Chapter 10- Ano to?

140 5 0
  • Dedicated kay Shena Rea Lamoste
                                    

Ely's POV.

Hay. Isang linggo na din ang nakakalipas pero di ko pa din matanggap na wala na kami ni Kay. Inlove ako dun eh. :( Tama na nga ang emote. Next time na lang yun.

Andito nga pala ako kila Ross. Tutal eh linggo naman, tatambay nalang muna ako.

"Tita. Asan po si Ross?"

"Wala pa ba Ely? Sabi nun eh, may bibilhin lang daw sa mall, babalik daw agad."

"Ah ok po. Antayin ko na lang po sya"

"Sige" Sabay inom na naman ng alak.

Kawawa naman si Tita Rose. Hanggang ngayon di pa din sya nakaka move on sa pagka wala ng asawa nya. 

Maya-maya..

"Oh Ely, napadaan ka ata?" Si Ross na kakadating lang.

"Wala lang, tambay lang. Ang boring sa bahay eh."

"Ahh kaya pala. Bat di mo kasama si Sy?"

"Hayy. Out of coverage lage yun pag gantong araw. Alam mo naman, madami na naman chika babes ang haharutin nun"

"Hahaha. Sinabi mo pa. Sandali lang ah. kausapin komlang si Mommy.."

"Sige.."

****

Ross POV.

"Mommy. Andito na po ako."

Humalik muna ako sa pisngi ni Mom.

"Andyan yung kaibigan mo."

"Ah opo. Kumain kana ba Mom?"

"Hindi pa"

"Dapat kumai--- anu yan Mommy? Umiinom ka na naman? Diba sabi sayo ng Doctor mo, itigil mo na yang pag inom mo. Nakakasama sayo yan lalo eh" 

Kulit lang ni Mommy eh. Di ko naman sya masisisi kung bakit sya ganyan ngayon. Mahal na mahal nya si Dad, kaya lang maagang kinuha ni Lord si Daddy. 

"Isa lang naman ah.."

"Kahit na. Mommy please naman oh. Para naman sainyo to, itigil nyo na yan."

"Pati ba naman ito pakikialaman mo ha Ross?" Inis na sabi nya.

"Kung yun lang po ang kailangang gawin Mom, kahit magalit pa kayo sakin, itigil nyo na ang pag inom.."

Umiyak bigla si Mama..

"Mommy naman.. alam kong masakit pa din sayo ang pagkawala ni Dad. pati din naman ako eh, nasasaktan pa din sa tuwing naaalala ko sya...pero Mommy. Isang taon na din po ang nakakaraan.."

"Alam ko.. alam kong matagal na syang wala pero..*sob* di ko kayang kalimutan ang Dad mo Ross.."

"Mommy.. hindi ko naman po hinihiling na kalimutan nyo sya.. ang hiling ko lang naman po..tigilan nyo ang pag mumukmok, pati pag inom, halos isang taon na po kayong ganyan.. ni hindi na nga po kayo lumalabas eh."

Umiiyak lang sya.

"Mom..hindi dahil nawala si Dad eh ititigil nyo na din ang buhay nyo. Mommy. Andito pa ko oh.." masakit para saking laging nakikitang ganyan si Mommy..

"Labas lang po kami ni Ely.."

Hindi ko na inantay ang sagot nya.. Sa ngayon kailangan ko munang magpahangin, kaya inaya ko si Ely.

"Tara kila Kiel.." sabi ko ng may mahinang boses. 

"Bro.. ok ka lang ba?"

"Ah oo naman." ngumiti na lang ako sa kanya.

TriangGULONG Pag-ibig (On-Going &Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon