Chapter 44

3.3K 37 7
                                    

ANNOUNCEMENT: May story si Sophie Montenegro at dahil diyan sa kanya dedicated ito. :) Ang aking beybeh na nagmana sa aking kagandahan! LOL! wahaha.. xD. Tulad nga ng sabi ko lahat ng mga kontrabida ay may story.



Last 6 CHAPTERS,let's have our countdown na dahil malapit na din ito matapos. :)


ENJOY READING! ^_^V




---------





SOPHIE's POV




"She's dying" nagpintig yan sa aking mga tenga



"Wala na ba kayong magagawa?"
sambit ni Daddy.

"Sorry Mr.Montenegro but your wife is dying"

"Gawin niyo ang lahat ng paraan,babayaran ko kayo kahit magkano basta iligtas niyo lang ang asawa ko"

"Sorry Sir" yuko ng doktor at naglakad palayo.

Nakaupo lang ako at pinagmamasdan si Daddy.Umiiyak siya dahil sa babae na yun? Ang babaeng nang-iwan at tinalikuran kami?

Pagkatapos niya kaming iwan? Ano pa bang ine-expect niya,ine-expect niya na ituturing ko siyang Ina? Sa lahat ng ginawa niya,iniwan niya ako,iniwan niya KAMI!

Ang tagal kong nangulila sa yakap at halik ng isang Ina,pero bumalik siya pero ano? She's sick and now SHE'S DYING?

"Sophie,Anak" iyak ni Daddy.

Bakit siya naiyak? Di ba siya ang nagturo sa akin kung paano maging matapang at magmatigas! Pero bakit siya naiyak,dahil sa babaeng iniwan at niloko kami?

"A--Anak" nagulat ako ng nagsalita siya.Tumingin lang ako at pinagmasdan siya.

"Lumapit ka" utos ni Daddy.Tumayo ako at lumapit sa kanya,niyakap niya ako ng mahigpit.Yung yakap na noon pa ma'y hindi ko na naramdaman sa isang Ina.

Yung mga yakap na pinangungilaan ko noong bata pa lamang ako.

My Robot Boyfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon