Nanlaki ang aking mga mata. Parang nawala 'yung antok ko at halos hindi na ako makakurap.
"Ma'am ito na 'yung order nyo. Paki-pirma na din po nitong kontrata." Abot sa akin noong lalaki na may kasamang robot. "Hindi din po nakabalot kasi hindi kayo nagbayad ng fee para doon."
"Ha?" Tanging nasambit ko lang ng mga oras na iyon. Para akong nananaginip. Teka, nasa panaginip pa din ba ako? Tumingin ako sa orasan at ganoon pa din ang oras. Sinubukan ko munang huminga ng malalim.
"Ms. Yvonne Amante. Paki-sign po ito, Ma'am." Inabutan nya ako ng isang ballpen at mga papeles.
"Teka. Ano.." Nauutal kong sambit. Hindi ako nananaginip? Totoo talaga ito? Tinignan ko pa at sinilip ko ang kasama nya.
"Ma'am, nagmamadali ho ako. Paki-pirmahan na po ito." Ulit nya kaya tumango ako at agad itong pinirmahan. Adrenaline rush? Ano bang tawag sa ginawa ko? Pumiram nga agad ako at walang basa-basa ng kontrata?
"Ma'am, paki handle with care po. Bale, may warranty naman 'yan, pakibasang mabuti din po ang kontrata. Kung may tanong po kayo, may number naman dyan sa kontrata." Saad pa nya sabay tapik sa balikat noong lalaking nasa tabi nya.
"Teka. Robot ba talaga 'to?" Nabigkas ko bigla. Natawa naman agad 'yung lalaki.
"Ma'am legit po kami, kaya nga po may kontrata. Hindi naman kayo kakagatin nyan." Kibit balikat nya sabay alis.
Naiwan akong nakatayo at hawak ang kontrata. Nakatingin lang sa akin 'yung lalaki, este robot? Hindi ko alam! Basta mukha syang normal na tao. Ultimo tayo, ngiti at mukha nya kuhang-kuha ang pagiging tao.
Pumasok na ako kasama ang order ko. Napalunok akong muli ng tila baga'y ako'y hinihintay nya.
"Hi." Awkward kong sabi.
Ngumiti lang sya at umupo sa sofa.
"So..." Kagat ko sa aking labi. Hindi ko alam ang aking sasabihin. May kaba na naman na namumutawi sa aking dibdib.
Hindi rin sya nagsasalita kaya binaling ko ang atensyon ko sa hawak kong papel o kontrata nga sabi ni Kuya na nag-deliver.
RULES and REGULATIONS (www.MyRobotBoyfriend.com)
1. Magbayad ng maaga kung hindi ay kukuhain ang Robot at hindi na muli pang makikita.
2. Mahalin siya tulad ng isang tao,pakainin , lambingin, pasayahin.
3. Patulugin ng maaga at huwag papagudin.
4. Walang mamamagitang relasyon,BAWAL MA- IN LOVE.
5. Kapag sinabihan ng "Ayaw ko na sa iyo." o "Galit ako sa iyo." unti-unti siyang manghihina at mamamatay.
6. Pagkatapos ng 6 months ibabalik siya sa amin. End of contract.
7. Kung ayaw mo na sa kanya tawagan lang kami.
8. Bawal ng mag-order muli kapag natapos na ang kontrata.
9. Kapag natapos ang kontrata,hindi na siya muli pang makikita.
10. May isang paraan lang upang maging tao siyang tuluyan.
---- END ---
"Okay? Bakit ganito ang rules? Bakit parang sinabi lang kung paano gagawin sa kanya at may pahabol pang number 10." Irap ko pero ang totoo napukaw ng Rule No. 10 ang atensyon ko.
Totoo? May paraan? Robot na magiging tao? Sinong niloko nila? Utot nila.
Napalingon ako sa robot na order ko. Sige nga, kung totoo ang lahat ng ito pangangatawanan ko na. Sige na, maniniwala na lang ako muna sa ngayon. Tutal magbabayad ako buwan-buwan ng 5,000.
"So, anong pangalan mo?" Nagulat sya ng umupo ako sa tabi niya.
"Ako? Hindi ko alam." He shrugged his shoulders. Lalo ata akong kinabahan, medyo awkward pero ang gwapo nya. Nasunod talaga ang ideal man ko lalo na sa physical.
"Alex. Alex McPhee." Lumabas na lang 'yan bigla sa aking bibig. Ideal name, lahat ng ito. Para akong nananaginip, lahat ng gusto kong gawin naiisip ko na.
"Ikaw, anong pangalan mo?" Baling nya sa akin. Binuksan ko ang t.v at tinignan sya.
"I'm Yvonne. Yvonne Amante." Pakilala kong nakangiti sabay abot ng aking kanang kamay.
Nakipag-shake hands din sya kaya't napangiti ako. Bumilis ang tibok ng puso ko. Kanina awkward pero bakit ngayon, may halong kilig?
"Alex. Alex McPhee." Ngiti nya sabay tingin din sa akin.
Ngayon ko lang naramdaman 'yung ganito. Bago pa humaba ang usapan ay tinanggal ko ang aking kamay sa pagkakahawak sa kanya.
Tumayo ako at kumuha ng juice sa ref upang bigyan sya pero habang pinagmamasdan ko sya mula sa kusina ay napapaisip pa din akong hindi kaya tao siya? Kunwaring robot lang kaya siya? para kumita sila? Hindi ko din naman kasi maiwasang magduda.
Para talaga siyang tao! Mahirap paniwalaan ang ganitong bagay. Lalo pa sa panahon ngayon na madaming scammers at manloloko.
Isinawalang bahala ko iyon. Tama, Yvonne. Just go with the flow. Sakyan mo at paninidigan mo ang pinag-gagawa mo sa buhay mo.
---
xxMoichido_san9
BINABASA MO ANG
My Robot Boyfriend [COMPLETED]
FantasyTRUE LOVE WAITS. TRUE LOVE NEVER DIES. ©My Robot Boyfriend by Moichido_san9