X. Let's do this.

108 0 0
                                    

Eto na ang pinakahihintay ko. My worst na gagawin. Ang ibagsak ang exam ni Teacher Paul. Ang ayoko pa naman sa lahat yung may mga failing grades ako.

“Khione.. isasakto mo lang na 75 yung average mo sa exam.”

“Kahit na. Mahirap tanggapin.”

“Anong gusto mong mahirap tanggapin, ang bumagsak ka sa exam o ang chance na maging close sya.” Ang galing talagang magmotivate ng bestie ko.

“Oo na. Gagawin ko. Edi dapat i- compute ko pa kung ilan dapat kong itama na sagot.”

“Correct! Oh. Ayan na sya. Magready ka na ah.”

                Pumasok na ng room si Teacher Paul. Oh shuts! Ang gwapo nya. Astig ng porma. Feeling ko mahihimatay ako paglumapit sya saken. In- arrange nya kami ng seats. Napapunta nga ako sa likod eh. Ayaw nya ba ako sa harap ng table nya?? Nasa paligid ko tuloy yung mga lalaking nanunukso saken ng slowpoke.

“Psst! Slowpoke!” Yumingin ako sa likod. “Lakihan mo sulat mo ah. Pakopya kami.” Sabi nung lalaki.

"Neknek nyo! Ano kayo sinuswerte?! HMP!” Sabi ko.

"SLOWPOKE! SLOWPOKE! SLOWPOKE!” They started chanting with music. Argh! Nakakainis.

                Nagstart na yung exam. In- scan ko muna. Grabe naman pala sa dali. Pang grade school eh. Naman! Ang hirap nitong ginagawa ko. Napatingin ako sa katabi ko, yung suplado pala na sinasabi ni Ceddy na may kamukha na hindi nya masabi. Tss. Kasamahan nya yung nasa likod pero hindi sya maingay. Tahimik lang talaga. Wala nga syang hawak na pen eh. Tinitingnan nya lang yung test paper. Anong akala nya, mamamagic nya yun, na pag tinitigan nya may biglang lilitaw na sagot?! Kalokohan! Tumingin sya bigla saken.

“Bakit ka nakatingin?” Nagulat naman ako. Sa biglang tingin, may kamukha sya. Hindi ko lang alam kung sino.

"Ahh.. wala! Magsagot ka na.” Sabi ko sabay iwas ng tingin.

"Sshh. At the back, no talking please.” Sabi ni Teacher Paul, Yes my love.  Sabi ko sa isip ko. Nako! Kung hindi para sayo ‘tong ginagawa ko, nako! Hinding hindi ako gagawa ng kalokohan.

"Oh, Gurl! Kamusta? Nagawa mo ba ng ayos?” Tanong ni Ceddy after kong mapasa yung paper.

"Oo! Sa tingin ko. Ced.. grabe! Ang dali lang nung exam. Nakakahiya naman kung ako lang ang babagsak.”

"Okay na yun. Tingnan mo.” Sabay turo kay Teacher Paul. Patay! Nakakunot ang noo. Jusko my love, wag kang kumunot, pumapangit ka eh. “Feeling ko, paper mo yung chinechekan nya.”

"Paano mo naman nasabi yun?”

"Feeling ko lang.”

"Natatawa talaga ako sa sarili ko at ginagawa ko ‘to para sa love of my life.”

"Ang drama mo teh. Kaya naten ‘to. Naumpisahan na naten eh. Uurong ka pa ba?”

"Hindi na syempre!”

“SLOWPOKE! SLOWPOKE! SLOWPOKE!” Dumaan yung mga lalaki. Di ko na lang pinansin. "Ang ganda ganda, wala man lang laman ang utak." Tapos dumaan yung suplado, yung kaapelyido ni..

“Teacher Paul?”

Snow in SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon