Chapter 5- Ikaw?

164 7 0
  • Dedicated kay Lea Francia
                                    

Erza's POV.

Ngayong araw na pala ako papasok dun sa mga Griffin. Actually, nakausap ko na yung Tay Guellier ni Pawlita. Griffin, sounds familiar eh. San ko nga narinig yun?

Ubos na pala yung nakupit ko kay Mama, ikaw ba naman isang buwan kakatago dun sa baliw kong nanay eh. Wala naman akong pwedeng puntahan sa mga friends ko. Kase kilala silang lahat ni Mama. Lalo na kung dun kila Pawlita. So ayun, palipat lipat ako ng hotel. 

Dina din pala ako pumapasok dun sa dati kong school, baka malita pa ko ng mga amoy lupang yun.

Ahh mabuti nalang ngayon na ko magsisimulang mangatulong. Kaya ko kaya? Syempre kaya ko, kaya ko ngang mambugbog ng sanggano eh, pati yung mga amoy lupang alagad ng baliw kong nanay.

*Erzang maganda, may tawag ka.* (Phone ko yan)

"Hello"

(Miss Ezra Gonzales?) si mang Guellier pala.

"Ah ako po nga po"

(Pumunta na daw po kayo dito sa Mansion, hinihintay po kayo ni Madam.)

"Sige po. papunta na po ako, may address na din po ako ng Mansion, sige po, bye"

Pupunta na ko..

****

Kiel's POV. 

Kriiiiiing~ Boghs! (Kawawang alarm clock)

"Ano ba yan.! Manang!!!"

A/N : Ganyan po talaga si Kiel, ritual na po nya tuwing umaga ang mambasag ng alarm at magsisisgaw ng MANANG.Hayaan na po natin sya.

"Master---"

"Oh bakit ikaw ulit Mang Guellier, asan yung bago kong maid?" kala ko ba ngayon ang punta nung bagong katulong?

"Kinakausap pa ng Madam, pinapasabi din po nya na, bumaba na daw po kayo at mag almusal"

"Bababa na ako."

 Pagbaba ko, sinalubong ako ni Mang Guellier.

"Asan si Mama?" tanong ko agad.

"Umalis na po Master, pinagbilin nya po na kumain daw po kayo ng almusal bago umalis,"

"Kala ko sabay kaming mag-aalmusal?" 

Ganyan nalang lagi si Mama, sanay na din akong mag-isa sa mesa tuwing kumakain,simula ng iwan kami ng magaling kong Ama,di ko na nakasabay si Mamang kumain.Busy kasi sya masyado sa mga negosyo ng Papa nya, sya ang namamahala ng halos lahat ng negosyo ng mga Isaac. Isaac ang apelyido ni Mama nung dalaga pa sya, at mayaman din sila, tulad ng Griffin.At dahil laging busy si Mama, nagawang mambabae ng magaling kong Ama. Wala syang kwenta. Sa pagkakaalam ko 5 taon palang ako ng iwan kami ng lalaking yun, galit ako sa kanya, bumalik sya samin isang araw at pinakilala yung anak nya sa labas. Si Ate Liberty. Oo, matanda sya sakin ng 2 taon, so ibig sabihin matagal ng niloloko ng lalaking yun si Mama.

*Flashback*

"Charina, patawarin mo ko" 

Naririnig ko si Papa mula sa kwarto ko, nag-uusap sila ni Mama, Bata pa ako noon pero alam kong may problema sila ni Papa, naririnig ko ang pag-hikbi ni Mama, gusto kong lumabas ng kwarto para mas marinig ko ang usapan nila.Pero sigurado akong papaakyatin lang ulit ako ni Mama.

"Zander.. bakit mo nagawa to samin ng anak mo? Alam kong marami akong pagkukulang sainyo ni Kiel, pero sinusubukan ko namang hanapan kayo ng oras para makasama.Bakit Zander? Hidi mo na ba kami mahal ni Kiel, sabihin mo lang Zander, magri-resign ako sa trabaho ko para hindi mo na kami iwan.."

Naaawa na ko kay Mama..

"Charina, kailan man di ko inisip na may pagkukulang ka samin ni Kiel,ako ang may problema, hindi ikaw."

"Anong problema? Hindi ka naman hahanap ng iba kung mahal mo kami diba?"

"Mahal ko kayo ni Kiel at mahal din kita, pero--"

"Pero ano Zander? Ipaliwanag mo, k-kase di ko maintindihan"

Mas lalo pang lumakas ang iyak ni Mama.

"Ayokong mag sinungaling pa Charina, alam mong mahal kita pero mas mahal ko sya.."

Sinong sya? May babae si Papa?

"S-si Natalie pa rin ba hanggang ngayon Zander? Sya ba ang babae mo?" mahinahon ang boses ni Mama ng sinasabi nya yun.

"Oo Charina, alam mo yan. Patawarin mo ako Charina, pero di ko magawang kalimutan si Natalie, nung pumunta ako sa Japan,dalawang buwan na ang nakakalipas, nagkita kami, at dun ko naramdaman na mahal ko pa din sya, at nalaman kong hiwalay na sya sa asawa nya, ilang beses din kaming nagkita noon. Mahal ko sya Charina, at may nalaman din ako mula sakanya"

"A-ano yun?" parang nanginginig ang boses ni Mama.

"Bago tayo ikasal, may nangyari samin..."

"M-may anak kayo? Ganun ba ha Zander?"

"Hindi ko alam na may nabuo nung gabing yun,dahil mula nun hindi ko na sya ulit nakita.. Oo, may anak kami.."

"Di ako makapaniwala.. Ha-ha" Alam kong pilit lang ang tawa ni Mama nun.

"Patawarin mo ako Charina.."

"Anu pa nga ba ang inaasahan ko, ang tanga ko din kase, alam kong may mahal kang iba pero pumayag pa din akong pakasal sayo, pero di ko inasahan na sasaktan mo ko ng ganito Zander. All this time pala, umaasa ako na buong buo na ang pagmamahal mo sakin at nakalimutan mo na sya, pero nagkamali pala ako Zander. Nagkamali ako...."

Nung mga oras na naririnig ko kong gaano nasasaktan si Mama, dun din nagsimula na magalit ako kay Papa. At alam kong di ko sya mapapatawad. Sobrang bait ni Mama, pero nagawa pa din nyang lokohin si Mama.

"Pero kahit ganun, naiintindihan pa din kita, kase, si Natalie naman talaga ang nauna sa puso mo, at ako? Diba pinagpilitan lang naman tayo ng mga magulang natin na magpakasal para sa negosyo.At alam ko din na hindi ko sya mapapalitan sa puso mo...pero alam mo ding sinubukan ko.."

"Charina.."

"Sige na, alam kong di ko na magagawang baguhin ang desisyon mo, dahil alam kong pag pinilit kita, ako rin lang naman ang masasaktan..ako na ang bahala kay Kiel na magpaliwanag.."

Mama, bakit ganyan ka? Paano naman tayo?

"Salamat Charina.. salamat."

Pero mas nabigla ako sa sunod na sinabi ni Mama.

"Dalhin mo dito ang anak nyo ni Natalie, gusto ko syang makita, wag kang mag-alala hindi ko sya sasaktan.."

"Napakabuti mo Charina, oo dadalhin ko sya bukas dito."

"Para naman, makilala sya ni Kiel."

*End of Flashback*

Ayan tuloy, nag-drama na ako.

"Ah Mang Guellier, asan yung maid ko? May iuutos ako."

"Sige po Master, tatawagin ko na po."

"Ahh Master, may ipag uutos daw po kayo?"

Lumingon ako at nagulat talaga ko nang malaman kong sino ang bagong maid ko.

"IKAW???" 

What is she doing here?

♥♥♥

Sana nagustuhan nyo. Sensya na, di ako marunong masyadong magdrama eh.*O* Yung karugtong nung flashback ni Kiel, sa mga susunod na Chapters ko na po yun ilalagay :))

Yung next Chapter ko po ay dedicated sa isa kong kaibigan na adik din sa Wattpad.Jinky (Madam) This one is for you!

Thank you for reading!

TriangGULONG Pag-ibig (On-Going &Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon