Chapter 1- Beginning

976 20 4
  • Dedicated kay Beb Ko :)
                                    

 Prologue

‘If I reached out to you, would you be there?

Or if I didn’t, would you reached out for me instead?’

Parte ng pagmamahal ang masaktan. Kapag nagmahal ka, may possibility na masaktan ka.

Walang nagmahal na hindi nasaktan..

Kaibigan, salitang alam na alam ng bawat isa satin, salitang napakahalaga.Bagay na parte na ng sistema ng bawat tao. Mapa bata, binata, dalaga at matanda.

Paano kung ang matalik mong kaibigan ang maging dahilan kung bakit nasasaktan ka at nagdudusa?

Paano kung ang matalik mong kaibigan mo ang dahilan kung bakit di mo makuha-kuha ang taong mahal na mahal mo?

Paano kung ang mahal mo ay mahal din ang "Bestfriend" mo?

Paglalaban mo ba sya hanggang huli? 

o... 

Pipiliin mong masaktan, lumigaya lang ang babaeng 'pinakamamahal' mo? Sa piling ng pinaka pinagtitiwalan mong tao?

Alin ang mas matimbang?

Pagkakaibigan na matagal na panahon mong pinahalagahan?

o...

Pag-ibig na ngayon mo lang naramdaman?

***

 Chapter 1

Kiel's POV

~ Kriiiing ~

'Kablaag~!’

"Potek naman, sarap pa ng tulog ko eh." sabi ko habang nag-iinat inat pa. 

"Tsk. Manang!!!" saan na ba yung katulong na yun? Buti nga sa alarm clock na yan, istorbo sa pagtulog eh.Sino ba nag-imbento nyan? Sarap ibalibag.

"Bakit po Master?" sagot nung katulong na mukhang hinihignal pa.

"Hoy! Linisin mo 'yang kalat dyan. Sabihin mo na din kay Guellier na bumili ng bago. Bilisan mo! Bagal bagal neto!" Utos ko dun sa katulong namin. Makaligo na nga.

Pagkabihis ko, bumaba na ako.

"Gising kana pala Baby," si Mama talaga, masyado naman akong bini-baby.  

"Anung baby? Dina ko baby Ma!" inis na sagot ko sakanya.

"Ikaw talaga baby, ok lang yan. Haha, tara na't kumain may pasok ka pa diba?" masiglang sagot nya naman sakin.

"Di ako papasok." Tipid na sagot ko, with my usual expression. ‘Bored’

"Baby, anong di ka papasok. First day of school eh."

"Oo na, tigilan mo ako sa baby na yan"

"Ang cute talaga ng baby ko"

"Sabi ng--"

"Haha. Sorry anak, oh sya, Alis na ko, may meeting ako ngayong 7AM eh." as usual..

"Aga naman. Geh ingat nalang po." 

"Bye anak, kumain ka ah, at pumasok ka."

"Oo na nga sabi eh." Aish! Ang kulit ni Mama

 "Ok. Yung allowance mo pala kunin mo nalang dun kay Guellier, sabihin mo lang kung kulang at dadagdagan ko."

"Ok." kiniss nya ko sa cheek at yun umalis na nga si Mama, makaalis na nga din.

TriangGULONG Pag-ibig (On-Going &Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon