Chapter 10

6.3K 99 16
                                    

Napaawang ang aking bibig sa taong biglang sumulpot sa aming harapan.







"Kanina pa kita tinatawagan." Maktol nya kaya agad kong hinalwat ang aking bag upang hanapin ang cellular phone na kanina ay hawak ko lamang.






"At bakit ka nakapasok dito? Inuto mo na naman 'yung mga guards 'no?" Bulyaw ko din naman sa kanya at napahinga ako ng malalim nang makita ang 8 missed calls mula sa aking cellphone.






"Hindi ka sumasagot." Matipid nyang sambit at tsaka inabutan si Rose ng chocolate na hawak nya. "Ang sabi, kapag daw malungkot ka, kumain ka lang mga matatamis sasaya ka." Ngiti nya rito.






"Saan mo naman natutunan 'yan?" Kuha naman agad ng aking kaibigan at natatawang bigkas nya sa lalaking nasa kanyang harapan.






"Nabasa ko sa isang website." Kibit balikat ni Alex. Napangiti ako ng mga oras na iyon. Malapit na talaga sila sa isa't-isa.





Nakakatuwa lang isipin na mas daig pa ng robot na tulad nya ang totoong tao. Parang mas may puso pa sya at mas nakakaintindi kumpara sa atin.






"Thank you, Alex." Ngiting muli ni Rose. Lalo akong naginahawahan sa aking paligid. Gusto kong masaya ang mga taong nasa paligid ko, lalong lalo na ang matalik kong kaibigan.






"No worries, Rose." Ngiti din nya rito sabay baling ng atensyon nya sa akin.






"Mall?" Maikling tanong ko. Parehas silang galak na tumango. Napatawa ako ng mahina.






Magkasundo silang dalawa at 'yung awkwardness na naramdaman ko ay unti-unting nawala ng mga oras na iyon.





***






Kakatapos lang namin kumain at naisipan naming mamili ng mga damit. Sa totoo lang, ito ang buhay estudyante. Kung hindi bumili ay magsukat ng mga damit.







"Subukan mo 'to, Alex. Bagay 'to sa'yo." Abot ni Rose sa kanya ng isang polo shirt na kulay abo. Pumipili lang ako ng mga dress. Tutal last year naman na namin ito dahil Grade 12 na kami ay may gaganapin kaming graduation ball.







"Bagay ba, Yvonne?" Pagkumpirma ni Alex sa akin. Tumango ako at ngumiti. "Sigurado ka? Gusto mo 'yung mga ganito?" Pangungulit pa nya.







"Kahit ano naman bagay sa'yo." Halos tapikin ko ang sarili kong bibig sa aking nasabi.







Hoy, Yvonne! Nahihibang ka na ba? Ano bang pinagsasabi mo? Doon ko nasilayan muli ang ngiti sa kanyang mga labi. Ito na naman ang kabayo at paru-paro.








Nagtungo sya agad sa fitting room. Tinanaw ko lamang sya at doon ko naisip ang plano ko.








"Teka, Rose." Paalam ko sa aking kaibigan. Nagtungo din ako agad sa pinaroroonan ni Alex. Pinagmamasdan sya ng sales lady kaya natanaw ko agad kung nasaan sya.







Nakita ko na ang pagkuha nya sa number sabay pasok sa fitting room. Napakagat ako ng labi. Itutuloy ko ba? Paano kung makita din ng ibang tao?







"Miss, doon 'yung sa pang-babae." Kulbit ng isang matandang lalaki sa akin.







"Boyfriend ko po 'yung nasa loob, aabot ko lang po 'to." Buti at nakakuha ako ng t-shirt bago ako magtungo dito.







Tumango sya at agad kinatok ang pinto.








"Sandali." Sabi naman ni Alex sa loob at doon ay lumabas sya ng naka top less. "Pati ito?" Tanong nya sa akin sabay kuha sa damit na inabot ko.






"O--oo." Nauutal kong sagot at doon napukaw ng aking paningin ang buong katawan nya.









xxMoichido_san9

My Robot Boyfriend [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon