XXII. Evil Gown.

75 0 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit nakatulog ako ng ayos inspite sa pinagdadanan ko. Basta after nung ginawa ni Mysterious guy para gumaan ang pakiramdam ko. I felt protected. Natatawa nga ako kasi iniisip ko na nilagyan nya magic barrier yung bahay para walang makalapit na masasamang element. Kung may ganun man, maganda nadin. At least ligtas ako at sila Ceddy.

"Saan ka pupunta?” Pumasok si Ceddy ng kwarto.

"Papasok tayo. Ano ka ba?!” Sagot ko.

"Sure ka ba? Paano pag nandun sila sa school?” Pagaalala ni Ceddy.

"Lalabanan natin sila Ceddy. Hindi naman pwedeng lagi na lang tayong magtatago.” Sabi ko kahit sa loob loob ko, natatakot din ako. “Tsaka nandun naman si Paul at ikaw. Tatlo tayong lalaban sa kanila.” I smiled. “Kaya ikaw, magbihis ka na at baka malate tayo.”

          Bumaba na ako para sumalo sa mga kapatid ni Ceddy. Nagulat ako sa nadatnan ko, not the usual na nangyayari sa umaga. Tuwing umaga, nagkakagulo ang mga kapatid ni Ceddy at paikot ikot dahil lahat ay naghahanda ng agahan. Kanya kanyang Gawain. Si Emie, the eldest, sya ang namimili sa palengke para sa pagkain namin. Si Ziel at Light ang gumagawa ng mga gawaing para sa mga lalaki. Si Mario naman, sinusubukang tumulong sa pagluluto, pero lagi syang nakakatulog kaya si Lily ay sisigaw para magising si Mario sa mahimbing na pagtulog. Si Alec naman na bunso ay tutulong sa gawaing bahay tapos kami ni Ceddy ay maglilinis ng bahay bago pumasok.

          Nakakalungkot lang na hindi ganun ang dinatnan ko. Si Emie ay tahimik na naghahanda ng pagkain at tinutulungan sya ni Lily at Alec. Si Ziel, Light at Mario ay nasa kwarto pa ata. Nahihirapan ako sa nakikita ko, masyado silang naapektuhan sa nangyayari sakin. Sana pala hindi ko na sila dinamay, sana pala sinarili ko na lang.

“Khione!” Nakangiting sabi ni Emie, “Halika na, kakain na tayo.” Pilit nyang pinasisigla ang paligid pero hindi kinaya. Lily and Alec showed me a fake smile.

"Tulungan ko na kayo.” Masaya kong sabi.

"Wag na Khione, umupo ka na dyan. Kami ng bahala.” Inupo ako ni Lily sa upuan.

*Ding! Dong!*

"Ako na!” Sigaw ko at tumakbo na ako sa may pintuan.  Dahil glass yung pinto, nakita ko agad si ate Cindy. I opened the door, “ATE CINDY!” Niyakap ko sya ng mahigpit.

"Okay ka lang ba Khione?” tanong nya with her face so worried.

"Yes ate Cindy. I’m perfectly fine.” I lied. Pinapasok ko si ate Cindy sa loob at bumaba nadin ang mga kapatid ni Ceddy.

"You are not perfectly fine.” Ate Cindy said, bumaba na si Ceddy at nakita kami. Lumapit sya at para may ginawa syang hindi nya pinagpaalam sakin.

“Ceddy.. don’t tell me..” I said.

"Sorry Khione.” Ceddy said.

"Wag kang magalit kay Ceddy.” Galit na sabi ni ate Cindy. “Pinilit ko syang sabihin nya sakin dahil nagaalala din naman ako sa’yo.”

"Sinabi nya lahat?” Tanong ko.

"Ikaw ang magsasabi sakin ng LAHAT.” Sabi ni ate Cindy.

          Hinintay muna naming makapasok na ang mga kapatid ni Ceddy para hindi na nila masyadong maalala at hindi nadin sila matakot at magalala. Ceddy helped me with the story and ate Cindy was attentive while we're narrating the exact story. Hindi nya iniintterupt ang pagkukwento namin ni Ceddy. Hinintay nya lang na matapos ang lahat at tsaka nagsalita.

“I told your Dad, Khione! Hindi mabuting tao yung pinakasalan nya!” Sigaw ni ate Cindy. “Nahalata ko ng simula pa lang, walang mabuting budhi sa katawan ng babaeng yun. I warned him.”

Snow in SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon