Palaisipan sa akin ngayon kung saan ko hahanapin ang dapat hanapin. Kanina pa ako nakahiga sa aking kama.
Matapos ko makita ang katawan nya ay nagyaya na akong umuwi at binili ang nga sinukat nya. Napuna din ni Rose na nawala ako sa mood kanina. Masyado akong madaming iniisip.
Wala akong nakitang sign na robot sya. As in, wala! Napabuntong hininga ako. Unti-unti na akong kinakain ng duda.
Paano kung niloloko lang nya ako? Paano kung tunay syang tao? Paano kung totoong fake company ang nagbigay nito sa akin at tangayin lahat ng gamit sa apartment ko?
Nago-overthink lang ba ako o totoo ang lahat ng aking kutob? Hindi ko din alam. Halo-halong emosyon, madaming katanungan at puno ng pagdududa.
"Siguro oras na para konprontahin ko sya." Tumayo na ako at nagtungo sa sala kung saan sa sofa sya natutulog.
Huminga muna ako ng sobrang lalim at kumuha muna ng lakas ng loob bago humarap sa kanya.
Lumingon naman sya dahil narinig nya ang yabag ng aking paglalakad. Ngumiti sya.
"Akala ko matutulog ka na?" Hawak-hawak nya ang damit na aking binili kanina para sa kanya.
"Nauuhaw ako." Nagtungo ako kunwari sa may ref. Humarap din ako agad sa kanya matapos kong uminom.
"Yvonne, salamat nga pala ulit dito, ha?" Ngiti nya kaya para akong natameme. "Ang sarap pala mabuhay sa mundong 'to, lahat ng tao mababait. Lahat dito magaganda." Nakangiti pa din nyang sambit habang pinagmamasdan ang mga damit.
"Robot ka ba talaga?" Biglang lumabas 'yan sa aking bibig. Prangka ako pero ayaw kong makasakit ng damdamin. Meron ba sya no'n? "I mean..." Bawi ko din agad. Tumingin agad sya sa akin.
Tumayo sya at tumalikod. "Ito, ito 'yung patunay. Pwede mo akong i-reset o i-shut down." Turo nya sa may likuran nya. Pinagmasdan ko muna iyon tsaka nagtungo palapit sa kanya.
Nakakita ako ng maliit na button. Sobrang liit nito kung kaya't hindi mo agad makikita 'to kung hindi ka lalapit.
"Alam kong nagdududa ka. Alam ko ding..." Humarap sya sa akin. "Nagsara ang company na gumawa sa akin."
Natigilan ako sa sinabi nya. Gusto ko mang magsalita pero nabalot ako ng awa. Ang mga mata nya na nangungusap, na parang tao, na parang tunay o totoo.
"Pero sana, sana 'wag mo akong iwan." Napatikom lalo ang aking bibig. Hindi ko alam ang sasabihin ko. "Ikaw 'yung unang taong nakilala ko, ikaw lang din ang meron ako."
Nakatingin sya sa aking mga mata. Lunakas ang kabog ng aking dibdib.
"Nagpapasalamat akong sa'yo ako napapunta." Niyakap nya ako bigla kaya lalong nagwala ang kabayo sa aking dibdib. "Kaya sana 'wag mo akong iwan, ha?"
Niyakap ko din sya pabalik at tumango ako ng bahagya.
"Sorry kung nagduda ako." Maikling sambit ko. Naramdaman ko ang paghawi nya sa aking buhok habang yakap ako ng mahigpit.
"Thank you, Yvonne." Halik nya sa tuktok ng aking ulo.
Sinubsob ko lamang ang aking mukha sa kanyang dibdib. Gustuhin ko mang magtanong at mang-usisa pero ayaw kong sirain ang moment na 'to.
xxMoichido_san9
BINABASA MO ANG
My Robot Boyfriend [COMPLETED]
FantasyTRUE LOVE WAITS. TRUE LOVE NEVER DIES. ©My Robot Boyfriend by Moichido_san9