(Narrator’s POV)
It’s a beautiful sunny day. Yung tipong nakakatamad lumabas ng bahay at ang gusto mo lang gawin ay humilata, kumain, manuod ng TV habang nakikipagkwentuhan. Gusto mong magrelax sa simoy ng hangin, tapos pag tanghali na – mga 1pm, nakakaantok na.
Habang nagluluto si Lily at Alec, kakadating lang ni Emie galing ng palengke. Pumasok nadin ng bahay sina Ceddy at Khione galing sa pagdidilig sa labas. Si Mario ay natutulog padin, as usual, (ang role nya lang ditto ay matulog ng matulog) sa sofa. Masiglang masigla ang bahay dahil nadin siguro nawala na ang takot ng mga nandun about sa mga gustong pumatay kay Khione, dahil almost a month na silang hindi nagpaparamdam. Pero hindi parin nawawala ang pagiingat sa bawat isa sa kanila.
"WOW!” Sabay na sabi ni Khione at Ceddy pagkapasok sa loob ng kusina ng nakita nila ang hinahanda nila Emie. Umupo sila sa harap ng lamesa na takam na takam sa naaamoy. Ang niluto ay scrambled eggs with cheese, fresh baked pandesal, ham and hotdogs, meron ding hot coffee and milk. “Ate, mukhang masarap yung mga fruits ah.” Sabi ni Ceddy.
"Oo nga.” Sangayon ni Khione na hinawakan ang manga.
"Bibili ba naman ako ng hindi masarap.” Sabi ni Emie, “Ang bait pa nga nung ale kasi binigyan nya ako ng 3 apple for free.”
"Talaga?” Sabi ni Ceddy na agad na hinawakan yung apple.
“Hoy Ceddy! Wag ka munang kumain.” Inagaw naman ni Khione ang apple, “Mamaya na’to.”
Masaya ang naging agahan nila Khione. Nagpaalam ang magkapatid na Light at Alec na magbabasket ball sila kasama ang mga kaibigan kaya umalis nadin agad pagkatapos kumain. Natulugan na naman ni Mario ang pagkain nya, leaving it untouched. “Kakain naman yan mamaya.” Sabi ni Emie, kaya inalalayan nya si Mario papunta sa kwarto nya para dun na matulog.
“Ceddy! Kuha mo nga ako ng mangga.” Sabi ni Khione.
"Walang please? Ayoko!”
"Ceddy, pakikuha mo ako ng mangga. Please?” Ulit ni Khione.
"Eto!” Inabot nya ang mangga. “Ayaw mo ng apple?” Tanong ni Ceddy.
"Sige! Titikman ko lang. Gusto ko yung pinakamared ha.”
"Eo na po Madam.”
"Thanks.”
After ng masaya at nakakabusog na agahan. Humilata na ang lahat sa sala para manuod ng TV. Pero si Khione at Ceddy ay naiisip gawin ngayong araw. Umakyat ang dalawa sa kwarto at inihanda ang mga damit at make- up na gagamitin nila. Tapos naligo na sila.
"Saan tayo kukuha ng magandang background?” Tanong ni Ceddy.
"Basta! May alam akong magandang lugar.” Sabi ni Khione.
Inayos na lahat ng gamit ng gagamitin at lumabas na sila. Dinala ni Khione si Ceddy sa gitna ng gubat kung saan sya dinala ng Mysterious guy para pagalingin. Naiwan pa ang mga kahoy na pinagsigaan nila. Naalala ni Khione ang lahat lahat ng nangyari nung gabing yun. Ang gabing binigyan sya ng second life para ipagpatuloy pa ang buhay. Naalala nya din yung hinalikan sya ng lalaking nagligtas sa kanya. Napahawak sya sa labi nya.
“Khione? Bakit?” tanong ni Ceddy dahil napahinto si Khione sa paglalakad at parang tulala.
"Ah.. Ceddy.. may ikukwento pala ako sa’yo,” Sabi ni Khione, “Tungkol dun sa lalaking nagligtas satin.” Interesadong interesadong tiningnan ni Ceddy si Khione. Hinigit nya si Khione sa isang stump at umupo, the same stump na inupuan ni Khione nung gabing yun.