Chapter 40- I will.

40 2 0
                                    

Ross' POV.

Two weeks after kung malaman na may Cancer ako. Until now hindi pa din ako makapaniwalang may sakit ako. Palaging tumatakbo sa isip ko ang mga posibilidad na maaring mangyari dahil sa sakit ko. Pero hindi naman ako dapat ma-stock na lang sa isiping yun. I need to continue living. I need to fight, not just for me but for all the people around me, for the person I care about, and for the person I consider my happiness. Mabuti na lang napakiusapan ko si Pards na wag munang sabihin kay Ezra ang tungkol sa kundisyon ko.

Kaya naman imbes na magmukmok. I ask Ezra to go on a date, matagal tagal na din kaming hindi nakakalabas. Namimiss ko na sya. Pakiramdam ko mas lalo ankong magkakasakit kung hindi ko sya Makita.

Pumunta ako sa bahay nila Pards para ayain si Ezra, hindi ko sinabing pupunta ako dahil gusto kong sorpresahin si Ezra, mahilig pa naman yun sa surprises, this past few weeks na nililigawan ko sya, mas lalo ko syang nakikilala. At mas lalong lumalamim ang feelings ko for her, pero kahit mahal na mahal ko sya, ayokong madaliin ang panliligaw ko sa kanya, lalo na ngayong may sakit ako. Sa ngayon, mas gusto kong makasama sya kahit hindi kami, basta maramdaman nyang mahal ko sya.

“Good Morning Manang Fe. Asan po sila?” tanong ko kay Manang Fe na kasalukuyang nagdidilig ng halaman sa garden.

“Magandang Umaga naman Ross, napadalaw ka? Nasa loob sila, pasok ka iho.” Anyaya sakin ni Manang Fe. Ngumiti naman ako.

“Naisipan ko lang pong dumalaw, na-miss po kase kita Manang” biro ko.

“Ikaw talagang bata ka, ako pa binola mo, alam kong hindi ako ang namiss mo, nasa loob sya naghahanda siguro ng almusal.” Saad ni Manang Fe, alam na nya din kaseng liniligawan ko si Ezra.

“Sige po, pasok na po ako, hindi din po kase nila alam na dadalaw ako.”

“Ganun ba? Sigurado akong matutuwa sila.”

“Opo, sige Manang, pasok na ko, anyway gumaganda po kayo Manang.” Sabi ko ulit.

“Hala sige, pumasok ka na, wag mon a akong bolahin pa. Hahaha,”

Nadatnan kong nakaupo si Ate Liberty sa sofa at may kausap sa phone.

“Good Morning ate.” Bati ko, agad naman syang lumingon at ngumiti,

“Beth, wait lang ah. I’ll call you later.” Sabi nya sa kausapa nya sa phone saka bumaling sakin.

“Hi Ross, it’s been a while simula nung huli kang dumalaw dito, kumusta?” yinakap nya ako at humalik sa pisngi nya.

“Ok naman Ate, medyo naging busy lang lately.”

“Nako, parang alam ko na kung anong pinagkaka-busyhan mo. Hahaha” biro nya.

“Hahaha, anyway po Ate, asan sila?”

“Ah, si Ezekiel nasa kwarto nya, si Ezra naman nasa kusina ata. Ewan ko ba dyan kay Ezra. Hindi ko na naman sya pinapagluto ng pagkain ni Ezekiel pero she insisted. Ang bait bait talaga nya.”

“Kaya nga 'dun ako humanga sa kanya Ate.”

“Nako. Hindi ka na mabiro, hindi naman talaga mabait si Ezra, hahahaha.” Biro ni Ate.

“Upo ka muna Ross,” sabi nya ulit.

“Salamat.”

“Teka, mukhang pumayat ka ng kaonti ah,” puna ni Ate.

“Ah, hindi naman Ate, siguro kaya mo nasabing pumayat ako kase minsan mo lang ako makita. Haha” dahilan ko, pero ang totoo, medyo pumayat ako kumpara dati.

TriangGULONG Pag-ibig (On-Going &Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon