Chapter 3

8.5K 131 26
                                    

Habang pinagmamasdan ko ang order kong product? Item? Or whatever ay pumasok sa aking isipan ang mga pinaggagawa ko ngunit hindi ako nagsisisi.


"Robot!" Tawag ko. Tama bang tawagin ko syang robot?


Hindi sya lumingon at abala manood ng t.v.


"Alex. Alex McPhee." Lingon nya sa akin.


Halos mabuwal ako sa aking kinauupan. Bakit ganito? Bakit ang gwapo nya? Perfect. Almost perfect!

"Fine. Alex." Sagot ko ng matauhan ako sa aking pinag-iisip. "Kumakain ka ba? I mean, may nadi-digest ka kayang foods?" Tanong ko din naman agad.


Para akong kumakausap sa hangin, hindi sya sumasagot kung kaya't tumayo ako at hinayaan na sa kanyang ginagawa


Sinisilip-silip ko sya ng bahagya habang ako ay nagluluto ng umagahan. Hindi ko lubis maisip ang mga nangyayari.



-----

"Kain!" Yakag ko sa kanya at agad syang tumungo sa mesa.


Nakangiti syang umupo sa tapat ko.


"Teka." Pigil ko sa kanya sabay tingin. Kinurot ko ang kanyang pisngi. Sheez, ang ganda ng kutis at balat nya.


Napakurap sya. "Aray." Sambit nya kaya agad ko ding binitawan ang kanyang pisngi.


Ngayon lang ako nakaramdaman ng ganito, para bang may nangarerang kabayo mula sa aking dibdib. Sinubukan kong mag inhale at exhale.


"Totoo bang robot ka?" At muli na nga'y nakapagsalita ako. Napalunok ako ng makitang kumunot ang kanyang noo.


"Siguro." Kibit balikat nya sabay kuha sa kutsara ko at kinain ang bacon na niluto ko. "Naka-program ako sa kung anong gusto mo, kung paano ako makikitungo at kung anong gusto mong mangyari." Nguya nya sabay ngiti sa akin.


Napakagat ako sa aking labi. Ano ba itong pinasok ko? Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala.




***

Lumipas ang buong isang araw na pinagmamasdan nya ang mga ginagawa ko sa bahay.


"Pinag-aaralan mo ang kilos ko?" Hindi ko na napigilang itanong sa kanya.


Tumango lamang sya at naupong muli. Pinagmasdan nya ulit ang buong bahay.


"Pinag-aaralan ko para makuha ko lahat." Sagot pa nya. Napangiti naman ako at umupo sa kanyang tabi.


"Bukas, isasama kita sa University." Walang alinlangan kong sambit. Nakita ko ang pagtango nya. "Huwag kang mag-alala. Madami ka pang makikitang tao, kilos at ugali doon." Saad ko pa.

 
Tumayo na ako at tinitigan syang muli. Kahit may halong kaba at pangangarera sa aking dibdib ay ngumiti akong muli sa kanya.


"Goodnight, Alex."




xx Moichdo_san9

My Robot Boyfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon