"Good Morning." Muntik ko ng maibuga ang iniinom kong kape ng tuluyan syang lumabas mula sa kwarto. Nakasuot lamang sya ng damit na suot pa din nya kahapon pero sobrang gwapo pa din nya. Hays. Prince Charming.
"Morning." Kibit balikat ko upang hindi nya ako mahalata.
Gising, Yvonne! Umaga na. Hindi ka pa din ba nakaka-move on sa nangyari kahapon? Alam kong gwapo sya at ideal type of man ko sya pero hindi ka dapat magpadala.
Huminga ako ng malalim saka lumingin sa kanya. Umiinom sya ng gatas habang bukas ang ref.
"Mamaya, bumili tayo ng mga gamit at damit mo." Feeling ko tuloy naglalaro lang ako ng Barbie. Talagang ipapamili ko pa sya ng mga damit at gamit. "Para makagala ka din mamaya." Pagpapatuloy ko pa.
Sinimulan ko ng ubusin ang kinakain ko upang makaabot ako sa unang klase ko. Sumusunod lamang sya sa akin hanggang sa makalabas kami ng apartment.
Nakita ko ang mga tao na pinagtitinginan kami kung kaya't dumistansya ako ng bahagya sa kanya pero tumabi syang muli sa akin.
"Yvonne." Tawag nya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. "Ang bilis mo maglakad. Malayo pa ba?" Angal nya kaya napatigil ako.
"Bilisan mo. Tara na. Walking distance lang naman 'yun." Hila ko sa kanya. Hindi ko na ininda ang mga taong tumitingin. Parang ngayon lang naman sila nakakita ng mag-syota na magkasama sa bahay.
Ilang minuto pa nga ay nakarating kami sa University. Nahirapan akong paki-usapan ang guard na guardian ko sya at kakausapin sya sa office, kaya itinakas ko sya at dalawang beses kong ginawang i-swipe ang aking I.D.
"Yvonne?" Dali-dali akong tumingin. "Yvonne." Ulit nya.
Muling nangarera ang aking dibdib.
"Xander." Ngiti ko ng bahagya at napansin kong napahawak si Alex sa braso ko.
Parang tumigil ang mundo ko. Ito na naman 'yung kaba na naramdaman ko noong una kong nakita si Alex sa aking harapan.
"Late ka na." Narinig kong bulong ni Alex sa akin. Halos kilabutan ang buong katawan ko sa kanyang ginawa kaya natigilan akong muli.
"Sin--" Hindi natapos ang sasabihin ni Xander ang kanyang tanong dahil biglang sumagot si Alex.
"Alex. Alex McPhee. Her boyfriend." Abot nya ng kamay kay Xander.
Nanlaki ang aking mga mata sa nangyayari. Hindi ako makahinga. Sh*t. Ano 'to?
"Xander. Xander Valdez, her suitor." Abot naman nya ng kanyang kamay.
xx Moichido_san9
BINABASA MO ANG
My Robot Boyfriend [COMPLETED]
FantasyTRUE LOVE WAITS. TRUE LOVE NEVER DIES. ©My Robot Boyfriend by Moichido_san9