Hindi mawala sa aking isipan ang mga nangyari. Ilang araw na din ang lumipas at sa mga araw na iyon at sinusubukan kong i-access ang website subalit wala na talagang lumalabas.
Napahingang malalim ako ng tignan ko si Alex. Sa loob din ng ilang araw ay medyo nakaka cope up na sya sa mga bagay-bagay.
"Ayos ka lang ba?" Tanong nya at tumingin ako sa kanya upang tumango at ngumiti.
Malakas ang ulan at patuloy na rumaragasa ang tubig sa labas kaya sinuspinde ang aming klase.
"Nagugutom ka na ba?" Tanong pa nya. Sa loob din ng ilang araw na lumipas ay nasasanay ako paunti-unti sa companion nya, kung gaano sya kabait, ka-caring at minsan iniisip ko para ko na syang kapatid.
Nandito 'yung thoughts na paano kung scam ito? Paano kung niloloko lang ako? Paano kung nananaginip lang ako?
"Alex." Sa wakas ay naglakas loob akong magsalita. Kitang-kita mo ang pagguhit ng ngiti sa kanyang mga labi. "May gusto akong sabihin.." Natigilan ako dahil tumunog ang aking cellphone.
Nag-mustra ako ng "saglit lang" sa kanya. Tumango sya at tumayo ako upang pumasok sa loob ng kwarto.
"BFF!" Halos marindi ako sa sigaw na bungad ng aking kaibigan. "On the way ako dyan, may pasalubong ako para sa'yo pati kay Papa Alex." Hagikgik nya.
Tumingin ako sa orasan. Tanghalian na pala at hanggang ngayon ay hindi pa din kami kumakain ni Alex dahil tanghali na kami nagising.
"Malapit na ako! Gutom na din ako. Bye!" Dire-diretso nyang sambit at hindi ako hinayaang magsalita't agad binaba ang tawag.
Sa loob din ng ilang araw ay nakapalagayan nya ng loob si Alex. Araw-araw kasi ay kasama ko sya sa University at pati nga 'yung mga guards ay kinaibigan nya.
Para bang na-hypnotize nya ang mga taong iyon, 'yung tipong favorite na sya at hinahanap-hanap na sya at enjoy na enjoy din syang tumambay sa Library. Well, baliktad kami. Hindi ako pala-aral talaga.
Ilang saglit pa nga ay may nag-door bell na. Naglakad na ako palabas sa aking kwarto at napataas ang kilay ko ng si Alex ang nagbukas ng pinto at sumalubong sa kanya.
"Good Afternoon!" Masiglang sambit ni Rose. "Pupunta dito si Xander mamaya, susunod sya. Kumain na muna tayo. Gutom na gutom na talaga ako." Dire-diretso na naman nyang sambit at inilatag ang mga pagkaing dala nya sa mesa.
Napailing na lamang ako ng makitang magkasundo sila ni Alex. Napangiti naman ako pero biglang nag sink in ang sinabi nya.
"Bakit pupunta si Xander?" Nanlaki ang mga mata ko.
"Actually, hindi ko pa ma-explain sa kanya lahat dahil ayaw mo ipagsabi. Pero syempre, nasasaktan din naman 'yung tao dahil childhood crush ka kaya no'n." Sambit ng aking kaibigan habang kumakain at naupo na ako sa katapat nyang upuan.
"At childhood crush mo din sya." Bulong ko sa aking sarili. Napatingin sa amin si Alex at ngumiti lang ako. "Kain na." Pagsasawalang bahala ko.
Sabihin na nating ako ang gusto ni Xander, si Rose ang may gusto kay Xander. Simula pagkabata magkakasama na kaming tatlo at aaminin ko, kaibigan lang talaga ang turing ko kay Xander.
Hindi ko lubos maisip na hahantong kami sa ganito. Hindi ko din naman sya pinayagang ligawan ako ngunit sya naman itong nangungulit.
Hanggang sa mangyari nga ang lahat ng ito. Wala syang alam sa mga nangyayari, tanging ang best friend kong si Rose lang ang may alam sa lahat.
Tahimik kaming natapos kumain at kaunting tawanan at usapan lang ang nangyari.
"Kailan mo ipagtatapat kay Xander lahat?" Biglang bukas ng usapan ni Rose sa akin. Nakaupo kami sa may kitchen counter at pinagmamasdan ko si Alex ng mga oras na iyon.
"Hindi na nya kailangan malaman." Kibit balikat ko at ininom ang natira kong softdrinks. "Alam mo namang ayaw ko sa kanya at kaibigan lang ang turing ko sa kanya." Dugsong ko pa.
"Pero nasasaktan din 'yung tao. Ten years ka na nyang mahal at nililigawan." She sighed. Nakita ko sa mga mata ng kaibigan ko ang disappointment.
"Nasasaktan ka din na nasasaktan sya?" Balik ko ng tanong sa kanya. "Rose, ilang ulit ko sasabihin sa'yo na hindi dahil gusto mo sya kaya ayaw ko sa kanya. Alam mo naman simula umpisa na ang pangako ko sa sarili ko ay magmamahal lang ako at magbo-boyfriend kapag handa na ako. Kapag nahanap ko na 'yung para sa akin." Paliwanag ko sa kanya.
"Alam ko naman, Yvonne. Tsaka unti-unti ko na din naman tinatanggap na wala na kaming pag-asa ni Xander. Friend zoned." Ngiti nya pero kita ko sa mga mata nya ang lungkot.
"Malay mo kayo pala. Hindi palang ngayon." Ngiti ko sa kanya at nakita ko ang pamumula ng kanyang pisngi. Sinubukan nyang magmahal at mag-boyfriend pero hindi sila tumatagal kasi bukod sa wrong partner ay deep inside alam nya sa sarili nyang sinusubukan nyang kalimutan si Xander sa pamamagitan ng mga naging boyfriend nya pero mas matimbang pa rin talaga ang first love.
"Ten years ko na syang gusto" hinga nyang malalim "Pero ni isang beses hindi ko sya nakitang ngumiti at tumawa tulad ng pinapakita nya sa'yo."
Tumawa ako ng bahagya. Hindi ako sanay makipag-usap ng ganitong kalalim sa kanya.
"I have Alex now, Rose. So, make a move. Malay mo 'yung ngiti na pinapakita nya sa akin e sa'yo na mapunta." I winked at her. "Papanindigan ko ng boyfriend ko si Alex." Dagdag ko pa.
"Seryoso ka na dyan?" Nagbago ang mood at nakita ko na ng unti-unti ang tunay nyang mga ngiti.
Huminga muna ako ng sobrang lalim. "Oo, seryoso na ako. Kung scammer man sila. At least wala silang makukuha sa akin. Kung tao man sya, kunsensya na nya 'yun at noong mga taong kinuhaan ko sa kanya." Tango ko agad sa aking kaibigan. "Isa pa, ginusto ko naman ito. Baka ito 'yung consequence sa mga ginawa ko." I spent five thousand pesos, hanggang limang libo lang naman. Kung totoong close na ang company, hindi na nila para ako singilin pa.
Isa pa, wala man lamang tumawag o nag-abiso kung kukuhain nila si Alex sa akin. Ibig sabihin, wala ng kwenta ang kontrata at malaya na ako sa pwede kong gawin kay Alex. Naiisip ko palang, nae-excite na ako. Ready na ata akong magpanggap syang boyfriend ko.
"Ang gwapo naman ng naging consequence mo." Asar nya kaya napatawa ako.
Nagkatinginan kami ng may kumatok na at nag-door bell.
xxMoichido_san9
BINABASA MO ANG
My Robot Boyfriend [COMPLETED]
FantasyTRUE LOVE WAITS. TRUE LOVE NEVER DIES. ©My Robot Boyfriend by Moichido_san9