Chapter 47

3.6K 33 10
                                    

TADAAAA~ For her =))) thanks for promoting my story BUhay KO(BUKO) Thanks girl :******



-


LAST 3 CHAPTERS SALAMAT SA LAHAT NG SUMUPORTA! THANK YOU NG SOBRA :******




---------


CONTINUATION...



"Sigurado ka bang ayos ka lang?" habang naglalakad kami pauwi ng bahay ayan lang ang tanong niya.

"Oo nga" inis kong sambit.

Kanina pa kasi niya tinatanong,nakakarindi,nakakasawa at nakakatorete!

"Simula ng mabunggo mo si Alex kanina natameme ka maghapon,ayun ba ang sasabihin mong ayos lang?"

Napatingin ako sa kanya at kita mo sa mga mata niya ang inis at galit.

"Hindi ko naman sinabing tanungin mo ako di ba? Isa pa nakakarindi na! Paulit-ulit na kasi eh!" hindi ko inaasahang lalabas yan galing sa sarili kong bibig.Tumingin naman agad siya sa akin ng mga oras na iyon.

"So--Sorry" napapikit ako dahil sa hiya at inis na naramdaman sa aking sarili.

Hindi siya kumibo at naglakad kami ng tahimik at malumanay.Pagdating sa gat agad siyang umalis at di man lamang nagsalita.

"Xa--Xander" tawag ko.

Hindi siya kumibo o lumingon man lamang,dire-diretso lamang siyang naglakad palayo.Napabuntong hininga ako at napahawak sa mukha.I cupped my face,ano ba kasing nasabi ko?Galit kaya siya?

 Pagpasok ko ng bahay agad kong nakita si Alex at sinalubong ako ng ngiti.

"A--Alex?"

 

"Y--Yvonne,tumawag ang Papa mo" seryoso niyang sambit sa akin.


"Ba--Bakit daw?"

Lumakas ang tibok ng puso ko,may kutob ako sa mga nangyayari.Hindi ko alam pero sana hindi totoo ang mga kutob ko.Sana hindi mangyari ang lahat.

My Robot Boyfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon