IX. The Heartbroken Skater.

121 1 2
                                    

Nagcommute nako papunta sa bahay ni Grandma.

“Hi Grandma!” I said waving at her.

“Hello.. oh? Mukhang maganda ang araw naten ah.”

“Syempre naman. Alam mo ba Grandma, malapit na kaming maging magkaibigan nung prince charming ko.”

“Talaga? Ano bang pangalan nya?”

“Paul po. Grabe Grandma! Pag nakita mo yun baka sabihin mo yun na ang pakasalan ko.”

“Talaga lang. Sige, pag naging close na kayo. Pakilala mo agad saken sya.”

“Syempre naman. kayo po ang unang makakakilala.” Ngumiti sya. “Teka lang po, bakit di po kayo nakapangskating?”

“Hindi ko ba nasabi sayo?”

“Na ano po?”

“Hindi muna kita masasamahan ngayon. May aasikasuhin ako.”

“Ayy.. ganun po ba.”

“Pero ihahatid kita. Nandun naman si ate Cindy mo.”

“Okay po.”

Pumasok nako sa rink. Parang wala namang ibang tao. Naayy.. nakakatakot pala dito pag magisa. So scaryyyyy.. tatawagan ko na sana si ate Cindy nang biglang may lumitaw na babae sa ice. Ayun naman pala si ate Cindy eh.               

“Ate-“ Napatigil ako.

                She’s crying. Pero bakit? Pinindot nya yung remote ng player. Kung Mawawala Ka yung song. Feeling ko my something bad na nangyari. Pero ano? She started her routine. Bakit ganyan sya kumilos? Hindi sya ganyan kagraceful pag nagpapractice kami. It is the emotion that makes the dance beautiful? Yung light nang araw sa tumatagos sa window, nagbibigay ng spot light effect sa kanya. Bawat flip, bawat turn, pagnakakas yung ice, mas gumaganda ang routine nya. Hindi ko masabi, parang nakita ko bigla si Mom sa katauhan ni ate Cindy.

                I just stand in one corner watching ate Cindy. Sa final flip and turn nya sumablay sya. Napahiga sya sa ice. Screaming and crying.

"Ate Cindy!!” I run to her, “Ate Cindy! Are you okay?” Halatang nagulat sya sa pagsulpot ko.

"I', fine. I’m fine. Nandito ka pala hindi ka nagsasalita.” She wiped her tears.

"Ate.. bakit?”

"Wala. Wala ‘to.”

"Ate Cindy, hindi ka na iba saken. Parang tunay na ate na ang turing ko sayo.”

"Dun tayo. Malamig dito.”

Pumunta kami sa changing room. Pinapanuod ko lang sya habang pabalik balik sa loob ng room at halos hindi na makahinga sa kakaiyak.

"Break na kasi kami ni Aldrin.” Malungkot na sabi ni ate Cindy.

"Ha? Paano? Bakit?”

"Monthsary kasi namen yesterday, hindi ako nakapunta dahil nagpractice ako para sa competition next week. Tapos kanina, pinuntahan nya ako sa dito at nakipagbreak sya.”

"Bakit daw?”

"Sabi nya, parang mas pinaprioritize ko daw ang pag-a-ice skating ko kesa sa relationship namen.”

"Ice skater ka na ba nung naging kayo?”

"Oo. Sabi ko pa nga dati, in advance ko na. Alam kong mangyayari ‘to. Kaya dapat iintindihin nya ako. Umoo sya nung sinabi ko yun. Pero bakit nakipagbreak sya? Akala ko ba iintindihin nya.”

"Iang taon bang naging kayo?”

"Almost 3 years na kame.”

"Ha?!?!?! Ganung katagal? Grabe. Bakit hindi pa kayo nagpakasal?!?!”

"Dahil dito. Dahil ice skater ako.”

"Ate naman. Kahit naman ano ka, kahit boxer ka pa. May karapatan kang magkaasawa at mamuhay ng masaya. Ate, hindi ka na bumabata. Hayaan mo na lang yung Aldrin na yun. Nawalan sya ng mabait, maganda, responsible at maalagang girlfriend sa buhay nya.”

"Siguro nga. You’re right Khione. Hindi lang naman sya ang lalaki sa mundo diba?!"

"That’s the girl power!!!” Imbis na mabuhayan sya ng loob lalo pang umiyak si Ate Cindy.

"Pero mahal na mahal ko talaga si Aldrin. Hindi ko alam kung magigising pa ako bukas na hindi na masakit."

Snow in SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon