XIX. The Wedding.

78 0 0
                                    

After nung hinatid nya ako, natupad na ang pangarap ko. We started dating then after a month. KAMI NA!!! Then lumipas na din ang mga taon, getting strong kami kaya we decide to get married..

CHAROT! WALA PA NO?! Pero malapit na.

Dahil sa sobrang kagalakan ko nung gabing yun dahil hinatid ako ni Prince Charming sakay ang kanyang kabayo este motor pala.. Ang higpit higpit ng yakap ko sa kanya, sabi ba naman kasi, higpitan mo ang yakap at wag kang bibitaw.  Esaktong eksaktong sabi ni Teacher Paul my Prince so Love. Sino ba naman ang bibitaw kung ganung kayummy ang yayakapin mo, kulang na lang lagyan kami ng super duper glue para hindi na ako mahiwalay. Ang maganda pa nun, medyo malayo yung bahay namin kaya moment ako to the max. Wag kang magalala Khione dear, malapit na at araw araw ka na nyang ihahatid at susunduin, Mukhang masaya yun ah! OMG. I can’t wait for that.

Yun nga diba?! Dahil nga bonggang bonggang saya ko nun, nakalimutan kong dapat pala galit ako kay Dad dahil sa pagwawalang bahala nya sa desisyon ko. ABA ABA! Anak ako. Nakakahiya naman kung hindi ako konsultahin kung ready na ako for that. Hindi ko pa nakakausap si Mom, paano pala pag ayaw nya?!

Hindi na naman ako nagdrama at naginarte, Slight lang. Nagpabili ako ng bagong damit para tanggapin ko na. HAHAHA! Kanya kanyang diskarte lang yan diba?!

After two months..

The night before the wedding..

♪♪.. Girls! Who run this Mother Earth.. Girls! Who run this Mother Earth.. Who run the world.. GIRLS! ♪♪ Ceddy Calling..

“Hey Gurl! What’s up?” Masigla kong bati.

“KHIOOOOOONE!!!” Sigaw ni Ceddy. “Ayos ka lang ba? Wala bang masamang nangyari sa’yo? Buo pa ba yang katawan mo?!” Daredaretsong sabi ni Ceddy.

“Hey Ceddy. What’s happening?”

“Sagutin mo muna yung mga tanong ko!” I can hear her crying.

“I'm fine Ceddy. Buong buo pa ang katawan ko.” I said, “Are you crying?”

“Khione kase.. *sniff* sinabihan agad ako ni Mario na tawagan ka kasi nanaginip na naman sya *sniff* sabi nya kasi...”

“Anong panaginip nya?”

“may gusto daw.. *sniff*”

“Ano nga Ceddy?!?!”

"May gusto daw pumatay sa’yo!” Bigla nyang sabi. Cold spread to my veins. Goosebumps appeared all over my body.

“Ceddy that’s not a good joke.”

“But i’m not joking Khione. Kausapin mo pa si Mario.” Binigay nya ata kay Mario yun phone.

“Khione.. *yawn* to- totoo yung sina *yawn* sinasabi ni ate Ceddy. Gusto ka lang naming *yawn* bigyan ng babala.”

“Mario, your dreams are not funny.” Seryoso kong sabi. Natatakot ako. Ano bang ginawa ko para may isang taong gusto akong ipapatay?! I’ve been a good girl.

“*yaaaaaaawn* This is just a warning Khione. *yawn* nothing to worry.” Mario said.

                Binaba ko na yung phone sa sobrang takot. Panaginip lang yun, walang ibig sabihin. Babantayan naman ako ni Lord eh. Diba Lord? Humangin ng malakas kaya kumalampag yung bintana ko, “Sabi ko na nga ba Lord. Di mo ko papabayaan eh.” Kumalampag uit yung bintana kaya tinigilan ko na. Wag naman akong takutin diba?!

"You may now kiss the bride..” The Priest said. And they did. I’m so happy for my Dad.

                Yung church concept parang yung concept and design nung wedding ni Mom and Dad. Ako kasi ang nagsuggest, pero hindi alam ni Teresa yung tungkol dun sa part na ganun din yung design nung wedding ng parents ko.

Sa Reception naman, si Teresa na ang bahala. Katulad nung bahay nya, scary yet elegant. Red, gold, copper and black ang mga color. Bumagay yung theme sa place na nakuha namin. Circle tables covered with red and copper cloth and the chairs with gold and black. Para ngang bar yung dating eh. The place was hip and young.

