Chapter 36- His side...

108 6 0
                                    

Kiel’s POV.

Isang linggo. Isang linggo akong balisa, praning at parang tangang iniwasan si Abno, Oo, sinubukan kong iwasan sya dahil akala ko, pag ginawa ko yun, mababawasan ang nararamdaman ko, hindi lang isang linggo ang balak ko e’ gusto ko sana hanggat kaya ko. Pero, tangna! Imbes na mawala ang nararamdaman ko sa kanya e’ mas lumala. Mahirap tanggapin na sa ganitong sitwasyon ako bumagsak, pero sa loob loob ko, masaya ako. Lalo na nung kanina. Nung umamin ako sa kanya, hindi ko yun binalak sabihin, lalo na yung pagbaba ko galing kwarto, e’ wala e’ may sariling buhay ang letseng dila at bibig ko, kusang kumawala yung mga sinabi ko ngayon.

Yung mga sinabi ko ngayon kay Abno ay, unexpected, lalo na yung pagkakaron ko ng gusto sa kanya. Pero masaya ako sa nagaing resulta nun. Humingi ako ng tawad sa kanya sa lahat ng ginawa ko, kase, that’s the least I can do to her, sa lahat ng mga kagaguhan at kabaduyang ginawa ko noon sa kanya. Yung feeling ko ngayon, ang gaan, kase, pinatawad nya ako, at nasabi ko na sa kanya yung gumugulo sa isip ko ilang linggo na din ang nakakalipas. Nakakatawa pero, nakakataba ng puso.

 Pinatawad ako ni Abno, at laking pasalamat ko sa kanya.

“Ugok..” rinig kong tawag nya sakin, andito kase ako sa may veranda namin. Sabado kase ngayon kaya walang pasok.

“Oh?” sagot ko.

“Baka malunod ka.” Huh? Anong sinasabi nito?

“Ano bang pinasasabi mo dyan?”

“Ang lalim kase ng iniisip mo, pwede bang makiupo?” tanong nya sakin.

“Sige. Basta wag sakin, sa upuan na lang.”

“Ha-ha-ha.” Yun na lang sagot nya sakin saka naupo sa upuan sa tabi ko.

“Abno..” this time ako naman ang tumawag sa kanya.

“Oh?” sagot nya habang nakatingin sa labas.

“Yun kanina.. p-pasensya na kong nabigla kita.”

“Ano ka ba, diba napag-usapan na natin yan, ok na nga e’ pinatawad na kita.”

“Hindi yun…”

Saka tumigin sya sakin.

“Yung about sa.. sa gusto kita” dugtong ko.

“A-ano yun.?” Nahihiyang batid nya.

“Wag ka sanang maiilang sakin ah, kahit alam mo nang may gusto ako sayo, wag ka sanang maiilang sakin.”

“A’ yun ba? Oo naman, hindi ako maiilang, promise.”

“Salamat.” Saka ako ngumiti sa kanya.

“Wag ka ngang ngumiti.” Singhal nya, tingnan mo to, sya na nga tong nginingitian sya pa galit. Psh!

“Bat galit ka?”

“Hindi ako galit, mas bagay kase sayo yung masungit na mood, haha”

“Sus, siguro naku-cutan ka sakin pag ngumingiti ako nuh?”

“Ang conceited mo din nuh?”

“Honest lang.” sagot ko ulit, hindi na sya sumagot.

Long silence.

“Abno.” Ako ulit, pansin ko lang a’ sabi ko sa kanya wag syang maiilang sakin, pero ako naman tong naiilang.

“Uhm?”

“Kayo na ba  ni Bespren?”

 Parang nagulat sya sa tanong ko. Pati na din ako.

“Hindi pa.” tipid na sagot nya.

TriangGULONG Pag-ibig (On-Going &Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon