Chapter 32- Litsi!

98 3 0
                                    

Ross' POV.

Andito kami ngayon sa lugar kung saan ako magtatapat kay Ezra. Mahaba din ang oras ng byahe naming kaya nakatulog sya, bago ko sya ginising ay pinagmasdan ko muna ang mukha nya. Napakaganda nya. Hindi siya yung tipo ng babaeng mapapatingin ka kapag dumaan sya pero sya yung babaeng, gugustuhin mong titigan ng pangmatagalan. Ang mga mata nya ang pinaka maganda sakanya, lalo na pag ngumingiti sya, naalala ko tuloy ang sinabi ni Will sakin noong huli kaming magkita, sana ay mali lang akala ko, sana’y ang tinutukoy nya ay hindi si ang babaeng nasa harap ko ngayon. Sana’y mali lang talaga ang pagkaintindi ko. Sana..

“Mm..Ross? Bakit mo ko tinititigan? Naku, baka naman, tulo laway ako, sorry ah, nakatulog ako, asan na ba tayo?” sunod sunod na tanong nya.

“Ahh. Andito na tayo, gigisingin sana kita kaso, nagising ka na, tara?” sagot ko nalang, saka ako bumaba para pagbuksan sya.

“Salamat.” Anas nya ng pagbaba nya ng kotse.

“Uh.. asan tayo? Nasa Pilipinas pa ba tayo?” tanong nya ulit.

“Oo naman, andito tayo sa Resr House naming, nasa Tagaytay tayo to be exact”

“Tagaytay?” manghang tanong nya.

“Oo, pasensya kana, hindi ko sinabi kong saan tayo pupunta, sana hindi ka magalit sakin.” Paliwanag ko.

“Ano ka ba, hindi ako galit nuh, ang ganda kaya rito, ang yaman nyo ah, may sarili kayong rest house.” Manghang saad nya

“Hindi naman, hahaha, mas mayaman sila Pards, sa kanila halos lahat ng resort dito sa Tagaytay.”

“Talaga? Yaan mo sya. Hahaha”

“Hahaha. Ikaw talaga. Tara sa loob, mamaya punta tayo sa favorite place ko rito.”

“Sige” sagot nya, saka kami pumasok sa bahay, sinalubong kami ni Manang Loring, ang katiwala naming dito. Hindi pa naman sya gaanong matanda.

“Maligayang pagdating Senyorito” magalang na bati nya samin.

“Manang naman, wag na pong Senyorito, Ross nalang, haha. Ah sya po pala, sya si Ezra, Ezra sya si Manang Loring, katiwala naming rito sa bahay,”

“Magandang umaga ho” bati ni Ezra.

“Ganun din saiyo Senyorita,”

“Ay, Ezra nalang ho, nakakahiya naman hehe.”

Ngumiti si Manang kay Ezra. Kaya naman ganun din si Ezra.

“Napaka ganda naman ng iyong nobya Ross, binata kana talaga” nakangiting anas ni Manang, kaya naman tumingin agad ako kay Ezra na bahagyang yumuko

“A-ah, salamat Manang sa papuri, hehe pero hindi ho ako nobya ni Ross,” nahihiyang anas nya.

“Ay? Hindi ba? Naku paumanhin Ija, akala ko’y nobya ka niya.”

“Hindi pa po Manang, hindi ko pa sya nobya, pero kung gusto nya akong maging nobyo, labis ko iyong ikagagalak” yun lang ang sagot ko at batid kong nagulat si Ezra, nginitian ko lang sya.

“Aba’y mainam yan hijo, bagay na bagay kayo. Matutuwa ako kung sa susunod na pagpunta nyo rito ay mag-asawa na kayo,”

“Ha-ha-ha, p-parang gusto ko ata ng tubig, hehehehe, pwedeng makinom?” yan ang nagging reaksyon ni Ezra sa sinabi ko at sa sinabi ni Manang.

“Halika, tamang tama lang ang dating nyo, handa na ang tanghalian, kumain na kayo, at ng makapag pahinga muna.”

“Halika ka na, Ezra” yaya ko sa kanya, parang di pa sya nakakabalik sa wisyo.

Kiel’s POV.

Bwisit! Kamuntik ko ng hindi maabutan yung dalawang feeling lovebirds na yun. Kala nila ah. Tss, talagang lumayo pa sila sa Manila, para lang mag date. Mga bwisit na yun. Letse. Ayos din tong si Bespren eh, sa tagaytay pa ny naisip i-date si Abno, tss. Yung abnormal na babaeng yun naman, gustong gusto, sarap dagukan sa tonsil Urgh!

Tanaw na tanaw ko yung kotse ni Bespren , at talagang pinagbuksan pa nya yung abnormal na babaeng yun, tch! At ang nakakabanas pa ay, natagalan sila bago lumabas, ano kayang ginawa ng dalawang yun? Pero knowing Ross? Hindi naman nya gagawin yun, dahil masyado yung gentleman, baka ng yung babaeng yun pa ang mag bigay ng motibo sa bespren ko, at ang mas nakakainis, bakit ko ba sila sinusundan? Saka bakit ba ako nagri-react ng ganto? Letse! Peste! Banas!

Nakaka-asar talaga, di ko mapigilan ang sarili ko. Yung Doktor na yun, sya ang may kasalanan nito dahil sa mga sinabi nya noon, mas lalo akong naguluhan, letse! Pakengteyp. At lalong mas kasalanan to ng Abnong yun, kung hindi sana yun sumama kay bespren edi sana di ko sila sinundan. Tama naman ako diba? Diba?
 
Hirap naman! Makapunta na nga muna sa Rest house namin, may bahay din kase kami dito, at magkatabi lang ang bahay nila Ross, at ang samin. Sa ngayon, kakain muna ako dahil gutom na gutom na ako.

“Oh, Ezekiel! Biglaan yata ang pag bisita mo?” salubong sakin ni Auntie Sonia, sila kase ang namamahala ng bahay naming ditto at ng mga Resorts na pag-aari ng mga Isaac, kapatid sya ni Mama.

Humalik muna ako sa pisngi nya. “Wala lang, namiss ko lang tong bahay.” Walang ganang sagot ko.

Tiningnan nya lang ako ng masama. “Knowing you? Hahaha, anong atin at napasugod ka?”

“W-wala nga Auntie, teka, bago mo ako tadtarin ng tanong at intriga, baka naman po, gusto mo akong alukin ng makakain dyan? Kase po, kung di nyo naitatanong, eh gutom na ako” sarkastikong sagot ko, wag na kayong magtaka, sanay na yang si Auntie sakin, alam nya na ganto ako kabastos magsalita, at tanggap nya yun, haha. Pwera lang dun sa isa ko pang tiyahin yung panganay na kapatid nila Mama, dun ako tiklop. Si Auntie Serena. Buti nalang talaga nasa US yun.

“Ay pasensya na mahal kong pamangkin ah, buti sana kong alam kong darating ka diba? Di sana nakapag pa-cater ang Auntie mo diba?” sarkastikong sagot din nya. Minsan talaga, nagtataka ako, parang sya ang nanay ko eh, pareho kase kami ng ugali nito. Kita nyo naman kung paano akmi magsagutan.

“Tss. Daming sinasabi, ano bang pagkain nyo dito?” saka ako dumeretso sa kusina namin.

“Mamili kana lang dyan, baka gusto mong ipaghain pa kita? Aba, abuso ka na nyan inabala mo na nga ako sa ginagawa ko, tapos pagsisilbihan pa kita?”

“May sinabi ba ako Auntie?”

“Wala. Oh sya, ikaw na bahala riyan, maghugas ka din ng pinagkainan mo at wala ang mga katulong dito.”

“Bakit ako maghuhugas? Ayoko nga, itatapon ko na lang to. Saka, bat walang katulong? Mahirap na ang mga Isaac at ni isang kayulong wala na kayo?”

Tiningnan lang ako ng masama ni Auntie.

“Tsk. Tsk. Tsk, wala ka pa din pinagbago Ezekiel, well, gumwapo ka naman ng konte, bukod dun ay wala na. Kaya walang katulong ay dahil, LINGGO ngayon, at ngayon sana ang dayoff nila? Pwede naman yun diba?” sagot nya ulit.

“Hay. Yan ang namiss ko sayo Auntie. Oh sya, pumanhik kana run. Humahaba na masyado ang exposure mo sa kwentong to.”

‘Whatever you say Ezekiel.”

Napailing na lang ako. Hindi na din ako gumamit ng plato dahil ayokong maghugas, kumuha nalang ako ng bottled juice at cake. Well, platito lang ang ginamit ko at tinidor, itataon ko nalang to, maliit lang naman. Dina yun makakahalata.

Saan kaya ang sunod na punta nung dalawa? Hay. Mabuti pa bilisan kong kumain, para abangan ulit sila sa kotse.

 Para kong tanga sa ginagawa ko eh. Next time talaga, di ko na papayagan yung Abnong yun.Letse!

♥♥♥

A/N: Hello sainyo! Maraming salamat sa mga bumabasa nito. Mahal ko kayong lahat. Leave your comments po ah. Kailangan ko din kase yan eh. Salamat. Natagalan akong mag-UD gawa ng OJT. Hehehe. Keep on reading guys! ♥

TriangGULONG Pag-ibig (On-Going &Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon