XXIII. Poisoned Comb.

83 0 1
                                        

“Khione.. Khione.." May nagyuyugyug sakin. Ayoko pa naman sa lahat, yung inaabala ako sa pagtulog ko.

"Lumayas ka dyan! Baka masapak kita!” Nakapikit kong sabi. Hindi ko pa nakikita kung sino yung nanakabad vibes na gumigising sakin.

“Khione.. gising na.”

“ANO BA?!” Bumangon ako. Nagulat ako ng may nakita akong sobrang daming tao. Nakapaligid silang lahat sakin. Nakita kong si ate Cindy yung pinakamalapit sakin kaya siguro sya yung gumigising sakin. May nakita ako matandang lalaking na may sthetoscope sa leeg, doctor siguro ‘to. Nakita ko din si Ceddy at ang mga kapatid nya. Ang aking Prince Charming na nasa kabiling side ko naman. “Anong ginagawa nyo?” tanong ko, “Bakit nandito kayong lahat?”

         Umupo sa tabi ko si Ceddy at sabay silang dalawa ni ate Cindy na nagkwento tungkol sa nangyari earlier that day. Pero hindi ko alam ang mga pinagsasasabi nila.

"Wala ka bang maalala?” Tanong ni ate Cindy. Nagisip akong mabuti. Inalala ko lahat ng nangyari simula ng magising ako kaninang umaga pero wala akong maalala na may damit tapos sumikip tapos may lalaking nakaitim na dumating para iligtas ako.

"Wala talaga..” Sabi ko.

“Doc.. hindi kaya nagka- amnesia si Khione?” Tanong ni Ceddy.

"Ano ka ba ate?!” Binatukan ni Light si Ceddy, “Walang amnesia si Khione, hindi nya lang maalala yung pangyayari kanina amnesia agad? Hindi ba pwedeng binura nung lalaki sa isip nya yung nangyari kanina?” Pilisopong sabi ni Light. Nagisip na naman ako, kung ganun nga ang nangyari.. bakit naman nya buburahin sa memory ko yung nangyari?!

“Khione..” Hinawakan ni Paul ang kamay ko, nagblush ako bigla at kinilig, “Ayos ko na ba?” I nodded. “Dapat pala hindi ko na kayo iniwan.. Inuna ko pa yung klase ko kahit alam kong mapanganib na wala kayong kasama.” Malungkot na sabi ni Paul.

"Wag kang maguilty.. wala kang kasalanan.” Sabi ko.

         Iniwan na nila ako para makapagpahinga. Wala talaga akong maalala. Ang huli ko lang na naalala ay nung dumating kami sa bahay tapos wala na. Napatingin ako sa may bintana. May nakita akong damit na nakasabit. Isang pink gown.. a very beautiful gown with pink velvet laces and pink blossoms, the neckline was full of beautiful stones of different colors. Kinuha ko para tingnan ng mabuti, biglang may nalaglag na papel.

Pasensya na kung binura ko ang alaala mo sa nangyari kanina. Pero maniwala ka, mas makakabuti sa’yo ang ginawa ko. A gift for you, sana magustuhan mo.

         After kong nabasa yun, biglang umilaw yung papel at nagpirapiraso tapos inihip ng hangin. To my relief, niligtas na naman nya ako. Hindi ko na alam kung paano ko sya mapapasalamatan, ang laki na ng utang na loob ko sa kanya. Dalawang beses na nya akong inililigtas.

“Khione..” Nakita ko si Ceddy at lumapit sya sakin. “Nakita mo na pala.” I think she’s pertaining about the gown.

“Ceddy.. galing sa kanya ‘to." Sabi ko.

"Alam ko.. nakita ko kung paano nya ginawa yan.”

"Huh? What do you mean?” Pagtataka ko.

"Yung evil dress na suot mo naging ganyan. It’s magic, Khione. Nakita ng dalawang mata ko.”

"Alam ko. Sinabi ko sa’yo Ceddy. Hindi sya masamang tao.”

“I know. Thank you..” Then she whispered something pero hindi ko na tinanong pa.

       Ate Cindy became my bodyguard. Hatid sundo nya kami ni Ceddy tapos lagi syang nasa bahay pag kaming dalawa lang. Nung una, gusto nyang ireport sa pulis na may gustong pumatay sakin, pero pinigilan kami ni Mario. Hindi daw makakatulong ang pulis at lalo naming idadamay ang ibang tao. Naniwala kami syempre, hindi na namin dapat pang isawalang bahala ang mga sinasabi ni Mario.

Snow in SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon