola mo?”

"Nasa car pa po. May kinukuha.”

"Blooming ka.”

"Huh? Me? Hindi naman.” I said na hiyang hiyang.

"In love..” Ate Cindy said smiling.

"Ate Cindy naman eh! Wag ka nga. Nahihiya ako!”

"Sus. Kitang kitang ko nga. Parang kamatis ka dyan. Pulang pula.” Ngumiti sya, “Sino ba yan? Gwapo ba?”

"Syempre naman. Ate Cindy, magkakagusto ba ako sa hindi gwapo.” I said. Umupo kami. “His name is Paul.”

"Classmate? Schoolmate?”

“Nope. Prof ko.”

"What? Bawal yan Khione.”

"Ate naman. Hindi bawal yun! Kakabago lang ng rules and regulations.”

“Khione ah. Bawal talaga yan.”

"Ate naman. Mahal na mahal ko talaga sya. Tutal, he is just 26 years old.”

"Hay.. nako naman! Ang tigas ng ulo.”

"Ate, kung maging kami naman, syempre, secret yun.”

"Ano pa nga bang magagawa ko?! Kasing tigas ng ulo mo ang ulo ng Mommy mo. Dapat na akong masanay dahil anak ka nya.”

"Really, ate Cindy? Malapit na naman akong maggraduate. Kung sakali mang maging kami, tapos na ako nun. Hindi na nya ako student. Diba?!?!”

"Oo na. May gusto din ba sya sa’yo?”

“Ah- ah- hindi ko alam eh. Pero sabi nya masarap daw akong kasama.”

"Hindi ibig sabihin nun mahal ka na din nya. Khione, mahirap ang one sided love.”

“I’m working on it. Nagsisimula palang kami.”

Nakita na naming pumasok si Grandma. Kaya nanahimik nako agad.

"Let’s continue this later. Okay?” Ate Cindy said.

I nodded. Nagayos na kami.

***

After ng practice, pinuntahan ko si Ceddy sa bahay nila. Buti na lang pinayagan ako ni Grandma, hindi ko na kailangan pa magpaalam kay Dad.

"Wow! Ang bango naman!” I said as I entered their house. Ceddy’s baking.

"Oh? Nandyan ka na pala!” nagbeso kami. “Ginawan kita ng brownies para naman may token of appreciation ka kay Teacher Paul.”

"Ang sweet mo naman besto! Ramdam mo na ba talaga?” Tanong ko.

“I can feel it already! Sa end ng month na’to, magtatapat na sya sa’yooooo!”

"Eeeeiii! Hindi na ako makapaghintay!”

          Biglang pumasok sa kusina ang isa sa mga kapatid ni Ceddy, si Mario. Halatang bagong gising! Actually, lagi syang tulog. Hahahaha!

“Hello Mario! Kamusta ang tulog?” Tanong ko.

Snow in SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon