💘 28 | Untold

2.9K 70 0
                                    

DEAN

One of the things I did to keep myself focused on work for the past years ay ang isubsob ang sarili ko sa trabaho.

Lahat ng meetings, business conference's, business trips outside the country and everything just to keep myself distracted ay hindi ko pinalagpas. Lahat pinapuntahan at sinasalihan ko.

I was told to obey the rules or else I'm doomed.

Kung may time ako sa sarili ko ay mas may time naman ako sa trabaho.

"Fuck!" I loosened my necktie at napagpasyahang tanggalin ang coat na kanina ko pa pinagbubuntungan ng galit.

Tumayo ako at lumipat sa sofa na kaharap ang coffee table. I spread my shoulders and let my head hung on the edge of it. Sobrang sakit ng ulo ko. Kaya siguro nagagalit na lang ako bigla.

Wala pa akong tulog at wala akong balak hanggang sa hindi natatapos yung proposal na hinanda ko para sa isang bigating international investor.

My office's customized. Pinalagyan ko ng room na connected sa main office para dito na rin ako matulog minsan. Kadalasan kasi nag-overtime ako and I can't go home just to bring the work there. Sobrang hassle na kung ganun. In fact, I treat my office as my home... for now.

Nakapikit na ko ng biglang tumunog ang intercom sa table ko. Ba't ang daming disturbo ngayon? Kung kailan naiirita ako, nadadagdagan tuloy.

Padabog akong naglakad patungo sa table at sinagot ang kung sino man ang istorbong naninira ng pagpapahinga ko. I whispered few curses bago ko pinindot ang intercom para masagot ang secretary ko.

"WHAT?!" I shouted at alam kong kung sino ang nakasagot nito ay napapitlag na sa kaba. Damn!

"S-sir? Pasensya na po..." I replied sorry to her kahit na galit pa rin ako. What the hell, Dj? Ano bang pinagpuputok ng butchi mo at dinadamay mo lahat sa init ng ulo mo?!

"Why?! Diba't sabi ko wag munang tumanggap ng bisita? Please, I need to rest. Sabihan mo na lang busy pa." Sinubukan kong hinaan ang boses ko para maintindihan niyang mainit lang talaga ang ulo ko.

"Sir, sorry. Sabi niyo po kasi, pag importante, kahit busy, tawagin ko pa rin kayo. Importa--" I cut her off.

"Pakisabi, next time na lang. Schedule another appointment for them. The last thing I want to do now entertains visitors. Tsk!" I reasoned out. Mahirap talagang pigilan ang init ng ulo.

"Si Mr. Bautista po ang tumawag. Kailangan daw niya po kayo maka-usap as soon as possible. Importante din daw po kasi yung pag-uusapan niyo." Mr. Bernardo? S-si Tito?

"Fine, let me call him. Remember what I've just said. No visitors for today." I ended the call immediately.

Kukunin ko na sana ang telephone ngunit tumigil ang kamay ko sa ere. Biglang sumibol ang kaba sa buong katawan ko.

Ano kayang sasabihin niya? Tungkol ba kay Kath yun? Anong sasabihin ko? Pwede ba ko mangumusta? Yung tungkol sa anak ko?

"Damn it, Dj!" Naka-ilang rings pa ang tawag ko bago nasagot. Ang alam ko kasi nasa London pa rin sila. Hindi naman problema yung gastos ng international call. Im just... really nervous.

"Dj?" I can already hear my heart beating fast. Hindi ako pwedeng hindi kabahan. Ilang taon din akong walang balita sa kanila.

"T-tito? Kamusta po?" Shit! "B-bakit nga po pala kayo napatawag?" Why stutter, Dj?! C'mon!

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Ngayon lang kasi siya napatawag sa loob ng limang taon. I was waiting... for years.

"I will go directly to the point, Dj. I called because of our deal five years ago. Naalala mo?" There's no humor in his voice kaya mas lalo akong kinabahan.

Unexpectedly [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon