Chapter 1

12.3K 213 67
                                    

-- FLASHBACK --

''OMG! Nakalimutan ko pa ang lunchbox ko sa classroom.'' Utal ko sa aking sarili.



Tumakbo ako pabalik, tutal naman nasa labas pa lang ako ng campus.




''Yvonne!"



Napalingon ako sa tumawag.




''Rose!" Agad ko syang niyakap. Napangiti naman ako ng hawiin nya ang buhok ko. Mas matangkad kasi sya sa akin. And since elementary magkaklase kami, kaya naging magkaibigan na din kami. Childhood bestfriend ko sya.




"Alam mo ba BFF may nalaman ako?"


"Ano yun?" Tanong ko naman agad habang naglalakad kami at nakasukbit ang aking kamay sa kanyang braso habang papunta sa room upang samahan akong kuhain ang naiwan kong lunch box.



"Alam mo ba na may website na pwede kang um-order ng boyfriend?"



Napatingin ako sa kanya at napakurap.




"Totoo 'to! Legit na legit ito, ano ka ba. Noong una din hindi ako naniniwala." Parang alam na nya ang tingin ko sa kanya kung kaya't nag tuloy-tuloy sya ng salita at kwento.





"Luh? Totoo?"




"Oo,BFF! Ang website daw ay www.MyRobotBoyfriend.com"






"So naniniwala ka talaga sa narinig mo?" Taas ko sa aking kaliwang kilay. Hindi ako naniniwala sa ganito. Nasa 2000 palang naman tayo, wala pa tayo sa super high-tech na panahon 'no.



"Oo, medyo." Pag-aalangan nyang sagot. "Pero subukan mong buksan mamaya." Dagdag pa nya.




"Hay nako, BFF. Tigilan mo nga ako. Porket ba No Boyfriend Since Birth ako?"






"Huy, hindi naman. Pero ang sabi pa nila pogi daw ang mga Robot dun." May halong kilig nyang sambit.



"Seriously?"  I rolled my eyes.




"Basta ako bubuksan ko mamaya para magka-boyfriend na ako!" Halatang nae-excite sya at totoong bubuksan nya.
 




"Alam mo,BFF" I sighed. "Hindi naman mahalaga kung totoo o hindi. Bata pa tayo, i-enjoy muna natin ang buhay dalaga."





Kita ko naman sa mukha ni Rose ang pagka-disappoint sa sinabi ko. Habang papalapit na kami sa room upang kuhain ang naiwan ko.





"Wala naman masama kung bubuksan natin." She shrugged her shoulders. I just pouted my lips. Siguro nga, wala mawawala kung bubuksan at susubukan.






-----



Pagkatapos kong gumawa ng homework sa English ay agad akong tumutok sa aking laptop.



"Mabuksan kaya yung sinasabi ni Rose?" Iniisip ko palang parang natatakot ako na nae-excite.



Pero siguro tama naman sya, wala naman masama kung susubukan. Sinubukan kong i-type ang website na sinabi ng kaibigan ko.



www.MyRobotBoyfriend.com



Halong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Sa totoo lang, kinakabahan ako kasi baka mamaya scam ito at makuha lahat ng accounts ko.





No boyfriend since birth ako dahil pinili ko iyon, pangako ko kasi sa aking sarili na kapag nagkaroon ako ng taong mamahalin ay sya na ang una at huling pag-ibig ko. Kahit na merong namang umaaligid at nanliligaw sa akin. Hindi ko din kasi sya gusto.




Si Rose naman ay nagkakaroon ng boyfriend pero hindi sila tumatagal, siguro dahil may first love sya at hindi nya makalimutan ito.
 



Ilang segundo pa nga ay may lumabas na.



Are you sure you want to have a Boyfriend?



"Ano ba? Yes or No?" Napalunok ako pero pinindot ko ang Yes button! Wala namang mawawala kung papatulan ko ito dahil hindi naman ako gaanong naniniwala.

Select a Robot Boyfriend...(Choose his Avatar)


"Para naman akong batang naglalaro ng dressing game." Bulong ko pa pero patuloy ako sa pag-click.



Syempre pinili ko yung Ideal Man ko. Dark brown eyes, smart, tall, white, handsome, bouncy hair,of course chinito, matangos ang ilong and kissable lips.



Natatawa ako habang namimili ako dahil kuhang-kuha nya ang gusto ko. May halo na ding kilig, sa totoo lang.



Are you sure you want this figure?



"Yes!" click lang ako ng click. Wala naman mawawala, Yvonne!




Are you sure you're ready to see him tomorrow?



"Tomorrow? As if namang totoo yang robot na yan!" Natatawa kong bigkas sa aking sarili.



Nagulat ako sa lumabas. 5,000 per month? Automatic na nag-charge sa account ko. Pinilit kong i-cancel at i-close pero na-purchase nya at na-charge talaga.



Napapadyak ako at napairap. Parang na-scam nga ata ako! Gigil na gigil kong sinara ang website.




Mapapagalitan na naman ako nila Mama at Papa sa gastos ko. Magbabayad pa akp ng apartment ko next week. My ghad, Yvonne! Hindi ko naisip na baka mangyari ito.




Nagulat ako ng may nag-notification sa aking laptop.



PROCESSING........................................


FINISH.....




Napakunot ang noo ko. Pinatay ko na pero nag-process pa din? Nagkibit na lang ako at sinubukan ng matulog. Maaga pa ako bukas.

***





Nagising ako sa lakas ng cellphone alarm ko. Antok na antok ako pero pinilit kong bumangon kahit wala naman akong pasok.



Naka-plano akong mag-jogging ngayon. Every weekends kasi ito talaga ang ginagawa ko.



Patayo palang ako ng biglang may mag-doorbell.




"May tao ng ganitong oras?" Bulong ko sa sarili ko. Nagtataka man ako pero nag-ayos ako't nagtungo sa pinto upang tignan kung sino ang taong nang bubulabog sa akin ng ganitong oras.



Kumukurap-kurap pa ako ng buksan ang aking pinto.





"Good Morning, delivery po."




Halos mapanganga ako sa aking nakita.

===

Note: This is the edited version of My Robot Boyfriend. Thank you for supporting me. Kahit since 2011 ko pa ito nasulat! ♥️
 

xxMoichido_san9

My Robot Boyfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon