Nasa likod kami ni Teacher Paul my Prince so Love habang naglalakad sa hallway. Tinititigan ko ang napakayummy nyang likod. Ano kayang feeling ng kayakap sya?!?!?! AAAHHH! Grabe yun kung sakali. Pwede nakong hindi kumain ng isang taon. DEH! Joke lang. Yung feeling na nga lang na katabi sya baka mahimatay nako. Ano pa kaya pag kayakap?
“Psst!” Tawag ko kay Ceddy na nasa tabi ko lang. Tumingin sya sakin, “Baka gusto mo ng gumora para masolo ko na ‘tong si Prince Charming.” Sabi ko ng mahina.
“Hindi ba ako pwedeng chaperon nyo?!” Sagot din nya ng pabulong.
“Hindi. Gumora ka na kase teh. Dali!! Habang hindi pa sya nakatingin.”
“Sige na nga. Tutal eto naman talaga ang plano. Balitaan mo agad ako pag nakabuo na kayo ha.”
“Ang bastos mo. Wag ka ngang ganyan.”
“Ang green mo. Nakabuo ng relationship, kumbaga getting to know each other. Okay?”
“Ahh.. okay. Babalitaan kita. Dali na, gora ka na.” Tinulak ko si Ceddy ng mahina tapos umalis na. She winked at me then fades.
Binilisan ko ang lakad ko para makasabay kay Teacher Paul. “Uhmm. Saan tayo pupunta?” mahina kong tanong. He just looked me into my eyes and smile. Jusko po! Anong klaseng nilalang itong nasa tabi ko, ubod ng- saksakan ng gwapo naman. biglang nagkaroon ng colors around us. I think ako lang ang nakakakita. Nafifeel ko na namumula ako.
“Sa Faculty room.” Sagot nya with his gorgeous voice, “Tuturuan kita.” HAAA?! OMG! Eto na. Etong eto na talaga. Ako na ang pinakamaswerteng babae sa balat ng lupa. I never thought na ganito kabilis gagana ang plano ni Ceddy. I never thought na sya pa mismo ang lalapit saken. Oh God! Bakit Nyo naman po binigla. Hindi ako prepared masyado, hindi man lang ako nakapagayos ng buhok ko. This is it! This is really is it is it ng bonggang bongga!
Pumasok na kami ng faculty room. Nadisappoint ako kasi ang daming teachers, hindi ko man lang masosolo ang aking Prince Charming. Nauna na syang maglakad kesa saken papunta sa table nya. Pumasok ako sa divider at…
NAKAKALOKA!!! Kami lang ang tao! Wala yung dalawa pang prof sa table nila. Grabe naman Lord, hindi pa ako humihiling na paalis Nyo ‘tong mga tao sa loob, nabigay Nyo na talaga. Ibang klase po talaga Kayo. Umupo sya sa upuan at hinalungkat ang drawer nya. Syempre ako ‘tong si nahihiya, tumayo lang ako sa labas.
“Ms. Roxas, pasok ka.” Winave nya yung kamay nya. Sa isip isip ko, gusto ko ng hablutin yung kamay nya at kainin. Pero syempre hindi ko ginawa, edi napahiya naman ako sa harap ni Teacher Paul, baka maturn- off pa sya saken. Pumasok ako sa loob at umupo sa upuan sa harap ng table nya. “Nasaan na kaya yung test result mo?” Sabi ni Teacher Paul.
Achieve ko na! Achieve na achieve ko na. Kuntento nako na nasa harap ko sya at pwede kong titig- titigan.
♪♪.. I was on the mic, do my thing in the Friday night..♪♪
Bwisit! Sino ba ‘tong istorbo? Dad calling..
Grabe! Napakawrong timing talaga ni Dad. Ano na naman kaya ang kailangan nito?
“Bakit ayaw mong sagutin?” Tanong ni Teacher Paul.
“Ah- eh- wala po ‘to.” PO? Bakit ka nagpopo sa lalaking magiging asawa mo, "Nothing important. Ano bang gagawin natin?” Yan Khione. Good work. Dapat masanay kang hindi mag’po’ sa kanya.
♪♪.. who’s that girl, who just walk- walk im the club..♪♪ Dad calling..
Ano ba Dad?! Wag kang panira ng moment ko!!! GRRR!
“Sagutin mo na kaya yan Ms. Roxas.” Sabi ni Prince Charming my Love. “Mukhang kailangan kailangan kang kausapin eh.” Nako! Kung alam mo lang. kaya kong ipagpalit lahat para sa’yo. Sabi ko sa isip ko.
“Okay. Be right back!” Lumabas ako ng faculty room. “DAD!!!!!” Sigaw ko.
"Can you please don’t yell?!” Dad said.
“Bakit ka ba kasi natawag? May importante akong ginagawa. This is so IMPORTANT!”
“Nandito ako sa school nyo. Puntahan mo ako sa parking lot.”
“DAAAAD?! Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? I’m doing something very important!”
“Sa bahay mo na lang yan gawin. Pumunta ka na, ngayon na.” *toot*
“Dad?! Hello? DAD!! Hindi pwedeeeee!!!”
Ano ng gagawin ko ngayon? Kaasar naman ‘tong si Dad eh! ASAR!!!
“Uhm.. Teacher Paul..” Sabi ko pagbalik ko sa loob.
“Kailangan mo na bang umuwi?”
“Ahh.. parang ganun na nga. My Dad is waiting for me..”
“You can go.” Sabi nya with a smile. Pero nainis ako! Ano ba yun?! Pinapaalis na nya AGAD ako?!?!
“Ah- ah- uhm.. Teacher Paul?”
“Yes, Ms. Roxas?”
“Wala. Nevermind. Aalis nako.” Kinuha ko na yung bag ko. Pero hindi sya nakatingin saken kundi dun sa mga papel.
“Sige. See you around.” Sabi nya. Ano ba?! Pigilan mo akong umalis. Pigilan mo ko!!!!
“Lalabas na talaga ako ng room, Teacher Paul. At UUWI na ako.” Habol ko. Tumingin sya saken. Ano?! Pipigilan mo na ba ako?!?!?!? Dali! Sabihin mong wag muna akong umalis.
“Sige. Ingat ka.” Sabi nya tapos tumingin ulit sya sa mga papel.
Malungkot akong lumabas ng Faculty Room. Sige. Ingat ka. Hindi naman yun ang gusto kong marinig sa kanya. Bakit? Why? Ano bang kulang sakin????
“Ms. Roxas!!!” Napatingin ako sa likod at nakita ko ang aking knight in shining shimmering armor na papalapit saken. Tumigil ako sa paglalakad syempre. Alangan namang magpakipot pa ako.
“Bakit?” Tanong ko.
Hingal na hingal syang tumigil sa harap ko.
“See me tomorrow after your class.”
