Chapter 21- Welcome to the team...

154 9 8
                                    

Ezra's POV.

Pinakilala kami ni Trix sa Team nya. Karamihan sa kanila ay mababait naman. Pero may isang parang ayaw samin o sakin? Kase halos tunawin na ako sa titig eh.

"Okey Team, ganto ang gagawin natin, yung first six ng team ay ang makakalaban nila Ezra at Paullete, at ang kagrupo naman nila ay ikaw, Katy, Miley, Celina, at Demi. Ako ang scorer since wala pa si coach. Malinaw ba?" paliwanag ni Trix sa Team nya.

"Maglaro kayo ng tulad ng normal game natin, gusto kong naka-focus kayong lahat, lalo na kayo Ezra at Paullete, alam kong magagaling kayo. Magbihis na muna kayo Ezra at Paullete, andun sa kaliwang side ang Dressing room, katapat ng Locker. May dala ba kayong damit na pampalit?" dagdag nyang sabi.

Naku, nakalimutan kong magdala. Buti pa si pawlita meron, panu na to? Alangan naman na naka uniform akong magtatalon dyan? Tch.

"Ah Captain, nakalimutan ko kaseng magdala. Hehe" nakayukong sagot ko.

"ah ganun ba? Ikaw Paullete may dala ka?"

"Ah opo, ready ata ako." nakangiting sagot ni Pawlita.

"Girls, sinong may extrang damit sainyo?"baling ni Trix sa Team nya.

"Naku, wala kong extra eh, pasensya na po Captain." sagot ni Katy.

"Yung akin po eh ginamit ko na ngayon." sagot naman ni Miley.

At ganun din yung sagot nung iba.

"Ikaw Misty? Meron ka ba?" tanong ni trix dun sa babaeng tinutukoy kong masama ang tingin sakin.

"Ofcourse." maarteng sagot nya.

"So, would you mind if Ezra will borrow it?" tanong ni Trix.

"Hell no!" sagot nya agad.

Aba. Kung makatanggi naman to, kala mo naman may putok ako. kahit dito pa sya tumira eh. Ang arte.

"Ah Captain, kahit hindi na siguro, mukhang ayaw ng isang yan eh. Hehe, may sando naman ako saka may Short naman ako, kaso maong nga lang, siguro pwede na naman yun, komportable naman ako." sagot ko. Naku buti na lang talaga hindi ako pumapasok na walang short na pangilalim, buti ng maong na ngayon eh, dati jersey shorts nung nasa dati ko pa akong school.

"Ah ganun ba? Sige ok na yan." nakangiting sagot naman ni Trix.

Pumunta na kami ni Pwlita sa dressing room na sinasabi ni Trix, aba sosyalin naman talaga ang school na to ah, ang laki ng dressing room nila, at sa tingin ko, hiwalay din yung sa basketball team. Pati na sa ibang sports. Malawak nga kase tong school ng to.

"Okey na ba Pawlita? Hindi naman ba masagwa?" tanong ko kay Pawlita, yung sando ko naman ay hindi naman manipis ang tela.

"Ok naman ah. Naks, ang sexy mo talaga at ang kinis mo pa din." sagot naman nya.

"Talaga? baka naman mukhang akong tanga."

"Hindi ah. Ay bakit ng pala medyo maitim ka Dear ngayon, nagbibilad ka ba araw masyado?"

"Hindi, nagpa-tan ako diba? Bumabalik na nga yung dati kong kulay eh." sagot ko naman.

"Oo nga pala. Hahaha. Sige tara na!"

"Tara na't kating kati na akong patamaan ng bola yung panga nung Misty na yun. Nakakayamot!" inis na sabi ko.

"Naku, basta hinaan mo lang ah. Hahaha, mukha pa namang gawa lang sa surgery yung muka nun." biro naman ni Pawlita.

"Ipanalangin nyang mahina lang haha"

Dumeretso na kami sa Court at ilang saglit pa nagsimula na ang game. Magagaling yung first six nila ah, kasalukuyang nasa likod ako at ganun din yung impaktang babaeng yun kung baga pagikot ng ibang players eh makakatapat ko sya. Aba syempre may palano ako. Haha Lintek lang ang walang gante. kala mo ah.

TriangGULONG Pag-ibig (On-Going &Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon