Chapter 27- Blackmailed...

100 4 2
                                    

Pawlita's POV.

(Friday)

Maayos naman ang naging unang linggo ko sa Saint Anthony Academy, ok naman ang performance ko, saka sabi sakin ng Secretary ni Dean, may chance daw akong maging Dean's Lister nila, kahit na transferee daw ako, as long as maganda at mataas ang grades ko this grading at sa mga susunod pa, makakapag pwede raw akong makasama sa List nila, ang saya lang, kaso hindi ako pwedeng maging Valedictorian gawa ng transferee ako, naintindihan ko naman yun. Kanina ko lang din to nalaman kase pinapunta ako ng Dean sa office nya, buti na lang walang pasok sa Math, late pa man din ako. 

Alam nyo na, si Inay, hindi dapat iwan ng walang bantay, hays, si Itay kase, wala man lang paki-alam sa bahay maski kay Inay, loko yun, porket na may sakit ang Inay eh ganun na lang nya tratuhin. Nakakainis ang Itay. Pero kahit na naman kase inis ako kay Itay hindi ko naman magawang pagsabihan kase pag ginagawa ko yun, nagagalit naman sya. Ang sabi ni Inay, hayaan na lang daw namin. Basta't hindi naman kami sinasaktan. Kaya sinunod ko na lang si Inay, baka makasama pa sa kanya pag inaway ko si Itay.

After kong pumunta sa Dean's Office, pumunta na ko sa room. Pag dating ko naman dun wala si Dear, asan naman kaya yun? Wala din sila Ross at Kiel, si ELy lang at itong bwesit na lalaki ang andito sa room, yun ibang kaklase namin, may kanya kanyang business naman.

"Oh, andito ka na pala, kala ko naman hindi ka na papasok eh. Sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis eh. Hehehe" sabi ng bwesit na lalaking to.

"Aga-aga binubwesit mo ko." pagsususngit ko naman.

"Sa gwapo kong to? Nabu-bwesit ka pa? Maswerte ka nga kase kinakausap kita eh." mayabang na sagot nya.

"Hindi ko kailangan magpasalamat na kinakausap mo ko, mas ipagpapasalamat ko pa nga kung hindi mo ko kausapin. Ang hangin mo.!" sagot ko habang kinukuha ang notebook sa bag.

"Ayan ang gusto ko sayo eh, nasasagot mo ako ng ganyan. Hehehe" 

"Baliw ka." sabi ko na lang, kinuha ko din yung libro ko dahil kailangan kong mag-review, hindi pala ako nakapag praktis kanina sa Volleyball. Mamaya punta akong Sports Hall, hihingi na lang ako ng paumanhin kay Trix saka kay Coach.

"Pau, bat ka nga pala late?" tanong ng mokong na katabi ko. Hindi ko naman sya sinagot.

"Anong chapter na tayo sa English Rhian?" tanong ko sa katabi kong babae, nasa kaliwa ko sya at sa kanan naman tong bwesit na lalaki.

"Chapter 5 palang naman." sagot naman ni Rhian.

"Ah ok, salamat ah."nginitian ko sya. Saka ako nagsimulang buklatin ang libro ko.

"Ang ganda mo talaga pag nakangiti, dapat lagi kang nakangiti." sabat naman ng bweist na to.

"Ano bang problema mo? Ang ingay mo ah, nagri-review ako dito eh" singhal ko.

"Ang sungit mo naman. pero Bakit sakin lang? Unfair." pagmamaktol nya.

"Ay? Baket? Gusto mo lambingin kita?" sarkastikong sagot ko.

"Yay! Pwede rin." masiglang sagot nya.

"Mukha mo! Pagkatapos mo kong ipahamak sa amo ko at masayang ang dapat sanag sasahurin ko nung araw na yun, lalambingin kita? Asa ka." singhal ko.Saka ko sinara yung libro at kinuha ang bag ko saka lumabas.

"Oy teka lang naman.Wait Pau, sorry na nga diba? Saka pinagtanggol naman kita sa boss mo ah, saka pinapalitan ko naman yung sahod mo ah, saka diba sabi ko girlfriend kita" sunod sunod na sabi nya habang hinahabol habol ako sa paglalakad.

"Unang una, apology rejected. Pangalawa, hindi ko sinabing ipagtanggol mo ko sa baklang boss ko, pangatlo hindi ko tinanggap ang suhol mo at huli.. ano kamo? Girlfriend? Eh kung sakalin kaya kita ng manahimik ka sa ilusyon mo? Ang kapal ng apog mong mag-assume na syota mo ko, eh ni hindi nga kita type, saka .. eww ka! Manyak ka!" inis na sagot ko, akala nya nakalimutan ko na yung pag nakaw nya ng unang halik ko na reserba ko sana kay Zayn Malik? 

"Di ko akalain na mas maganda ka pala pag naiinis ka :)" ay grabe, may sapak din tong lokong to eh, hindi pinakinggan ang speech ko.

"Maganda talaga ako, don't state the obvious!" sagot ko saka naglakad ulit, hindi ko alam kong saan ako papunta basta lakad ako ng lakad, sunod naman ng sunod ang bwesit!.

Tumigil ako sa isang bench na may puno sa tabi, tumabi naman ang bwesit na to.

"Oy Pau, kausapin mo naman ang boyfie mo oh." kulit nya sakin.

"Ang kulit ng lahi mo nuh? Anong boyfie? Sinong boyfie sinasabi mo?" inis na sagot ko sa kanya.

"Ako." mayabang na sagot nya.

-_____- ako yan.

^______~ sya naman yan.

"Tusukin ko kaya ng ballpen yang mata mo! Nakaka asar ka ah." 

"Ah basta boyfriend mo ako." 

"Hindi kita boyfriend nuh, ayus ka ah, self-proclaimed mo na syota mo ko?" 

"Edi liligawan kita." seryosong sabi nya, natigilan naman ako.

"A-anong liligawan? kadiri ka ah, ligawan mo na si Deniece Koneho o kaya si Napoles isama mo na si Bernice, wag ako. Eww ka" napapahiyang sagot ko naman.

"Talaga? Payag ka na? Sige simula ngayon liligawan na kita." huh?

HUH? Wala naman akong sinabing OO ah, may sapak talaga to eh.

"Oy! Anong talaga? Muka mo! Hindi ako pumapayag ah."

"Pag di ka pumayag na ligawan ko, hahalikan ulit kita, na-miss ko pa naman yang lips mo haha" 

"Ang manyak mo!"

"Ano na? Liligawan kita o hahalikan kita? Pili na Pau, minsan lang yang offer na yan :)"

"Ano bang sinasabi mo jan!"

"Ok, hahalikan na lang kita." sabi nya sabay lapit ng mukha nya sakin..

"Lumayo ka nga!"

"Bibigyan kita ng 5 segundo para baguhin ang desisyon mo. 5, 4, 3 .."

"An--" ako.

"2 .. "

"OO na nga! lamayo ka na sakin, manyak kang bwesit ka!" inis na sabi ko, paano ba naman, mahahalikan na talaga nya ako.

"Yay! Ok, tara date tayo" masayang sabi nya saka ako hinila.

Ano ba tong napasok ko? Huhuhuhu, lord help me po, magpapakabait na ko. Wag nyo kong hayaang mapunta sa bwesit na to.

♥♥♥

Thank you for reading!

TriangGULONG Pag-ibig (On-Going &Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon