Chapter 7- Payback time *U*

180 7 1
  • Dedicated kay Sushmita Libreja
                                    

Kiel's POV.

Buti naman, tapos na lahat ng subject uwian na.

"Hoy Master Zacky!" Si abno na naman yan.

"Ngayon Zacky naman. Abno ka! Walang duda!"

Kung anu-ano na lang naiimbento nya.

"Sus. If I know, type mo yung Zacky. Hahaha. Ambait ko noh? Pinalitan ko yung Zacarias." Walanjo talaga to.

"Hoy! Kesa magda-daldal ka dyan, bakit di mo ko ipaghanda ng meryenda? Ano? papasok-pasok ka bilang maid tapos tamad ka naman pala."

"Alam mo, kung hindi lang ako gipit ngayon, hindi ko din naman gugustuhing pumasok dito noh." mataray nyang sagot.

"Alam mo rin, nakaka irita ka. Dami mong satsat, sundin mo nalang yung utos ko nang may magawa ka naman, sayang yung sahod mo!"

"Oo na. Mag-uutos lang eh, high blood agad?"

"Dun ka na nga!" sigaw ko.

"Oo na nga, eto na nga oh. Hintay hintay din Master Zacky."

"Pakyu!" sigaw ko habang naglalakad na sya papasok ng kusina.

"Same to you Master!!" talaga naman! Sumasagot pa talaga.

*****

Ezra's POV.

"Oh! Lamunin mo!" Sabi ko pagkabigay ko nung meryenda daw nya.

"Aba't, hoy abnong katulong! Magdahan dahan ka sa pinipili mong salita" sya yan. Maka-katulong naman. Sakit sa ribs!

"Ay sorry pooooooo!!!" Sabi ko habang ginagaya yung posisyon ni Chichay. Alam nyo ba yun?

"Heh! Lumayas ka nga. Naa-alibadbaran ako sa mukha mo!" 

Wow ha. Sa ganda kong to?

"Pwede mo naman akong paalisin ng maayos, hindi yung ganyan. Che!" yun.. umalis na ko. Pero tinawag nya ulit ako.

"Abno!"

"May pangalan ako!"

"Wala akong pakialam"

"Bakit ba?"

"Tawagan mo nga sila Ross, papuntahin mo dito"

"Oo na. Anu ba number nila?"

"Oh" hinagis nya sakin yung iPhone nya. Ayos to ha. Namiss ko tuloy ang phone ko.

Kiel's POV.

Hahaha. May naisip akong plano, nakakapikon talaga yang babaeng abno na yan. kala nya nakalimutan ko na yung ginawa nya sakin nun sa Mall? Pwes, naka save yun sa brain ko.

(A/N: Meron ka nun?)

Isa ka pa.Get lost nga muna. Epal ka eh.

(A/N: So ganun? Epal na ako? Baka naman gusto mong papangitin ko ang character mo dito, at ang ending, magkalasog lasog ang katawan mo at makita ng Mama mo sa ilog na lumulutang lutang?)

Syempre joke lang yung Get lost Mafei, ito naman. Peace lang tayo dapat.

(A/N: Okey ^____^)

So ayun nga, tutal sabado bukas, kaya okey lang kahit mapuyat kami nila Ross. Papahirapan ko si Abno ngayong gabi.

Oi baka kung anu na iniisip nyo hah.It's not what you think. Pinatawagan ko sila Ross kay Abno.

Di  nagtagal, andito na silang tatlo.

TriangGULONG Pag-ibig (On-Going &Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon