Chapter 39- Bad Day.

46 2 0
                                    

Third Person POV.

AN: Bago ito  malaman ni Ross na may sakit sya.

Kakagising pa lamang ni Ross at cellphone nya agad ang hinanap nya. Nang nakita nya ito agad nyang tinext si Ezra.
 Simula noong pumunta sila ng Tagaytay, at nagtapat sya rito, nakaugalian na nyang araw-araw itext at tawagan si Ezra. Hindi kompleto ang araw nya kapag hindi nya ito gagawin.  Masaya syang napaparamdam nya kay Erza ang pagmamahal nya.

[Good Morning Beautiful. Take Care. ]

Yan ang pinadala nyang mensahe kay Ezra. Napangiti si Ross ng agad na nagreply ang dalaga.

[Good Morning Handsome J Ikaw din, ingat palagi.]

Naisip ni Ross na ayain si Ezra na lumabas, tutal sabado naman at walang pasok, at alam nya ding walang practice si Ezra sa Volleyball. Muli syang napangiti sa isiping yun. Nagta-type ng message si Ross ng bigla syang nakaramdam ng matinding sakit ng ulo. ‘Ito na naman. Ano bang nangyayari sakin?’ sa isip ni Ross.

Nitong mga nakaraang araw kase ay palaging sumasakit ang ulo nya at hindi lang simpleng sakit ng ulo. Parang binibiyak ang ulo nya sa sakit. Hindi nya nagwang itext muli si Ezra dahil agad na nanlabo ang paningin nya at binalot na ng dilim ang paligid nya.

 “Ross, anak? Okay ka lang ba?” nagising sya sa tinig ng kanyang Mommy.

“Mm, ‘mmy? Bakit ho kayo andito kwarto ko?” yun ang agad nyang naisagot.

“Kanina kase may narinig akong kalabog mula dito sa kwarto mo kaya nagalala ako, nung pag pasok ko, nakita kitang nakahiga na sa sahig. Ano bang nangyari anak?” batid ni Ross ang pag-aalala mula sa mukha ng Mommy nya, ang naalala nya lang ay magkatext sila ni Ezra kanina at pagkatapos ay sumakit ang ulo nya.

At dahil ayaw nyang mag-alala pa ang Mommy nya, “Ah wala po Mommy, Nahulog lang po siguro ako sa kama ko. Haha, alam nyo na medyo malikot din akong matulog, sorry po kung pinag-alala ko kayo.” Pagsisinungaling nya sa Ina.  

“Sigurado ka Anak?” may halong pag-aalala pa din ang kanyang Mommy, tumango nalang sya bilang sagot.

“Don’t worry Mom, I’m perfectly ok.” Ngumiti sya saka tumayo at yinakap ang Ina.

----

Makalipas ang isang oras, naisipan nyang pumunta sa Hospital para alamin kung bakit sya nakakaramdam nang ganung pagkahilo at sakit ng ulo. Bito rin kaseng mga nakaraang araw ay lagi nya itong nararamdaman.

“Mom, alis muna po ako, si Manag na po muna ang bahala sainyo.” Paalam nya

“Saan ka pupunta?” sabi ng Mommy nya.

“Sa School po, may biglaang practice daw kase ang banda kaya kailanagn kong pumunta Mom.” Dahilan nya.

“Sige, you take care Son.” Bilin ng Mommy nya.

Lumapit sya rito at humalik sa noo. “Opo Mom, Thank you. Drink your medicine okay? And don’t drink.” Bilin nya din sa Ina, napangiti naman ang Ina nya sa sinabi nya. “I will and I will not.” Sagot nito na naintindihan nya naman. Pagkatapos nyang magpaalam ay pumunta na sya sa Hospital.

**

[Please listen to the song while reading]

“Doc, kumusta po ang result ng test?” agad nyang tanong sa Doctor. Hindi naman agad sya nito sinagot, halatang nahihirapan din ang Doctor na sabihin kung ano man ang resulta.

“Bakit po?” tanong nya, “Doc...” sabi nya saka nagsalita ang Doctor. Huminga ng malalim ang Doctor saka ito nagsalita.

“Mr. Baldwin. You have a cancer, Stage 3.” Saad nang Doctor, para naman syang nabagsakan ng kung anong mabigat na bagay sa ulo dahil sa narinig.

Hindi agad nakapag salita si Ross. Pakiramdam nya namanhid ang buong katawan nya sa narinig.

“C-cancer? I have C-cancer?”  hindi makapaniwalang tanong nya.

“I’m sorry but yes Mr. Baldwin. You have a cancer.” Malungkot na saad ng Doctor.

“W-what cancer Doc?” wala sa sariling ani ni Ross.

“Brain Cancer. Base sa mga resulta ng ginawang test sayo, ito ang dahilan kung bakit ka nakakaramdam ng matinding sakit ng ulo at pagkahilo, maging ang pagka wala ng malay mo. You’ve been suffering a brain cancer a month ago, pero ngayon lang ito lumala. You badly needed a treatment, kahit hindi pa ito terminal stage, kailangan mo ng mag-undergo ng treatment, it’s for your own good Mr. Baldwin.” Paliwanag ng Doctor.

“W-why? W-why me Doc?” hindi napigilan ni Ross na maluha dahil sa mga nagyayari ngayon sa kanya, hindi nya akalaing ganito ang mangyayari, agad naman pumasok sa isip nya ang dalawang pinaka importanteng babae sa buhay nya, ang kanyang Ina at ang pinakamamahal nyang si Ezra. Bakit kailangang mangyari to? Kung kalian masaya sya. Kung kalian nakilala nya si Ezra. Hindi matanggap ni Ross ang mga nagyayari sa kanya, pero wala syang magawa dahil yun ang katotohanan.

“I suggest na, magpahinga ka Mr. Baldwin, hindi na makakabuti sayo kung magpapagod ka. Mas makakabuti din kung iwasan mong ma-stress sa mga bagay.” Sabi ng Doctor.

“I’m already stressed right now, Doc.” Wala sa sarili nyang sagot nya. “But anyway, thank you for telling me that I’m sick. Thank you Doc, I’m going.” Sabi nya saka lumabas ng hospital, agad nyang tinungo ang kotse at doon na bumuhos ang emosyon nya.

Halo halo ang nasa isip nya ngayon. Pero ang nangingibabaw doon ay si Erza. Hindi niya alam kong paano nya sasabihin ka kanya at pati na sa Ina nya. Hindi kakayanin na sabihin sa Mommy dahil alam nyang mag-be-breakdown muli ito, hindi pa ng ito nakakalimot sa pagkawala ng Papa nya tapos ito na naman, panibangong hamon sa kanila. Ang hirap hirap tanggapin na nagyayari to para kay Ross.

Naisip nyang itext si Kiel. Sa ngayon si Kiel lang nag kayan nyang pagsabihan ng sitwasyon nya ngayon. Si Kiel na bestfriend nya. Pasado alas 12 palang pero naisip nynang ayain si Kiel na uminom, alam nyang magtataka ang kaibigan sa gagawin nya pero hindi nya din alam ang gagawin sa mga oras na to.

Sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit ako pa? sa isip ni Ross habang umiiyak. At dahil mahinahong tao si Ross, nagawa nyang manatiling mahinahon sa kabila ng lahat. Nasa isip nya na gagawin nya ang lahat para gumaling sya, hindi pa huli ang lahat. Gagaling sya. Para sa Mommy nya at kay Ezra. Pati na sa lahat ng taong importante sa kanya.

Bumalik muna sya sa bahay nila at nagkulong sa kwarto nya. Hindi nya magawang harapin ang Ina. Nanatili sya doon habang hinihintay si Kiel.

Halatang may pagtataka na agad sa mukha ni Kiel ng Makita nya si Ross. Paniguradong kukulitin sya nito mamaya. Hindi nga sya nagkamali, kinulit sya nito hanggang sa sinabi nya na ang nalaman sa Doctor.

♥♥♥

Thank you for reading!







TriangGULONG Pag-ibig (On-Going &Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon