Chapter 9

6.6K 87 15
                                    

"Eh kung itapon o iligaw ko na lang kaya sya?" Inis kong sambit habang kinu-kwento sa kanya ang nangyari noong isang araw.







Hindi kami nanood ng sine at nagkulong lang ako sa aking kwarto ng araw na iyon, kinabukasan naman ay sumimba ako dahil araw ng Linggo. Tsaka iniwan ko sya sa apartment, kinausap ko din kasi sila Mama at Papa.








"Kung itatapon mo, ako pupulot." Pagbibirong sambit ng aking kaibigan. Tinignan ko sya ng masama at niyakap nya ako ng bahagya.








Naandito kami sa may bench ng University at kakatapos lamang ng aming klase. Wala si Alex na asungot at iniwan ko sya mag-isa sa apartment. Malaki na din ang nagagastos ko sa kanya! Pagkain, damit at binilhan ko sya ng cellphone.









"Hindi na pala ako kinukulit ni Xander." Pag-iiba ko ng usapan.









"Alam ko." Matipid na sagot ni Rose sa akin. Napahinga ako ng malalim. Alam kong nasasaktan din ang kaibigan ko, pero ano ba ang magagawa ko 'di ba? Hindi ko pwedeng ipagpilitan ang wala.








"Anong sabi nya sa'yo?" Pag-usisa ko naman. "Dinamayan mo sa pag-inom nya?" Tanong ko pa na may halong biro. Nagulat ako ng tumango sya.







Wala kaming tinatagong sikreto sa isa't-isa kaya alam ko ang hilatya nya kung nagsasabi ba sya ng totoo o hindi.







"Ano pa nga ba." Kibit balikat nya. "First love ka ng g*go na 'yun, e." Ngumiti sya muli ng pilit.






Hindi ako umimik at naghintay sa sasabihin pa nya.





"Umiyak, nag-inom, umiyak, nag-inom ang peg namin noong weekends." Natatawa pa nyang sambit. "Ewan ko ba, bakit hindi ko sya matiis."





"First love mo kasi." Danggil ko sa balikat nya gamit din ang aking balikat. "First live never dies." Ngiti ko sa kanya.





"It will die soon." Tawa nya at napatawa din naman ako. "Sana nga mamatay na agad kasi ang sakit pala makitang nasasaktan 'yung taong mahal mo pero wala ka magawa."







Natigilan ako sa sinabi nya. Umigting ang guilt na nararamdaman ko. Pwede bang kapag nasaktan si Xander, si Xander na lang? Wala ng Rose? Bakit kailangan kapag nasaktan 'yung isa, masasaktan din ang isa? Bakit gano'n?







"Sorry." Lumabas na lang bigla 'yan sa aking bibig. Natigilan din si Rose. "Sorry kasi pati ikaw nasasaktan sa desisyon ko. Sorry kasi wala talaga akong maramdaman kay Xander." Tingin ko naman agad sa kanya.







Niyakap nya ako bigla kaya nagulat ako't tinapik ko ang kanyang likod. Hindi ako sweet at hindi din ako clingy na kaibigan kaya hindi ko alam ang aking magiging reaksyon.








"Huwag ka nga mag-sorry dyan, wala kang kasalanan." Sambit nya kaya tumango ako. "Mahal kita, Yvonne. Kaya naiintindihan ko lahat. Naiintindihan ko simula noon pa man."








"At sana maintindihan din ni Xander." Kumalas ako sa pagkakayakap at hinawakan ko ang mga kamay ng aking matalik na kaibigan. "Thank you, Rose. Thank you for everything." Ngiti ko.







"Anong ka-dramahan 'yan?" Nagulat ako ng may sumulpot sa aming harapan.








xxMoichido_san9

My Robot Boyfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon