NOTE : Still editing this story. Baka medyo maguluhan kayo. Medyo madami akong binago sa words and takbo ng story but same plot lang, so don't worry. Thank you for understanding! ♥️
**
"Yvonne!" Tumigil lang ang tensyon ng mga oras na iyon noong humahangos ng takbo si Rose papunta sa aming kinaroroonan. "Xander." Ngiti pa nya ng makalapit.
Napaawang naman ang kanyang bibig ng makita ang kasama ko. Ngumiti ako kahit pilit noong mga oras na iyon. Nandito pa din ang kaba at pangamba.
"Sorry, we're late. Mamaya na tayo mag-usap." Saad ko kay Xander kaya tumango lamang sya. Hinigit ko si Rose at agad syang binulungan. "Mamaya ako mage-explain."
"Aba dapat lang." She murmured. I rolled my eyes. Tumingin ako kay Alex na patuloy pa din ang pagsunod sa akin.
"Alex. Late na kami, hintayin mo na lang ako sa Library,okay?" Nagtatakbo na kami patungo sa Second floor kung saan ang room ng first subject namin.
Hindi ko na nalingon pa si Alex sapagkat kasabay namin halos pumasok ang Professor.
"Sino sya? Bakit sya nakapasok? Tsaka---" Hindi ko pinatapos si Rose at tumingin ng masama sa kanya. " Okay. Okay. Later." She zipped her mouth.
Makalipas lang ang isang oras ay lumabas na kami at nagtungo sa Library kung saan ko pinapunta si Alex.
Napapukpok ako sa aking ulo. Teka, alam ba nya ang Library? Alam ba nya kung saan iyon? Ano ka ba, Yvonne! Ano bang pinaiiral mo?
"So tell me. I-kwento mo na." Pangungulit ni Rose pero bago pa bumukas ang aking bibig upang magsalita ay natanaw ko na si Alex na humahangos ng takbo galing sya sa Library at palapit sa amin habang kumakaway.
"Alex." Namutawi sa aking mga labi ang ngiti at sinalubong sya. Nakalimutan ko na kasama ko nga pala si Rose at nagpapadyak syang sumunod sa akin.
"Yvonne, ano ba." Maktol na ng aking kaibigan kaya napatawa ako. "Sino ba kasi sya?" Tingin pa nya kay Alex.
"I'm Alex. Alex McPhee." Abot nya ng kamay rito. Napatingin agad si Rose sa akin at tumango ako. Sensyales na makipag shake hands sya.
"Rose Arellano." Pakilala nya at malamig nyang pakikitungo rito. "So, tell me. Pinsan ka ba nya?" Tanong pa nya kay Alex.
"Rose.." Huminga ako ng malalim bago ako muling nagsalita. "Naalala mo 'yung website?"
Naupo muna kami sa bench, sa dulo ng University kung saan wala gaanong tao.
Tumango sya agad at napataas ang kilay. "Nagsara na 'yung company last week pa."
"Huh?" Gulat na gulat kong tanong. "Anong--" Tumingin ako kay Alex na parang walang alam sa aming pinag-uusapan dahil busy syang tumingin sa buong paligid.
"May nag-report daw kasi tsaka ang sabi fake daw 'yung company." Explain pa ni Rose. "Anong meron doon?"
"Uh.. Yvonne, pwede ba muna akong lumibot saglit?" Pasintabi nya sa amin. Tumango lang ako at nag-focus kay Rose.
Nang makaalis si Alex ay agad akong napakagat ng aking labi.
"Rose. Si Alex. Si Alex kasi 'yung in-order ko noong isang araw sa website." I uttered.
"Huh? Ano?" Halos mapasigaw sya sa kanyang narinig. Tumango ako at nagkatinginan kaming dalawa.
"Teka." Sinubukan kong buksan ang aking cellular phone upang ipakita ang website subalit hindi ko na mabuksan ang nasabing website.
"Yvonne.." Napatingin sya sa akin. Sa tingin palang nya, alam na naming dalawa ang nangyayari. "Paano nangyari 'yun?" Tanong pa nya.
"Hi--hindi ko alam." Muli akong kinabahan at hinanap ng aking mata si Alex. Naroon sya sa may Garden at lumilibot-libot.
Sinimulan kong i-kwento lahat kay Rose, simula umpisa.
"Paanong nangyaring naibigay sa'yo si Alex? Tsaka totoo bang robot sya? Nakita mo na ba ang buong katawan nya?" Pagtatakang tanong pa din ni Rose dahil pati sya ay hindi din makapaniwala sa nangyayari.
"Hindi ko alam, Rose. Hindi ko pa nakikita. Ewan ko. Ang gulo." Kaba pa din ang aking nararamdaman ng mga sandaling iyon.
"Ano ng plano mo?" Tanong nya.
Ano na nga ba ang plano ko matapos kong malaman lahat at masabi sa best friend ko ang buong kwento? Hindi ko din alam ang sagot sa tanong ko at tanong nya.
Pati ako ay hindi makapaniwala sa nangyayari at aking naririnig.
xxMoichido_san9
BINABASA MO ANG
My Robot Boyfriend [COMPLETED]
FantasyTRUE LOVE WAITS. TRUE LOVE NEVER DIES. ©My Robot Boyfriend by Moichido_san9