Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari kahapon. Bukod sa tensyon na nangyari ay may halong awkwardness ang dating sa amin ni Alex.
Alam ko wala lang para sa kanya dahil naka-program sya sa gusto ko kung totoo man iyon.
"Yvonne. Ano ba. Gising na sa katotohanan kung panaginip man ito." Kurot sa aking sarili. Napapikit at kagat ako sa aking labi.
Tumingin ako sa orasan. Weekends ngayon, wala akong pasok. Naaamoy ko na ang niluluto ni Alex na fried rice pero ayaw ko pang lumabas.
Hindi pa ata ako handang harapin nya matapos ang nangyari kahapon. Ako lang ang nakarinig ng sinabi nya, alam ko namang binili ko sya upang magpanggap na boyfriend ko pero bakit hindi ko mapanindigan?
"Tama, iimbestigahan ko sya. Tama si Rose. Dapat may makita ako sa katawan nya na magpapatunay na totoong robot sya." Bulong ko pa sa aking sarili.
Oo, gagawin ko ngayong araw ay ang imbestigahan sya kung tunay syang robot o niloloko lamang nya ako. Para sa gano'n, kung robot man sya ay hindi na magiging awkward ang lahat para sa amin.
Napatigil lang ako sa aking pag-iisip ng marinig ko ang paglalakad nya patungo sa aking pinto, kumatok sya ng tatlong beses at binuksan ng bahagya ang aking kwarto. Nagtalukbong agad ako ng kumot.
"Alam kong gising ka na. Kumain na muna tayo." Sambit nya. Hindi ako umimik. "Favorite mo 'yung niluto ko. Bacon and scrambled egg." Mababaw lang ang kaligayahan ko. Totoong favorite kong breakfast ang dalawang iyon kahit walang fried rice, basta may bacon or egg sa umagahan ko ay masaya na ako.
Unti-unti kong tinanggal ang pagkakatalukbong at nagulat ako ng makita syang nakatingin sa akin at nakatayo na sa gilid ng aking kama.
"Tara na." Yakag nyang muli. Naka-apron sya at suot nya ang binili kong pang bahay na damit para sa kanya. "Masamang lumamig ang pagkain."
"Oo, susunod ako." Ayos ko sa aking buhok. Naka panjama ako at nag-inat.
Tumango naman sya agad at sumunod na din ako sa kanya palabas. Naghilamos ako sandali at nagmumog, tinali ko rin ang aking buhok.
"Wow." Napaawang ang aking bibig ng makitang nakahanda na ang umagahan. "Anong meron?" Tanong ko sa kanya na para bang hinuhuli sya.
Naupo na kami at pinagsandok nya ako.
"Wala, ito naman talaga ang gawain ng mag partner, 'di ba?"
Halos mabilaukan ako sa una kong subo. Sinalinan nya agad ako ng grape juice at pinainom sa akin.
"Ayos ka lang ba?" Tanong nya at nag lean forward sya upang subukang tapikin ang aking likod.
"A--ayos lang ako." Iwas ko sa kanya. No, Yvonne! May mission ka na imbestigahan sya. 'Wag kang kiligin dyan.
"Dahan-dahan kasi. Madami 'yan, hindi naman kita uubusan." He pouted his lips. Halos malusaw ang puso ko! Ano ba, Alex?! Anong ginagawa mo? Nanonood ka ba ng KDrama at may alam ka para magpa-cute?
Ilang minuto pa ng hindi pag-imik ay tumahimik na ang kabayo sa aking dibdib at paru-paro sa aking tyan. Sinimulan ko na muling kumain.
"Gusto mong manood ng sine?" Bukas nya muli ng usapan. "May bagong palabas ngayon. Zombie 'yun, e. Alam ko mahilig ka sa mga gano'ng palabas."
Napataas ang aking kilay. Teka, bakit sya nagyayaya? Anong meron? Tsaka bakit ngayon ko lang ata naramdaman na masyado na kaming close sa isa't-isa?
Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa pagkain.
"Tinanong ko si Rose sa mga paborito mo at ayaw mo. Si Xander kasi parang alam nya lahat tungkol sa'yo" nakita ko ang pagbuntong hininga nya. "dapat nga mas alam ko dahil ako ang boyfriend mo."
WHAT?! ANO?! Wait, ano ulit? Oh my ghad! Anong nakain nya't nagiging ganito sya? Mag-iisang linggo palang pero bakit gan'to sya?
Para na akong malulusaw ng mga oras na iyon. Hindi ko ba alam kung sa hiya o sa kilig. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko.
"Tama naman ako 'di ba?" Tanong nya pa sa akin. "Yvonne, simula ngayon.." napatigil sya ng bahagya sabay tingin sa aking mga mata. "Dapat ako lang, kasi para sa akin. Ikaw lang."
xxMoichido_san9
BINABASA MO ANG
My Robot Boyfriend [COMPLETED]
FantasyTRUE LOVE WAITS. TRUE LOVE NEVER DIES. ©My Robot Boyfriend by Moichido_san9