Chapter 24- This can't be...

103 7 2
                                    

Ross' POV.

Napag desisyonan ko ng magtapat kay Ezra, naisip kong mas mabuti marahil kong malaman nya na ang feelings ko for her, ayokong maguluhan sya sa mga kilos ko. At naisip kong sa linggo ko yun gawin, tutal napagpaalam na naman ako kay Pards na ilalabas ko si Ezra sa linggo.

Kasalukuyang nag-iisip ako ng plano kung paano ko masasabi ang feelings ko kay Ezra, na hindi sya mao-akward sakin after.Saan ko kaya sya pwedeng dalhin sa linggo, hindi naman ako magaling sa mga date kase, hindi din naman ako mahilig dun.

"Tama!" naisip kong magpatulong kay Sy, pagdating sa mga gantong bagay,malaki ang maitutulong nya saakin.

Briizk.Briizk.Briizk.

Tiningnan ko ang phone ko.

Will Calling...

( Hello )sabi sa kabilang linya.

"Hello Will, ang aga mo naman ata tumawag, anong meron?"

( Magkita tayo mamaya )

"Bakit?"

( May sasabihin ako, importante.)

"Sige, papunta na din akong school. Saan tayo magkikita?"

( Sa coffee shop ko na lang, wag ka ng pumasok sa first subject mo )

"Malabo yan Will, may gagawin ako eh"

( I'll be expecting you. )

"Tch, sige na, mukhang importante yan ah, sige, anong oras?"

( 8:00, antayin kita dun. )

"Okey, sige bye."

End Call

Si Rion William Lambert, hindi niya ginagamit ang surname ni Dad, I don't know why, kapatid ko sya sa ama, anak sya ni Dad sa ibang babae, alam din yun ni Mommy, close din sya kay Mom, pero nung mamatay si Dad, medyo hindi na sya nakakadalaw sa bahay, gawa na din raw ng trabaho nya, hindi ko alam kong ano pero sa tingin ko, maayos naman, may negosyo sya at yun ay ang kanyang Coffee Shop. Mayaman ang Mommy nya, matanda sya sakin ng pitong taon, pero Will lang ang tawag ko sa kanya kase dun ako nasanay.

Papunta na akong school, pero tumawag ulit si Will, yung isang yun talaga napaka partikular sa oras, ayaw man lang maabala. 

Sa Coffee Shop.

Pumasok ako agad sa Office nya, nadatnan ko syang nakaharap sa Laptop nya, seryosong tao si Will, at napaka workaholic nya din. At madalas hindi ko alam ang takbo ng isip niya. Manang mana siya kay Dad.

"Will." tawag ko sa kanya.

"Come in Ross, take a sit first, what do you wanna have? Coffee, juice, beer?" tanong nya agad sakin.

"Haha, beer ka dyan, I don't drink beer Will, coffee na lang, thanks" natatawang saad ko.

"Ok, -- Annie, dalhan mo kami ng Coffee dito sa office ko, pakibilisan, salamat" pagkababa nya ng Telepono, saka sya bumaling saakin.

"Salamat sa pagpunta." saad nya.

"Wala yun, ano nga palang sasabihin mo?"tanong ko sa kanya.

*tok**tok**tok*

"Excuse me Sir, andito na po yung Coffee nyo" pinapasok nya yung empleyado nya saka linapag ang dalang kape sa mesa.

"Thanks Annie" 

Pagkalabas nung empleyado nya saka muli syang nagsalita.

"Saan na nga ba tayo?" tanong nya sakin.

"Ah oo, kaya kita pinapunta dito kase gusto kong ipagpatuloy yung dini-discuss ko sayo nung nasa office tayo ng Dean nyo."

Ah oo, hindi nga pala namin natapos yung pinaguusapan namin nun. May nabanggit syang bagay tungkol sa trabaho nya eh.

"Ano yun?"

"Hihingi sana ako ng pabor sayo."

"Anong pabor?"

"Alam mong bukod sa Coffee Shop ay may iba pa akong trabaho."

"Oo, pero hindi ko alam kong ano 'yang trabaho mo." sagot ko sa kanya, masyado syang misteryoso.

"Pag sinabi ko ba sayo, gagawin mo ang pabor ko?"

"Hindi ko masasagot yan Will."

Mas lalo akong naguluhan sa kanya.Nung sinabi nya saakin kong ano ang trabaho nya parang may kung anong bumagabag saakin, lalo nung sinabi nya saakin ang pabor nya.

"Gusto kong malaman mo na, nagtatrabaho ako sa mga Gonzales." ani niya.

Gonzales?

"What do you mean?"

"Matagal na akong namamasukan sa kompaniya nila. Kanang kamay ako ni Don Romulo Gonzales."

Ang mga taong 'yun! Hindi ko mapigilang hindi magalit kapag naaalala ko ang ginawa nila kay Dad.

"But, why? They're the reason behind Dad's death!"

"That's why I'm working for them,"

"I don't get the point Will."

"I planned this. Sinadiya kong magtrabaho sa kompaniya nila para mapalapit sa pamilya nila, para mapagmasdan ang mga kilos nila. I want to take all of what they have right now. Ross, alam mo kung gaano pinaghirapan ni Dad ang position niya sa kompaniya nila pero dahil sa ganid sila, in just one snap, nagawa nilang alisin si Dad sa kompaniya, dahil alam nila ang abilidad ni Daddy, ganid ang Din Romulo na 'yun. Gusto niya ay sa kaniya lahat ng shares sa kompaniya. Kahit alam niya na corporation 'yun. Nang malaman niya na si Dad ang napipisil ng board na gawing CEO, siniraan niya si Dad!"

And because of what he did, unti-unting nawala lahat kay Dad. Lahat ng pinaghirapan niya sa kompaniyang 'yun. Kahit na may sarili kaming company ay naglaan din si Dad ng oras sa corporation na 'yun. Dream company daw nilang magkakaibigan 'yun pero mas madami ang ambag ni Dad. Don Romulo is dad's bestfriend back then, kaya naman hindi makapaniwala si Dad na kayang gawin 'yun sa kaniya ni Romulo.

"Listen Ross, I called you because I have something to tell you."

"Ano 'yun?"

"Nawawala ang panganay nilang anak."

"Oh really? That's good then." saad ko.

"And I think, nasa school niyo siya ngayon."

Kumunot ang noo ko.

"What do you mean?"

"Nalaman ko na may isang babae na nag-ngangalang Ezra Gonzales sa school niyo. And I think siya ang anak ni Don Romulo. I know her."

This can't be...

♥♥♥

Thank you for reading!

TriangGULONG Pag-ibig (On-Going &Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon