XII. The Investigators- Part 2.

80 1 1
                                        

                Dahan dahan kaming naglakad. Nakatip- toe. Baka kasi makita kami ng mga PE Teachers at pagalitan. Bawal kasi sa Attic ang mga students.

Dahan dahan..

Dahan dahan..

Dahan dahan..

Malapit na.. konti na lang.

“AAAHHHH!” Biglang tumili si Ceddy.

“CEDDY!?!?!?”

“Khione! Sa paanan mo!” pagtingin ko naman.

“AAAHHHHHH! Bayawak!!!!” Sigaw ko.

“Sinong nandyan?!?!” May narinig kaming papalapit at mukhang marami sila. Baka yung mga teachers yun. Patay kami neto!!!

“KHIONE!!! KAKAGATIN TAYO NG BAYAWAK NA YAN!!!!” Sigaw ni Ceddy.

“AAAHHH!” Ako naman ‘tong si nataranta. Naglakad papalapit yung bayawak.

                “AAAAAAAHHHHHHHHHHHH!” Sigaw namin ni Ceddy.

“Ladies, anong ginagawa nyo dito?" Tanong ni Sir Mendez, PE Instructor.

“SIIIIIIIIIIIR! May bayawak po!” Sigaw ni Ceddy.

“Bayawak?” Yumingin sya sa baba at biglang dinampot yung bayawak!

“NAKO SIR! Baka kagatin kayooooo!” Sigaw namin ni Ceddy.

“Alaga ko sya.” Nagkatinginan kami.ni Ceddy.

Patay!

“Sabihin nyo nga sakin? Anong ginagawa nyo dun?” Tanong ni Sir Mendez. Nasa loob kami ng PE Room at pinapaligiran ng mga teachers na magkasalubong ang mga kilay.

“Ah- sir.. kasi..”

“Nawala po kasi ni Khione yung bracelet nya. Hi- hinahanap po namin.” Dahilan ni Ceddy. Tiningnan ko sya tapos parang sinasabi nya na makiride ako.

“Ah- eh- yes sir! Nawawala po yung bracelet ko, sa Mom ko po yun. Napakaimportant po nun para saken.” Sumisinghot ako para magmukhang totoo.

“Bakit nyo dun hinahanap? Nanggaling ba kayo dun?” Tanong ni Sir.

“Hindi po. Kasi alam po namin bawal pong pumasok ang mga students dun. Nagbakasakali lang po.” Dahilan ni Ceddy.

“Edi dapat nagpasama kayo samen, hindi yung pumasok kayo dun ng walang permiso!!” Sigaw ni sir Mendez.

“Sorry po teachers.” Ceddy and I said in unison.

“Forgiven. Titingnan na lang ulit namen kung nandun nga yung bracelet. For now, you may go.”

“Thank you po.” Dali dali na kaming lumabas ni Ceddy at tumakbo ng mabilis.

                Nasa labas na kami ngayon ni Ceddy ng Gym. Sayang yun ah! Malapit na kaming makapunta sa Attic.

“Grabe ka Ced! Talagang ako pa ang ginawa mong character sa palusot mo.”

“Pasensya na, gurl! Wala lang talaga akong maiisip na mas maganda eh kung ano na lang ang pumasok bigla, yun na lang. Kesa naman mapagalitan tayo ng bongga at mabigyan pa ng warning slip.” Dahilan ni Ceddy.

“Oh easy! Defensive ka masyado. Pero muntik na talaga tayong nakarating sa Attic.”

“Oo nga eh.”

“Wala na bang ibang way?” Umupo ako sa plant box at nagpangalumbaba na nakatingin sa entrance ng Batibot.

                Haay.. ano pa kayang pwede. Pag bumalik kami dun sa Gym, baka makita na naman kami ng teachers, pag naman hinintay naming umuwi sila, ang tagal nun. Eh kung pumasok na lang kami?

“Khione.. si Teacher Paul oh.” Sabi bigla ni Ceddy.

                “Saan?” Ako naman ay nagtransform sa telescope form ko. Napatingin ako sa entrance ng Batibot at lumabas sya dun kasunod ng mga lalaki kanina at si Primo. Nagtago kami ni Ceddy.

                Nakita kong parang pinapagalitan nya si Primo, dinuduro nya. Hindi ko marinig, masyado kaming malayo sa Entrance. Anong sinasabi ni Teacher Paul my Prince so Love?!?! Loko ‘tong mga lalaking ‘to ah! Ginagalit ang Prince my Love ko.

"Huy Khione! Wrinkles mo kita na!” Bigla akong tinapik ni Ceddy.

"Eh kasi naman, hindi ko marinig yung sinasabi!”

“UMUWI NA KAYO!” Yun lang ang narinig ko sa dami ng sinabi ni Teacher Paul tapos habang papaalis na yung ibang lalaki, naiwan si Primo na kinakausap parin ni Teacher Paul. Nagwalk out bigla si Teacher Paul tapos naglakad na kasabay nung iba si Primo.

                Umalis na kami agad ni Ceddy. Sa pathway kami umupo. Ayan.. dadaan ang prince my love.

“Hi Teacher Paul!” Bati ko sakanya with my ever so cute smile.

“Ms. Roxas, buti nandito ka pa. Sumama ka saken.” Biglang sabi ni Teacher Paul. Hala! Saan nya ako dadalhin? Magdedate na ba kami? EEEIIIII! Masaya yun! Oh baka naman may surprise sya saken, magtatapat na ba sya? Yayayain nako magpakasal? Gagawa na ba kami ng anak? ERASE! ERASE! Wag ganun.

Tumayo na kami ni Ceddy at sumunod sa kanya.

Snow in SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon