“Khione baka nagkakamali ka lang ng tingin.” Ceddy said.
“Hindi! Swear to God. Kamukha nya talaga si Teacher Paul.” Nasa Quadrangle kami ngayon ni Ceddy. Hindi ako mapakali, promise talaga! Hindi ako nagsisinungaling, yung supladong lalaki na katabi ko magexam, kamukha sya ni Teacher Paul.
"Sa biglang tingin lang yan, Gurl.”
"Hindi talaga. Diba, Ced sabi mo dati may kamukha sya pero hindi mo alam kung sino?!??! Si Teacher Paul my Love na nga yun!” Sigaw ko.
“Baka namamalik mata ka lang, nasobrahan ka na ata sa pagmamahal mo kay Teacher Paul, mukha na nya ang nakikita mo sa ibang tao.”
“Ceddy! Hindi! Ipipilit ko ba ‘to kung hindi ko talaga nakita?! Hindi ko ugaling ipilit ang isang bagay na hindi ko naman talaga napatunayan.”
"Teka.. magiisip muna ako.” Pinikit ni Ceddy ang mga mata nya.
Habang hinihintay kong magisip si Ceddy.. dumaan yung mga tropa nung lalaking suplado.( umilaw ang bombilya!)
“Ceddy! Come on!” Hinila ko si Ceddy.
“Wait! Hindi pa ako tapos magisip. Nandun nako! Achieve ko na bigla mo namang sinira.” Sabi ni Ceddy.
"Papatunayan ko sa’yo na kamukha sya ni Teacher Paul.”
"Paano?”
"Ayun oh! Susundan natin yung tropa nya. Halika na!”
"Saglit lang yung bag kooo!”
"Bilis! Wag kang babagal bagal. Baka mawala sila.”
"Eto na!”
Masaya silang nagtatawanan habang sinasakop ang buong daan. Siga siga! Parang sila ang may ari ng school ah. 7 lahat sila, pero wala si Mr. Suplado. Saan kaya yun? Pupuntahan kaya nila?!
“…ang daya talaga nung si Primo. Hindi man lang nagpakopya.” Sabi nung isang mapayat na lalaki.
"Oo nga! Dun tuloy ako kumopya sa Slowpoke. Mukhang itlog na naman ang score ko.” Sabi nung isa pang lalaki.
"Uy, Khione. Ikaw yung pinaguusapan nila oh.” Bulong ni Ceddy.
"Alam ko.. SSHH!”
"Nasaan na kaya yung si Primo?” Tanong nung isa. So, Primo pala ang pangalan nun. Nice name ah, dugtungan pa ng napakagandang apelyido ni Teacher Paul.
"Baka nandun na naman sa Batibot, natutulog.” Sagot nung isa.
"Batibot?” I said.
"Hindi mo ba alam kung ano ang batibot?”
"Yung palabas sa TV5?”
"Hindi yun. Tungekk!” Binatukan ako ni Ceddy.
"Eh ano?”
“Hi!” Bati nung biglang dumaan.
“Hello.” Bati namin.
“Anong ginagawa nyo?” Tanong nung dumaan.
"Ah- eh- wala. Nangtitrip lang. He-he-he.” Sagot ko.
“Ahh okay. Sige una nako ah.” Umalis na sya. We gave her a smile.
“Echusera yun ah!” sabi ni Ceddy.
“Hayaan mo na. Marami ng laganap na ganun sa mundo.”
"Okay. Nasaan na ba tayo?” Tanong ni Ceddy.
"Yung Batibot? Ano ba yun?”
"Yun ang tawag sa likod nung gym. Yung bakanteng lote.” Paliwanag ni Ceddy habang dahan dahan kaming naglalakad.
"Ahh. Yun pala yun.. ang sagwa naman ng tawag!”
“Dun pumupunta ang mga taong katulad nila. Para manigarilyo, magsugal at kung anu ano pa.” tuloy pa ni Ceddy.
"Teka?! Bakit alam mo yan?!”
"May sariling pakpak ang balita at chismis. Wag ka nang magtaka.”
“I know right! This is so exciting. Para tayong investigators!” I chuckled.
Tahimik lang kami ni Ceddy habang sinusundan yung mga lalaki. NAMAN! Kailangan ko talagang makita ulit si Mr. suplado. I need to be sure na kamukha nya nga si Teacher Paul.
Nasa tapat na kami ng Gymnasium. Nakita na naming pumasok yung mga lalaki sa eskenita. Labas palang mukhang may mga kababalaghan ng nangyayari sa loob. May bars kasi na nakaharang. Tapos may sign na ‘NO ENTRY’. Dumaretso nako sa paglalakad.
“HEP!” Hinigit ako bigla ni Ceddy.
"Oh? Why?”
"Papasok ka?”
"Syempre! Paano naten makikita na kamukha nga sya ni Teacher Paul?!”
"May iba pang way. Nakakatakot kaya. Baka hindi na tayo makalabas dyan.”
"Oo nga. Ano pang way?”
"Akyat na lang tayo dun sa attic ng Gym, may window dun diba?! Baka kita naten yung batibot dun.” Hahaha. Sosyal ng Gym namen no?! May attic. Dun kasi tinatambak ang mga bola at kung anuano pang materyales ng mga Varsities.