             Mawawala ba naman si Teacher Paul dun. Syempre hindi! Kami na ang susunod na ikakasal eh. Hahaha! Charot! At wala kayo! Partner ko sya kanina sa grand entrance ng bride. Bagay nga daw kami sabi ng mga tao. *blush* Kayo naman! Alam ko naman yun syempre. Hihi.

                Lumapit kami ni Teacher Paul kay ate Cindy and Grandma at pinakilala ko sya. Kinindatan ako ni ate Cindy. This is great! Pwede na talaga kami ni Prince Paul.

“Excuse me, can i borrow Khione for a while?” Paalam nya kay Teacher Paul.

"Sure. Of course.” Sagot nya! AAHHH! Para kaming magboyfriend.

                Pumunta kami ni ate Cindy sa labas. At nagmuni muni.

"Sa tingin mo, masaya ang mommy mo ngayon?” Tanong ni ate Cindy. Nagisip ako saglit.

"Sa tingin ko naman po, kung saan masaya si Dad, masaya na rin si Mom. Diba?”

"Siguro nga. Naiinis lang ako sa Daddy mo dahil ganun lang ang pinalit nya sa Mommy mo.” Reklamo ni ate Cindy.

"Ate Cindy, hindi mo pa siguro nakikilala si Teresa. Pero tama ka, she’s not like Mom, too much far from Mom. Pero dyan masaya si Dad eh.” I stopped and looked at ate Cindy and held her hand, “Kung meron isang babae dito sa mundo na katulad ni Mom.. it’s you ate Cindy.” She smiled and kissed me.

"I'm happy that you think that way towards me.”

                Pumasok nadin kami sa loob at nakipaghalubilo sa mga tao. At dumating na ang pinagdadasal ko simula pa nung isang isang buwan. Ang pasambot ng bulaklak ng bride.

                Nakipagsiksikan ako sa mga babaeng gustong makasambot at sumunod na magpapakasal. Dalawa kami ni Ceddy na binabakaw ang mga babae dun. Motivated ako na masambot ko ‘to. Gusto ko ng ikasal kay Prince Paul my ever so Love. Kailangan.. kailangan.. kailangan..

Hinigit ako bigla ni Prince Paul.

"Wag ka na kaya makipagsiksikan. Baka masaktan ka pa.” Sabi nya. Jusko!!! Anong ibig sabihin nito? “Tsaka hindi naman totoo na pag nasambot mo yan, ikaw na ang susunod na ikakasal.” Habol pa nya.

"Susubukan ko lang naman eh.”

"Sige bahala ka. Pag ikaw nasaktan dyan sa agawan na yan ha.” Nagpout sya in front of me! SHUUTS! Ang kagwapuhan naman talaga ng lalaking ito.

"Edi hindi na. Baka nga masiko lang ako ng mga babae dyan. Hahaha.” Alam nyo hindi ko alam kung bakit naging ganito kami kaclose ni Teacher Paul, pag nga nasa labas na kami ng school, Paul na lang ang tawag ko sa kanya. Pumayag naman sya eh. Nagsimula ata ‘to nung hinatid nya ako sa bahay. Namumuro na nga ako, kasi pag ginagabi kami pagtinuturuan nya ako, hinahatid ako. Nakakahiya naman dahil ang layo ng bahay namin tapos ang mahal pa ng gas.

                Isipin nyo na lang na hindi pa kami ng lagay na yun, tapos kung ihatid nya ako halos 3 times a week. Paano pag naging kame? AY BONGGA!!! Ang pinakamaganda pa! Dumadalaw dalaw ako sa bahay nila kasi nagpapasama sya minsan.

                Tumayo lang kami habang tinitingnan yung mga babae na nagreready na. Pati nga si Ceddy nakakatawa. Talagang naghubad pa ng heels ang bruha!

"Ready girls!” Sigaw ni Teresa at sumagot naman yung mga babae. Sayang naman! Pinagdasal ko pa naman ‘tong ng bonggang bongga. Nasira lang dahil sa isang sabi ni Prince Paul. “1.. 2.. 3...” Biglang binato ni Teresa. Oopps! Napalakas ata ng bato si Teresa.

"Papunta dito oh.” Sabi ni Prince Paul. I opened my hands and SAKTO!!! Ako yung nakasambot.

Snow in SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon