Chapter 41- Truth

75 4 3
                                    

Ezra’s POV.

[Please listen to the song on the side po.]

Hindi ko na kayang itago pa kay Ross ang totoong pagkatao ko. Hindi ko na kayang magsinungaling sa kanya. Mapakabuti nyang tao, kaya naman kahit na mahirap sakin na sabihin sa kanya na ako si Ezra Hezekiah Gonzalez, pinilit kong sabihin sa kanya. Sa tingin ko kase, ito na yung tamang panahon para aminin sa kanya. Hindi lang dahil sa nakokonsensya na ako sa kasinungalingan ko kundi dahil, ayokong mag lihim sa kanya dahil, mahal ko sya.

“I-ikaw si Ezra Hezekiah Gonzalez?” ani ni Ross na alam kong naguguluhan.

“O-oo Ross,” tipid na sagot ko.

Tiningnan muna nya ako ng matagal bago pa man nya ako yakapin ulit.

“I knew it.” Sabi nya, ako naman ang naguluhan.

“What do you mean by that?” ako

“Alam kong hindi ka mahirap, pero hindi ko alam na ikaw si Ezra Hezekiah Gonzalez.”

Nakahinga ako ng maluwag.

“Hindi ka galit sakin?”

“Why would I?”

“Kasi nagsinungaling ako. Simula pa lang nagsinungaling na ako sayo.”

“Shh. I’m not mad. In fact I’m happy. I’m happy because, you let me know you’re secret, you let me know the things that others don’t know. And one thing I assure you, no matter what secret you reveal to me, I’m always be here for you.” Hindi maiwasang maluha sa mga sinasabi ni Ross sakin. Nginitian nya ako, pero alam kong may kakaiba sa ngiti nya. Pero kahit ganun, ginantihan ko din sya ng ngiti, yinakap nya ulit ako.

“Akala ko, kapag nalaman mo na nagsinungaling ako sayo, iiwan mo ako.” Sabi ko habang umiiyak sa dibdib nya. “Akala ko, after mong marinig ang totoo, magwo-walk ka at iiwan mo ako dito sa park, wala pa naman akong pamasahe pauwi.” Biro ko

“Hush. Don’t cry. I will not do that to you. I love you and you know it.”

“I know, and Ross, there’s one thing left I want you to know.”

“What is it?”

“..I-I “

“You what?”

“I-I love you Ross.”

Kumalas sa pagkakayakap nya sakin si Ross saka ako tiningan.

“You what Ezra?” pag-uulit nya.

“W-wala, forget it.” Nakakainis, naglakas loob pa man din akong sabihin sa kanya na mahal ko sya tapos hindi naman pala nya narinig.

Ngumiti sya sakin saka hiwakan ang baba ko. “Say it again.” Malambing na anas nya.

“A-ayoko nga.”

“Please.” Dugtong nya. Ahhhhhh, ayan na naman yung pasweet na tone nya eh.

“Dinadaan mo na naman ako sa lambing eh.”

“Hahaha, tumatalab pala sayo yun? I’m happy to know that. Now, please say it again Ezra.”

“Say what?”

“The 3 words 8 letters na sinabi mo a while ago. I want to hear it again.”

“Sabi ko, ‘Uuwi na ko’.” Sabi ko.

TriangGULONG Pag-ibig (On-Going &Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon