Chapter 22- Palpitate...

141 6 3
                                    

Kiel's POV.

Tinatamad akong tumugtug ngayon, hindi ko alam kung bakit. Pero basta nung sinabi sakin ni bespren na gusto nya si Abno at balak nyang ligawan sya, dun parang nag-iba yung pakiramdam ko, hanaggang ngayong tumutugtog ako. Pero kahit ganun, hindi ako nagpapahalata. Hanggang sa matapos naming praktisin yung For the first time ng The Script. Maganda naman yung kinatapusan ng practice namin. Natuwa naman si Miss Ocampo.

"Magaling. Walang kupas. Yan ang gusto ko sainyo Mr. Griffin and Mr. Baldwin eh, napakagaling nyo." puri samin ni Miss Ocampo bago kami umalis.

"Salamat Miss. Una na po kami. late na din po eh." paalam ni Bespren kay Miss.

"Sige, ingat kayo ah. Sa Friday ang sunod na practice natin, para to sa presentation natin sa nalalapit na Intrams ng School." sabi ni miss samin.

Malapit na pala ang Intrams. Inayos ko muna ang mga gamit ko sa Bag ko, ganun din si Bespren. Saka kami nagsimulang maglakad palabas.

"Pst!" may narinig akong sumipol sa bandang likod namin. Liningon ko naman yun.

"Bespren may tao ata dun oh" sabi ko kay Ross.

"Ha? Sino naman kaya yan." 

"Bulaga!" lumabas sila Pawlita at Abno? Anong ginagawa nila dyan? Kala ko may try out sila.

"Ha! Nakakagulat. Gulat na gulat ako. Promise" sarkastikong sabi ko saka ako tumalikod. Ewan ko kung bakit naiinis akong andito sya at makakasama na nya naman si Ross. may gusto din ata kay Bespren eh.

"Ha-ha-ha-ha. Nakakatawa ~ Spell epal?" sabi sakin ni Abno.

"I-K-A-W" sagot ko naman. Saka inirapan nya lang ako. LANGYANG yan, kung tratuhin ako neto kala mo sya ang amo ko ah. Ibang klase. Psh!

"Kumusta ang try-out Ezra?" sabat ni Ross.

"Ok naman. Pasok na kami sa Team." masayang sagot ng kaibigan nya.

"Ezra daw Pawlita. Hindi ikaw, ako yun diba?" sarkastikong sabi ni Abno sa kaibigan nya.

"hahaha. Sensya, na-excite lang."

"Okey naman Ross, pasok na kami sa team. Haha, nakakatuwa diba?" sagot ni abno. Urgh! Ang arte.

"Mabuti yan, masaya ako para sainyo, pasensya na pala ah, hindi ko kayo napanuod" 

"Ano ka ba, ok lang yun." 

"Ang arte. Tch!" bulong ko naman.

"Ah Ross, baliw na ata yang bespren mo oh, nagsasalita ng walang kausap." biglang sabi ni Abno, ang lakas ng pan dinig ng kumag nato. 

"Anong sabi mo?" ako

"Wala naman. Ah Ross una na kami ah, may dadaanan pa kase kami ni Pawlita" malambing na sabi nya kay Ross, samantalang sakin ganto ..

"Hoy Ugok! Mauna kanang umuwi, hindi na ko sasabay sayo." ganyan, with irap pa yan ah. langya, sarap dagukan neto eh.

"An ganun ba? Oh sige. Ingat kayo ah, tatawagan kita mamayang gabi." wow ah,  call mate ang mga loko. Tss.

"Ok, ingat ka sa pag uwi ah, salamat" sabi nya ulit kay Ross.

Lumakad na paalis sila Abno.

"Tara na?" baling nya sakin.

"Sige. Pagod na din ako eh."

Naglakad kami papuntang paking lot, may kanya kanyang kotse kaming dala, ganun di sila Sy at Ely. 

Nung makarating na kami.

"Ah Pards, sandale" pigil sakin ni Ross, papasok na sana ako sa kotse ko.

TriangGULONG Pag-ibig (On-Going &Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon