XX. Therefore I will.

70 0 0
                                        

Pupunta ng Paris si Dad and Mommy Teresa for their honeymoon. Ang sosyal naman ng honeymoon! Aksaya sa pera si Dad eh. Tsktsk! Aalis sila this weekend. They will stay there for two weeks ata. At ako ay home alone forever.

"Dad, pwede kila Ceddy na lang muna ako habang nasa Paris pa kayo?" Paalam ko. I crossed my fingers. Sana pumayag.. sana pumayag.. SANA PUMAYAG..

"Ayaw mo ba kay Grandma mo?" Tanong ni Dad.

"Hon.. hayaan mo na si Khione. Malaki na sya. Alam na nya kung paano alagaan ang sarili nya.." Teresa added. Tumabi sya sakin at parehas naming pinilit si Dad na payagan na ako. Hanggan dinner pinipilit namin si Dad and finally, he said yes. YEHEY! Makikitulog ako for two weeks kila Ceddy. Ang saya neto! Binalita ko agad kay Ceddy ang nangyari at papaayos na daw nya ung kwarto nya para sakin.

Weekend na. Ihahatid muna ako ni Dad kila Ceddy bago sila tumuloy sa airport ni mommy Teresa. I packed almost my whole closet. Hahaha. Magastos kasi ako sa damit eh. Hahaha.

"Khione, remember to be good ha? Don't do something really stupid. Get it?" Said Dad.

"Yes, Dad. I can take care of myself."

"Minsan maganda din sa isang teenager na maging independent paminsan minsan." Habol ni mommy Teresa.

"Oh sige na. Baka pagtulungan nyo na naman ako at hindi ko mapayagan si Khione. Magiingat ka ha?" Sabi ni Dad na puno ng pagaalala. "Ceddy, si Khione ha?"

"Opo Tito. Ako na pong bahala." Cedy said.

Umalis na sila. YES! Excited ako sa mangyayari samen dito. Inayos na namin ni Ceddy yung mga gamit ko. Tapos kwentuhan na kami ng mga kapatid ni Ceddy.

Isang gabi..

Pauwi na ako. Hindi ako nahatid ni Prince Paul dahil may faculty meeting sila. Sad. Sad. Sad. Hindi rin ako masasabayan ni Ceddy pauwi dahil hindi naman sya nakapasok dahil sinumpong ng asthma nya. Magkocommute lang tuloy ako.

Bakit walang trike na dumadaan? Ano ba naman 'tong mga sasakyan dito. Bihira lang magpakita. I have no choice, lalakarin ko na lang papunta kila Ceddy, malapit na naman dito yun. I played my playlist, tapos niloudspeaker ko para hindi ako madistract sa mga creepy sounds sa paligid.

Nasa part na ako ng pataas. Hassel 'to! Para akong maghihiking. Dun sa taas, may nakita akong dalawang tao. Napatapat ako sa poste ng ilaw tapos tumigil ako para tingnan kung safe pang tumuloy. Baka mamaya lasing yung dalawa, baka mamaya masasamang tao yung dalawa. Nakita kong parang tinuro ako nung isang lalaki at binilisan nila ang paglalakad papalapit ata sakin. I dialled Ceddy's number pero hindi sumasagot kaya nagsimula akong maglakad pabalik.

DUG.DUG.DUG.DUG.DUG.DUG! kinakabahan na ako. Ako ata ang balak ng mga taong 'to. Sabi ni Ceddy wala daw masasamang tao dito na pumupunta. Private property 'to eh. Lord, please. Bantayan Nyo po ako. Please...

Malapit na sila. Malapit na. Tatakbo na kaya ako? Pag ba tumakbo ako, makakatakas na ba ako? Hindi kaya nila ako maabutan? Biglang may humawak sa braso ko.

"Miss. Wag kang sisigaw." Natigilan ako. "Sumunod ka lang samin ng safe." Tuloy nya.

"Wa- wag nyo kong sasaktan. Please.." Makaawa ko. May tinutok na something bright saken yung isang lalaki, Guy A.

"Humarap ka." Utos ni Guy A. Naghesitate ako. "HUMARAP KA!" Sigaw nya. Natakot na ako at humarap na. Nakita kong dalawang lalaki na nakasuot ng itim at nakatakip ang mukha. "Ikaw si Khione Roxas, diba?" Tanong ni Guy A.

"Sya yan pare. Wag mo ng tanungin." Sabi naman nung isa, Guy B. "Sumama ka samen Miss." Tuloy nya.

"Pa- paano pag a- ayoko???" Sabi ko.

Snow in SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon