Para akong lalagnatin ng mga oras na ito. Hindi ko alam kung magsasalita ba ako o tatahimik.
"Hi." Lalo atang kumabog ang dibdib ko ng abutan ako ni Xander ng chocolate. Nagkatinginan pa kami ni Rose at sinenyasan akong kuhain ang inaabot sa'kin.
"Thank you." Maikling sagot ko at tuluyan ng pumasok sa loob ng apartment si Xander. Napansin ko ang pagtaas ng kilay ni Alex sabay tingin sa tsokolateng hawak ko.
"Hi. It's been a while." Nakita ko ang pag ngisi ni Xander ng makitang nakatingin sa akin si Alex. Napatikom ang aking mga labi.
Agad akong lumapit kay Alex. "Para ata sa'yo 'to. Pero pahingi ako,ha?" Pag-iiba ko ng usapan upang hindi lumala ang tensyon na namamagitan ng mga oras na iyon. Hindi ko alam ang sasabihin at ipapalusot ko. Alam ko din namang alam ni Alex kung ano ang meron sa amin ni Xander. Panigurado namang naririnig nya ang usapan namin ni Rose.
Kung tutuusin mas matalino pa nga si Alex kesa sa ating normal na tao. Ang bilis nyang makasaulo ng mga bagay-bagay at ang bilis nyang makakuha ng ugali ng isang tao kahit isa syang robot.
"Ayaw ko nyan." Hiklat nya sa chocolate kaya halos mapaawang ang bibig namin. "Masama din 'yan sa'yo. Masyadong matamis." Tago nya nito sa kanyang likuran.
"Mahilig si Yvonne sa matamis." Angil naman ni Xander. Kilalang-kilala talaga ako ni Xander.
Na-estatwa na kaming dalawa ni Rose ng mga oras na iyon.
"Ilang buwan mo ba syang niligawan? Parang hindi kita nakikita sa University." Sabat pa ni Xander at kita ko ang tensyon ng mga oras na iyon.
"Hindi na mahalaga 'yun." Nagulantang ako ng hawakan ni Alex ang aking kamay at halikan ito sa kanilang harapan.
Muling nangarera ang mga kabayo sa aking dibdib at parang may paru-parong naglalaro sa aking tyan. Hindi na bago tuwing magkakadikit ang balat namin ni Alex.
"Ang mahalaga, masaya kami." He winked at me. Nanlaki ang aking mga mata. WTF? Ano 'to? Bakit ganito? Napalunok ako. Pakiramdam ko pulang-pula na ang aking mga pisngi.
Natahimik ang buong paligid at kahit si Xander ay hindi nakapagsalita.
"Okaaaaay. Enough, guys. Kape muna tayo. Chill muna tayo." Sa wakas at binasag ni Rose ang katahimikan. Nakahinga ako ng maluwag at unti-unti kong tinanggal ang aking kamay sa pagkakahawak sa akin ni Alex.
"You're mine. Mine only." Bulong ni Alex sa akin. Doon na ako parang aatakihin. Halos nanigas ako sa aking pwesto at para akong kinakapos sa aking paghinga. Para akong sasabog na hindi ko malaman nang mga oras na iyon.
Muli'y nakita ko ang pagguhit ng ngiti sa kanyang mga labi habang nakatingin sa akin.
Moichido_san9
BINABASA MO ANG
My Robot Boyfriend [COMPLETED]
FantasyTRUE LOVE WAITS. TRUE LOVE NEVER DIES. ©My Robot Boyfriend by Moichido_san9